CHAPTER 3
Kaagad akong nakaramdam ng magkasabay na kurot sa aking gilid pagkatapos kong sabihin iyon. Ano ba ang problema sa sinabi ko? Sasabay lang naman ako sa kanya, ah? Hindi ba pwede iyon?
"I am very sorry, miss. But I have an important matter to do. Excuse me," para akong natalo sa pustahan sa kanyang sinabi. Ang damot naman nito! Sasabay lang naman ao sa kanya! Umalis na it at nauna ng maglakad sa amin.
"Putangina? Tama ba 'yong narinig ko sa 'yo, Gianna?" hindi makapaniwalang sambit ni Kaylee sa akin.
"Ang kapal ng mukha mo girl, ah? Bakit ka ganyan? Iba talaga ang nagagawa ng alak sa atin, 'no? Jusko!" natatawang sabi ni Chloe at hinampas ako.
“Kailangan nating uminom ngayon! Bar tayo! May bagong bukas na bar ngayon!” sabay na napalayo sa akin ang dalawa at napasandal sa pader sa gilid.
“Hindi pwede! Pagpahingahin mo naman kami, Gianna!” nauna ng maglakad sa akin si Kaylee. Sumunod naman sa kanya si Chloe para iwasan ako.
“Hoy! Ano ba! Samahan n'yo naman ako! Hindi ba kayo naawa sa akin?” humabol ako sa kanilang dalawa.
“Walang uuwi sa pamilyang ito! Lahat tayo ay pupunta ng bar!”
Syempre hindi sila mananalo sa akin. Nasa bar na kaming tatlo ngayon, nakaharap sa alak. Umiinom din naman ang mga ito at si Kaylee pa nga ang nagbayad nun. Ang dami ko ng mga nakikitang target kanina pagpasok palang namin. Mamaya kayo sa akin. Kapag nalasing na ako ng todo ay doon na ako hindi nahihiya. Lalapitan ko na 'yon isa- isa mamaya at maghahanap ako ng pinaka the best.
“Kapag hindi na naman tayo makapasok bukas mapapatay na talaga ako nito ng mga magulang ko.” umiiling na sambit ni Chloe pero tumutungga pa rin naman ng alak.
Nandito kami ngayon sa bagong bukas na bar. Kakabukas lang nito kahapon, eh, kaya dagsa halos lahat ng mga tao.
Buti nga at hindi pa kami naka uniform ngayon kaya malaya kaming makakapaggala kung saan- saan. Kahit naman dati ay kapag may pasok may baon kaming damit para diretso gala na. Tumatakas nga kami tuwing gabi, eh. Ako dahil wala namang kasama sa bahay ay mabilis lang ako makaalis. Pero si Chloe dahil medyo mahigpit ang magulang ay kailangan pang umakyat ng gate nila. Gigising na sa umaga ang mga magulang niya, si Chloe kakauwi pa lang at matutulog pa. Si Kaylee ay hindi rin mahigpit ang kanyang nga magulang.
Nang medyo lumalim na ang gabi ay mas naging maingay na ang buong lugar dahil lahat ng mga tao ay may mga tama na. Halos lahat ay nasa dance floor na at sumasayaw. Naunang tumayo sa amin si Kaylee at hinila kaming dalawa ni Chloe. Hindi kami nagreklamo at sumunod na lamang sa kanya. Pumunta kami sa gitna at humalo sa mga taong sumasayaw.
“Eyy! That's my girl! Igiling mo pa, Chloe!” mas lalo pang sumayaw si Chloe nang isigaw ko iyon sa kanya. Mas giniling niya pa ang kanyang mga balakang. Maraming nakaagaw ng pansin sa amin. Halos lahat ng mga lalaking natipuhan ko kanina ay unti- unti ng lumalapit sa amin. Palihim akong ngumisi. Tinaas ko sa ere ang aking isang kamay, pumikit ako at pinadausdos ko ang aking isang kamay mula sa dibdib ko pababa sa aking tiyan.
