Chapter 6

1138 Words
"Last day na nya sa bahay bess." Malungkot na sumbong ko habang nakadukdok sa table nya na puno ng paper works. "Bakit ganyan ka mukang namatayan? Ito naman gusto mo hindi ba? Una palang allergic na allergic ka sakanya, tipong kulang nalang sumuka ka sa pandidiri. At inis na inis ka pa e, anyare bakit parang nag iba ang ihip ng hangin?" Tanong nito habang tuloy parin sa ginagawang papirma sa papeles. "Totoo nga ang sabi ng matatanda na wag makipaglaro sa apoy." Pabagsak nyang linapag ang ballpen nya at nakataas ang kilay na tumitig sakin. Sinuri nya ako mula paa hanggang ulo. "Mahal mo parin kasi diba?" Pagpapa amin nya sakin. "Hindi naman nawala yon eh. Natakot lang naman ako na masaktan kaya ayaw ko syang bigyan ng pansin, at isa pa ex nalang nya ako bess. Nakahanda na nga annulment paper namin eh." Tumulo na naman ang mga taksil na luha ko. "Bakit parang gusto ko nalang magpakatanga ulit?" "Alam mo ikaw lang makakaresolba sa sarili mo nyan. Kahit naman anong payo ko rito wala rin kasi marupok ka. Hindi mo rin naman susundin ang ipapayo ko sayo Arian." Pinunasan nya ang luha ko at hinawakan ang balikat ko. "Instead of crying. Itigil mo na yang drama mo sa buhay at piliin mo ang ikaliligaya mo! Ilaban mo sya bess, bawiin mo sya. Ngayong ikaw na ang mahal nya bakit hindi mo sya ipaglaban? Kasi sya sa nakikita ko lang ha, binubuo ka nya ulit." Tama si Raquel binubuo ulit ako ni Duce. Winasak man nya ang puso ko, sya rin naman ang dahilan ng pagkabuo nito. Lakas loob akong dumiretso kila Mommy para mag tapat ng totoong nararamdaman namin ni Duce. "Anong sabi mo?!" Galit na tanong ni Dad habang masamang nakatingin sakin. "Ano kaba namin pinalaki ha? Bobo kaba?! Tanga kaba? Hindi ka gagraduate ng top and honor student kung pinalaki ka naming mangmang!" "Dad," saway ni Kuya. "Shut up! All of you shut up! Tuturuan ko ng tamang asal at tamang desisyon sa buhay si Arian, and final decision is to stay away from that stupid and iresponsible guy!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Daddy. Umiiyak na tumingin ako kila Kuya At Mom na wala ring magawa. "Bakit ba ang kitid ng utak mo Daddy? Mahal namin ang isat isa. Oo, dati ako lang ang nagmamahal saming dalawa pero ngayon iba na po." Pangangatuwiran ko. "Anong akala mo mahal ka nya ngayon? Mali ka, maling mali. Ginagamit kalang nya para maiahon ang nalulugi nilang kompanya. Pinaimbestigahan ko sya Arian, at lumabas na hindi na nagkamild amnesia. Plinano nya lahat ng ito para makuha ulit ang loob mo!" Bulyaw pa nya sakin. "Ngayon sabihin mo ganyan ba ang mahal? Niloloko at ginagawang tanga?" Napaupo ako sa panghihina. "N-niloko nya a-ako? All this time fake lang ang lahat?" Bulong ko sa sarili ko. Anong kasalanan ko sakanya? Bakit ba lagi nalang nya akong niloloko? Napahawak ako sa ulo ko sa sobrang galit ko at humagulhol ng malakas. "Gusto ko nalang mawala sa mundo! Gusto ko nalang mamatay!" Umiiyak na sigaw ko. Linapitan ako ni Kuya at Ate Luna kasama si Mommy. Inalalayan nila ako papasok sa kwarto ko. "Anak," tawag ni Mom. "Hindi sinasadya ng Daddy mo ang mga nasabi nya. Ikaw lang naman ang inaalala naming lahat eh. Babalik ka pa ba sa bahay nyo? Sasabihin mo ba sakanya na alam mo na?" "Hindi na po siguro." Walang emosyong sagot ko bago binaon ang mukha ko sa unan at umiyak na naman. Isang araw palang ang lumilipas na nasa bahay ako nila Daddy para akong nakakulong ng taon. Tama bang hindi ko ipaalam kay Duce na bistado na sya nila Daddy? Na niloko lang nya ako at pinasakay sa walang kwenta nyang salita. Inangkin nya ako ng buong- buo at ibinigay ko naman ang sarili ko. Kasi nga mahal na mahal ko parin sya, at handa ko syang bigyan ng pangalawa o pangatlo o pang apat man na pagkakataon kung naging tapat lang sana sya. "Pwede po ba akong sumaglit sa bahay namin? May gagawin lang po akong mahalaga." Paalam ko kila Daddy na ayaw pa sanang pumayag pero wala rin silang nagawa. "I miss --" Isang malakas na sampal ang sinalubong ko sakanya kaya natigilan sya. "Anong kasalanan ko na naman?" Takang tanong nya. Ang galing nya talagang maging inosente sa lahat ng oras. "Niloko mo na naman akong hudas ka! Bagay na bagay ka nga talaga sa Impyerno kasi demonyo ka! Hindi ka naman pala talaga nabangga, at wala karing amnesia." Yinakap nya ako. "Bitawan mo akong hudas ka! Napakasinungaling mo! Pera lang namin ang habol mo hindi ba? Dahil ba sa kompanya nyo? Ano?! Sumagot ka!" Sigaw ko sakanya. "Hindi totoo yan Ami." Depensa nya bago akmang luluhod sa harapan ko ng bantaan ko sya. "Wag na wag mo akong luluhuran Duce. Niloko mo ako e, pinaniwala mo ako na okay na tayo. Binuo mo nga ako pero ito na naman winawasak mo na naman ako." Pinahid ko ang luha ko. "Bakit ba ako umiiyak sayong demonyo ka? Sino kaba? Ikaw lang ba ang lalaki sa mundo ha?" "Mahal kita yan ang totoo. Oo, plinano ko na bumalik sa buhay mo ng may amnesia kasi nga wala naman ibang paraan diba? Satingin mo ba tatanggapin mo ako kung basta nalang ako susulpot at sasabihing mahal pala kita." May luhang pumatak at umibis sa pisnge nya. "Lumingon ako Ami," sambit nya. "Lumingon ako ng gabing yon. Umalis ako para makipaghiwalay kay Joyce kasi ikaw pala talaga ang laman ng puso ko, pero pagbalik ko wala kana. Ilang taon akong natiis at inisip na baka hindi naman talaga ikaw, baka naawa lang ako sayo. Kaya lang araw- araw gigising ako na may kulang. Walang Ami na kumukulit sakin at nagmamakaawa na mahalin ko." Napahilamos sya sa mukha nya. "One day, nagising ako na wala kana sakin. Hindi kita pinahalagahan. Kaya naman inayos ko muna ang sarili ko at bumalik ako sa bahay nyo para hingin ulit ang kamay mo, pero sabi ng Daddy mo wag na wag na raw akong babalik. Umalis ka na at piniling manirahan sa ibang bansa, pero nagkita na naman tayo diba? Linabasan mo ako ng pesteng papeles pero sinabi ko na hindi ko pipirmahan." Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ngayon ni Duce. "Rejected na naman ako at ayos lang dahil kasalanan ko naman. Kaya nakaisip ako ng paraan Ami, at ito nga ang paraan na yon." Kaya pala ganoon nalang kadali para sa magulang nya na hindi sya samahan rito sa pinas kahit na na aksidente sya? Kasi hindi naman pala totoo. "Hindi ko kasi alam kung maniniwala pa ba ako sayo." "Hindi pa ba sapat yung malaman mong mahal na mahal kita Ami?" Tanong nya na hindi ko alam ang isasagot ko. A.D.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD