Natigil lang ito nang biglang dumating si Ma'am Erna na hindi maipinta ang mukha. Agad na pinalis ni Maxine ang ngiti at siniko si Jona at palihim itong kinurot para hindi gumawa ng kalokohan.
"Tapusin mo ang ginagawa mo dito at mula ngayon ay sa penthouse ka na nakatoka. Maliwanag ba?" nakapamaywang nitong sabi sa kaniya at bakas sa boses ang inis.
"Opo, Ma'am."
Inirapan muna siya nito bago padabog na isinara ang pinto. Nagkatinginan silang dalawa ni Jona bago nagtawanan. Siguro nga'y kaya sila naging magkaibigan ay dahil pareho silang baliw. Ilang sandali pa ay hinila siya nito paupo sa kama para magkwento at dahil lubos ang tiwala sa kaibigan ay natagpuan ni Maxine ang sariling isinusiwalat ang lahat.
"Ibig mong sabihin, hindi kayo pero parang kayo?" pagk-klaro ni Jona matapos niyang ikuwento lahat ng tungkol sa kanilang dalawa ni Jamil.
"Oo."
"Parang hook up lang gan'on? Iyan ang uso ngayon, eh. Fubu, hook up, landiang walang relasyon. Ang hirap naman niyang pinasok mo, friend." Napapakamot sa pisnging turan ni Jona.
Mapakla na lang siyang ngumiti. "Mahal ko, eh." pikit-matang pag-amin niya sa kaibigan at bahagya pa itong nagulat bago napayuko.
Napabuntong-hininga ito matapos ang ilang segundong katahimikan. "Basta, Maxine ipangako mo sa akin na kapag sobrang nasasaktan ka na, kapag naa-agrabyado ka na ay aalis ka na riyan, ha? Putulin mo na ang ugnayan ninyo. Payo ko ito sa'yo bilang babaeng mas may experience at bilang kaibigan mo. Tandaan mo, walang Hospital para sa mga tanga."
"Pangako." nakangiting sabi sa kaibigan na sinuklian rin siya ng ngiti.
"I MISSED YOU." masuyong sabi ni Jamil sabay halik sa kaniyang ulo. Kasalukuyan silang magkayakap sa kama nito at magkasiklop ang mga kamay.
Nakatuon ang mga mata niya sa magkahawak nilang mga kamay at kung paano nitong laruin ang mga daliri niya.
"Ako rin na-miss kita." pag-amin niya sabay ngiti nang matipid.
"Are you okay? May nanakit ba sa'yo? Sabihin mo lang at tatanggalin ko silang lahat. I heard na may mga taong ginugulo ka."
Inalis niya ang ulo mula sa pagkakahiga sa dibdib nito at imbes ay ipinatong ang baba roon para matignan nito nang maayos.
"Bakit mo iyon ginawa?"
Hinawi nito ang isang hibla ng buhok na nalaglag bago sumagot, "Mali bang ipagtanggol kita? Isa pa ano'ng karapatan niyang ilayo ka sa akin? Pasalamat siya at hindi ko siya tinanggal." Parang bata nitong marakulyo sabay kibot ng labi at dagling napagkit doon ang mga mata niya.
"May gusto kaya iyon sa'yo." panunukso niya rito.
"I know."
Bahagya siyang napatawa at marahan itong hinampas sa dibdib dahil sa kayabangan nito. "Gwapo mo, ha."
"Tell me something I don't know." ganting panunukso nito.
Ngumiti siya ngunit agad na sumeryoso at umayos ng upo. "Alam mo naman siguro ang ibig sabihin ng ginawa mo?"
Kinopya siya nito at ngayon ay magkaharap na nakaupo. "Oo naman. I am very much aware, Max." tugon nito at niabot nito ang kamay niya at hinaplos-haplos.
Sa ganoong maliit na bagay na ginagawa nito siya lalong nahuhulog dito at hindi niya maiwasang isipin na para silang magkasintahan kahit na ang totoo ay wala naman silang label.
"Sana hinayaan mo na lang. Ayaw ko kasing masira ka nang dahil sa akin. Sino ba naman ako?" Matapos sabihin iyon ay inalis niya ang pagkakahawak nito sa kamay niya at yumuko. "Isang hamak na chambermaid lang naman."
Iniangat ni Jamil ang mukha niya. "Don't say that. It upsets me. Hindi ka isang hamak na kung ano lang. Hindi ka kung sino lang. You're mine. You belong to me and that makes you special."
Sa sinabing iyon ni Jamil ay dumagundong ang puso ni Maxine at halos mahigit niya ang paghinga. Una ay kinilig siya at natuwa sa narinig, ngunit sunod ay nalungkot siya.
Pero hanggang kailan? Gusto niya sanang itanong pero pinigilan niya ang sarili.
"How about I promote you? A manager? A head?" suhestiyon nito bigla dahilan para matigil siya sa malalim na pag-iisip.
Matigas siyang umiling. "Iyan ang huwag na huwag mong gagawin, Jamil. Sinabi ko naman sa'yo na hindi ko kailangan ng kapangyarihan mo, ng pera mo, ikaw lang ay sapat na."
Sobra pa nga.
Ngumiti ito sa kaniya at marahan siyang ginawaran ng isang halik. "And that's why you caught my attention. Hindi ka katulad ng iba. Kaya huwag mong mamaliitin ang sarili mo. Don't hesitate to come to me when someone's hurting you, okay? You belong to me now. Remember that."
Isa, dalawa, tatlo hanggang sa hindi na niya nabilang kung ilang beses siya nitong kinintalan ng marahang halik hanggang sa naging mapusok iyon at malalim. Muli siyang inihiga ni Jamil at napasinghap siya nang ipulupot nito ang kaliwang hita sa baywang at mas idiin ang katawan sa kaniya. Nagsimulang nag-init ang katawan ni Maxine nang maramdamang unti-unting nabubuhay ang pagkalalak nitong ngayon ay tumutusok sa puson niya.
"Please, baby." hirap na hirap na hiling ni Jamil nang bahagyang humiwalay at buksan ang zipper.
Napanganga si Maxine nang kunin nito ang kamay niya at igiya sa naghuhumindig na nitong ahas. Nagsimula na ring mag-init ang gitna niya at kagat-labing sinimulang igalaw ang kamay dahil na rin sa pagtuturo nito kung paano ito paliligayahin.
"Tighter. Faster." paos nitong utos at kumalat ang kilabot sa katawan niya dahil sa pagdaing nito at sa malalim na tinig. "Oh, baby. You're making me crazy just by your hands."
Dahil sa reaksyon ni Jamil ay ginanahan si Maxine na gawin ang bagay na hindi pa nagagawa noon. Ito ang unang beses na nakahawak siya ng ganoon at ang lalaking mahal pa niya kaya naman bukal ito sa loob niya. Pinagmasdan niya kung paanong pilit na idinidilat ni Jamil ang mga mata, ngunit mapapapikit bago magpapakawala ng malalim na paghinga at ngingisi bago siya sisiilin ng halik.
Napakagwapo naman talagang sadya ni Jamil.
Naglakas loob tumingin sa baba si Maxine at kinilabutan nang makita ang hawak. Dahil ba sa may lahi itong amerikano ay ganoon kalaki ang sandata nito? Halos hindi na mag-abot ang mga daliri niya!
At nang tuluyang datnan si Jamil ay ipinutok nito iyon sa kama nito kasabay ng malalim at mahabang pag-ungol.
Nang makabawi ay napapalatak ito. "Sorry for the mess. Mukhang nabigyan pa kita ng trabaho." pagbibiro nito.
Isang blangkong tingin ang ibinigay niya sa binata kahit pa hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang mabilis na magtibok ng puso niya dahil sa pangyayari. Ramdam na ramdam pa rin niya ang lagkit ng kamay niya.
"Let us get cleaned up, babe. And after that... would you like to go out with me?"
Sunod-sunod ang ginawa niyang pagtango sa tanong na iyon kahit pa hindi pa rin siya nakakabawi sa ginawa nila.
"Woah." mangha niyang sabi nang makita ang magandang tanawin mula sa kinatatayuan nila sa ibabaw ng kotse ni Jamil. "Ang ganda naman dito."
"I knew you'd love it."
Mula sa kinatatayuan nila ay kitang-kita niya ang naggagandahang ilaw ng mga bahay at building. Idagdag mo pa ang magandang tanawin ng papalubog na araw.
Inalalayan siyang maupo ni Jamil sa blanket na inilatag nito at sa gitna nila ay may ilang pagkain na binili nito dahil iyon ang ni-request niya.
"Ilang babae na ang nadala mo dito, Mr. Magnus?" taas kilay niyang tanong sa binata na ikinatawa nito.
Paloko nitong inilagay ang kamay sa puso na para bang nasaktan sa sinabi niya. "You're mean, Max." ngumisi ito bago sumeryoso, "You are the first one and will be the last one."
"Weh." hindi naniniwalang sabi niya.
"Oo nga." kumuha ito ng fries at sinubuan siya. "Kulit mo."
Sinimulan nilang kainin ang mga dala nila at paminsan-minsa' y maghaharutan at magkululitan.
"This is nice." wika ni Jamil pagkatapos nilang kumain at nakatingin lamang sa tanawin.
"Alin?"
"To have something like this for a change. Before it's always a fancy dinner. Some s**t like that and it's honestly boring."
Tumango lang siya dahil hindi naman niya alam ang isasagot roon.
Hinawakan siya nito sa kamay at tinitigan sa mga mata. "And I have a feeling that from now on, marami pa akong unang karanasan na mararanasan sa piling mo."
Ngumiti siya at nakapikit na sinalubong ang halik nito. Sa gitna ng magandang tanawin at sa tanglaw lamang ng buwan ay naging saksi sa espesyal na pangyayaring iyon para sa kanilang dalawa.