CHAPTER 33 At habang papunta nga kaming tatlo sa school ay mga sigaw ng dalawa ang bumalot sa loob ng kotse ni Kaylee. May dala siyang driver today dahil tinatamad daw siyang mag- drive. Kaya naman ay nasa backseat kaming tatlo, nasa gitna nila akong dalawa. Kanina pa nga ako nahahampas ng dalawa. Syempre kinuwento ko talaga sa kanila lahat. Gusto nila ng detailed, eh. Sa bawat kwento ko ay may katumbas na hampas iyon galing sa kanilang dalawa. Parang nagsisisi na tuloy ako dahil bugbog na naman ang katawan ko. “Malaki ba talaga?” bulong sa akin ni Kaylee habang pababa na kami ng sasakyan niya. Nauna siyang bumaba sa akin at sumunod ako sa kanya. “Malaki nga,” umiiling na sambit niya nang makita kung gaano ako nahirapan na bumaba ng kotse. Gusto ko nalang umiyak habang paakyat kaming