Naramdaman ko ng may tao ng nasa likod ko ngayon. Sumayaw pa rin ako nang sumayaw at hindi ko nilingon kung sino man ang taong iyon. Napatigil ako sa aking pagsasayaw nang hawakan nito ang aking bewang at mas lalo akong nilapit sa kanya.
Ang laki ng mga kamay niya, sinakop nun ang aking buong bewang. This guy must be tall and big. Hindi ko muna siya nilingon at nagpatuloy lang ako s aaking pagsayaw. I almost moaned when he rubbed his manhood on my butt. s**t! He was so huge! Hindi ko man nakikita ay ramdam na ramdam ko na iyon habang nakakiskis sa aking pwet ang p*********i niya. Hindi pa ako kahit kailan nakipag- s*x sa aisang lalaki. I only kiss guys. I am only nineteen years old, turning twenty next month, and a virgin.
Humawak ako sa kamay nung lalaki na nasa aking bewang, idiniin ko pa ang kanyang pagkakahawak doon. Nilapit ko pa ang aking likod upang idikit sa kanyang dibdib. Ang tigas, tangina! Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at nilingon ko na siya. Sa una ay hindi ko pa maaninag ang mukha niya. Madilim at nakakahilo ang ilaw na iba- iba ang kulay. Pero halos malaglag ang aking panga nang tuluyan ko ng makita kung sino ang lalaking nasa likuran ko ngayon at nakahawak sa bewang ko. Nananaginip ba ako? Dala ba ito ng kalasingan ko? Bakit siya ang nakikita ko sa lalaking ito? Bakit magkamukha na silang daawa. Ilang beses kong kinurap- kurap ang aking mga mata pero ganoon pa rin ang aking nakikita, mukha niya pa rin.
Bakit siya nandito? Bakit niya ako hinahawakan? Siya ba talaga 'to? Baka kambal niya lang ito. O baka hindi naman talaga siya ito pero lasing na talaga ako at siya ang nakikita ko.
"Sir?" hindi ko alam kung narinig niya ba ang sinabi ko. Pero mukhang alam na nito na ako ang kanyang kasayaw dahil hindi na ito nagulat sa akin. Kanina ay ilag na ilag siya sa akin, pero ngayon ay bakit siya pa mismo ang lumapit?
Nilingon ko ang dalawa para sana ipakita sa kanila kung sino ang nasa harap ko ngayon. Pero wala na sila sa tabi ko, nilibot ko ang aking paningin sa buong lugar upang hanapin sila, pero hindi ko na makita. Dapat nandito sila para makita nila, alam ko kasing hindi sila maniniwala sa akin kapag sinabi kong nakasayaw ko si Sir. Lalo na at lasing ako, mas lalo lang silang hindi maniniwala sa akin.
"Bakit ka po nandito?" sa lakas ng music ay imposibleng naririnig niya ang sinabi ko. Kaya lumapit akong muli sa kanya. Hindi ito umilag sa akin, nilapit ko ang aking bibig sa kanyang tainga upang bumulong sa kanya.
"Bakit ka po nandito?" sumigaw na ako. Pero wala akong narinig na sagot doon. Hind naman ito mukhang lasing. SIgn na ba 'to? Na landiin ko na siy ng tuluyan? Hindi dapat tayo tumatanggi sa grasya, siya na mismo ang lumapit sa akin. Tatanggi pa ba ako? Syempre hindi! Grab the opportunity, 'no! Sayang ang biyaya na binigay sa atin.
Nilagay ko ang aking dalawang kamay sa kanyang batok at muli akong sumayaw. Akala ko ay itutulak niya ako, o kaya naman ay tatangihan. Pero hindi niya iyon ginawa. Bagkus, nilagay niyang muli ang kanyang nga kamay sa aking bewang at mas nilapit ako sa kanyang katawan. Ilang pulgada na lamang ang pagitan ng mga mukha naming dalawa. Nasa gitna kami ng dancefloor, nakatitig sa isa't- isa.