Chapter 8

1062 Words
"Hello?" may himig inis na sagot nito at para siyang kinurot sa puso. "G-gusto ko lang malaman kung darating ka pa." sagot niya sa mahinang boses. "Max?! Oh sh---! Hey, hey, Martha! Stop doing that or you'll hurt yourself! Sit down!" "Milly~" "Hello? I'm sorry, Max, but I don't think I can make it. Umuwi ka na, okay? I'll see you on Monday." mabilis nitong sabi sabay baba ng tawag at hindi man lamang nagbigay ng paliwanag o hinintay ang sagot niya. Kasabay ng pagbaba niya ng cell phone ay ang pagtulo ng mga luha niya. Dismayado siya dahil ang inakala niyang magiging masayang gabi ay mauuwi sa wala. Nagpakawala siya ng isang mapaklang ngiti. Sino nga ba naman siya para maalala nito? Sigurado siyang mas importante ang babaeng kasama nito sa kaniya. Nanlulumo siyang tumayo at galit na pinahid ang mga luha. Ito na ba? Ito na ba ang oras na kailangan na niyang bumitiw? Dito na ba natatapos ang lahat sa pagitan nilang dalawa? Pumasok siya sa toilet para mahimasmasan ngunit nang makita niya ang mukha ay lalo siyang naluha. Buong buhay niya ay noon lang siya natutong maglagay ng pulbos at lipstick sa sarili niya. Para kay Jamil. Para sa lalaking nakalimutan siyang siputin. NANG PUMASOK siya araw ng Lunes ay napansin agad niya ang pagtingin sa kaniya ng bawat kasamahang makakasalubong. Ang ilang babae ay nagtatawanan pa kaya naman hindi niya naiwasang magtaka. "Maxine. Ayos ka lang ba?" bungad sa kaniya ng kaibigan nang makita niya ito sa locker room. "Oo naman. Bakit?" pagsasawalang bahala niyang sabi habang inilalagay ang mga gamit sa locker niya sabay kuha ng uniform niya para magpalit. Biglang lumungkot ang mukha nito bago nagsalita. "Mukhang hindi mo pa alam." "Ang alin?" kunot-noo niyang tanong. "Friend kasi si Boss Jamil, kalat na sa buong Hotel na may kasama siyang babae. Maganda ito at kesyo todo alalay at alaga daw si Sir sa kaniya." balita nito sa mahina at malungkot na tinig. Parang dinakma ang puso niya sa narinig, ngunit pinilit pa rin niyang ngumiti kahit na mahirap at masakit. "Ganoon ba?" kunwaring walang paki niyang tugon. "Bihis lang ako, Jona. Baka ma-late ako at makagalitan pa ni Ms. Erna." Habang nagbibihis ay halos magsugat na ang labi ni Maxine kakakagat doon para pigilan ang sariling umiyak. Hindi niya ipapakita sa iba na nasasaktan siya lalo na kay Jamil. Hindi niya ipapahalata na labis siyang naaapektuhan. Pagkalabas niya ay bumungad sa kaniya ang nakangising si Mikaela. "Kawawa ka naman, Maxine. Mukhang natapos na ang bisa ng magic sa'yo kaya say bye to your Prince na at bumalik ka na sa tamang kinalalagyan mo." pang-iinis nito sa kaniya at dahil wala siya sa mood ay agad na niya itong tinalikuran bago pa niya ito tuluyang patulan. Pagkalabas ay agad niyang ginawa ang trabaho. Inabala niya ang sarili sa gawain upang hindi indahin ng kaniyang puso at isipan ang pagkabigo. Ang dasal lang niya ay hindi niya muna makita si Jamil dahil baka hindi niya makaya at umiyak siya sa harapan nitong parang tanga. Gayung wala naman siyang karapatan. Paglabas ng kuwartong nilinis ay natigilan siya nang makasalubong si Jamil. Kinagat niyang muli ang labi at nag-iwas ng tingin bago humigpit ang hawak sa gamit. "I told you not to bite your lips." malumanay na sabi nito bago itinaas ang kamay at akmang hahawakan siya pero agad niyang iniiwas ang mukha. "May gagawin pa ho ako, Sir." malamig niyang tugon sa binata at muli na sanang itutulak ang cart nang pigilan siya nito sa braso. Nanatiling nakatingin sa lapag ang kaniyang mga mata dahil natatakot siyang sa oras ba tignan niya ito at hindi na niya mapigilan ang sarili. Unti-unti nang bumabagsak ang pader na itinayo niya kanina lang. "Max, please. Don't be like this. Hindi tayo pwedeng magkaganito dahil lang sa mababaw na da---" Mababaw. Pagak ang tawang ulit niya sa salitang binitawan nito sa kaniyang isipan. Oo nga naman, mababaw lang ang ginawa nito sa kaniya. Pilit niyang inagaw ang braso mula sa pagkakahawak nito at nagpatuloy na sa paglalakad at hindi pinapansin ang mga pagtawag nito, gaya ng hindi nito pagpansin sa mga tawag niya. Nang malapit na ang oras ng paglilinis niya sa penthouse ay nagpunta siya sa opinsina ni Ma'am Erna. "Kung pwede po sana ay gusto ko nang matigil ang paglilinis ko sa penthouse dahil alam ko namang hindi talaga para sa akin iyon." diretsa niyang request sa boss. Nakataas ang kilay nitong tinignan siya. "Naks, namimili. Pero okay, dahil narinig ko ang nangyari at naaawa ako sa'yo ay iba muna ang itotoka ko for the mean time pero I cannot replace you for too long dahil si Sir mismo ang naglagay sa'yo roon." "Salamat po." pagkasabi niyon ay lumabas na siya ng opisina nito at muling itinuloy ang ginagawa. Nang oras na ng uwian at habang naghihintay ng jeep ay biglang may humintong magarang sasakyan sa kaniyang harapan at nang ibaba nito ang bintana ay agad siyang nag-iwas ng tingin. "You've been avoiding me again, lady. Hindi ba't sinabi ko na sa iyong ayaw kong hindi ako pinapansin?" inis na sabi nito sa kaniya. Umakto siyang walang naririnig dahil naiinis siya at nagagalit sa pambabalewala nito sa ginawa nito sa kaniya. Bakit ganoon na lamang kadali para rito ang umaktong parang walang nagawang kasalanan? Na para bang hindi siya pinagmukhang tanga? Ni hindi pa nga niya naririnig dito ang sinserong paghingi ng tawad. "Get in." may diing utos nito na hindi niya pinakinggan at sa halip ay hahakbang pa sana siyang palayo ngunit muli itong nagsalita. "Get the hell in, Max or I swear. I will fire every single employee that is close to you." Naitigilan siya sa narinig at sinamaan ng tingin si Jamil. "Wala silang kinalaman dito kaya huwag mo silang idamay." anas niya sa lalaki at pinaramdam dito ang galit na nararamdaman. Bahagyang lumamlam ang mga mata ni Jamil at mas mahinahon na ang tinig nang muling magsalita. "I know but I'm desperate. Get in, Max. Please, baby." Ilang sandali niyang tinitigan ang binata. Agad na nagtalo ang puso at isipan niya sa gusto nitong mangyari. Ayaw ng isipan niya dahil alam nitong ang puso niya ay marupok at madaling bibigay, ngunit may parte rin sa kaniya na nais na marinig ang paliwanag nito. Sa huli, pabuntong-hininga niyang binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Bahala na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD