CHAPTER 38 Yumuko lang ako at pinaglaruan ko ang aking mga daliri. Tumayo siya sa aking harapan, pero may nilagay pa rin siyang distansiya doon. "Gianna. . ." tawag niya ulit sa aking pangalan. HIndi ko pa rin tiningnan. "I know this is new to you. I know you are scared with what is happening. And I also know that you are scared of me. Alam kong marami kang mga tanong sa akin. Sasagutin ko lahat ng iyon. Pero hindi na muna ngayon. Gusto kong magpahinga ka muna. Gusto ko sanang dito ka lang sa condo ko. Pero alam kong mas matatakot ka. Just call me when you are ready." hindi ko pa rin siya sinagot. Pero this time ay tumingin na ako sa kanya. "Gusto ko ng umuwi." 'yan lang ang tanging sinagot ko sa lahat ng mga sinabi niya sa akin. Oo, marami akong tanong sa kanya. At tama naman siya

