"Mahal kita Ethan, mahal na mahal..." Masuyong sabi ni Samantha.
Pinagtawanan lang siya ni Ethan dahil sa pagtatapat sa kan'ya ni Samantha na kapatid ng kan'yang ate na si Frenzene. Sumimangot siya sa naging reaksiyon ni Ethan.
"Ako? Mahal na mahal mo ko? Nagpapatawa ka ba Samantha. Look, gf ko ang ate mo at balak na naming magpakasal next month. May pananagutan ako sa kapatid mo kaya pwede ba Samantha, itigil mo na yang kahibangan mo. Alam mo naman na sa una pa lang, ang ate mo na ang minahal ko. At paano naman kita magugustuhan ha Samantha? Tignan mo ang sarili mo. Ni hindi ka marunong mag-ayos ng sarili mo. Pero, I'm so proud of you. Matalino ka Samantha. Hangang-hanga ako sayo dahil utak ang meron sayo. At sana naman, gamitin mo din minsan yang utak mo hindi yang puso mo, okay. Please lang, itigil mo na ito Samantha. Buntis ang kapatid mo."
"Pero three years akong naghintay sayo Ethan. Bakit si ate pa? Bakit siya pa? Mahal kita Ethan, mahal na mahal kita," pag-uulit pa ni Samantha.
Tumulo ang mga luha ni Samantha dahil sa sakit na nadarama nito. Kaya naman niyang ibigay ang lahat kay Ethan ngunit sadyang bigo talaga siya.
Umigting ang panga ni Ethan dahil sa inis nito. "Did you hear what you said Samantha? Are you joking? Look, your sister and I are getting married. I will be your brother-in-law soon. So please, stop this funny thinking of yours. And by the way, asikasuhin mo muna ang pagtatapos mo. Huwag kang pasaway para hindi ka mapagalitan ng daddy at mommy mo. At isa pa, hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo dahil kapatid na ang turing ko sayo simula pa lang. Keep that in your mind. I'm very sorry. I didn't mean to hurt you."
Umiling ng umiling si Samantha dahil totoo ang lahat ng mga sinasabi niya. Totoong mahal niya si Ethan at matagal niya lang nilihim ito dahil nag-aaral pa siya noon. Pinagbawalan siya ng mga magulang niya na magkalove life., at ngayong graduating na siya ng kolehiyo ay dito na siya naglakas ng loob na magtapat kung ano ang tunay na nararamdaman nito ngunit nagulat na lang din siya sa sinabi ni Ethan na buntis ang kan'yang ate.
Hinawakan niya ang braso ni Ethan. Hinayaan lang ni Ethan na nakahawak sa kan'yang braso si Samantha. Napatingin siya kay Samantha na may mga luha sa mga mata nito.
"Hindi ako nagbibiro Ethan. Totoong mahal kita. Mahal kita at matagal na. Hindi ko masabi dahil nag-aaral pa ko noon. Please, ako na lang Ethan. Ako na lang." Pagmamakaawa ni Samantha habang nagtatangis ito ng luha sa mga mata nito.
Unti-unti naman ang pagtanggal ni Ethan sa kamay ni Samantha sa kan'yang braso. Sa tuwing naririnig ni Ethan ang salitang mahal kita galing sa bibig ni Samantha. Naririndi siya dahil iyon ang nararamdaman niya para sa kan'ya. Si Frenzene ang mahal niya at siya lang ang babaeng papakasalan niya. Napabuga na lang si Ethan ng hangin sa bibig nito. Tapos na ang kanilang usapan. Ayaw pa ni Ethan pa na kausapin si Samantha. Ito na ang huli nilang paghaharap. Pagkatapos din kasi ng kasal nila ni Frenzene ay ilalayo niya na ito. Magbubukod na sila ng tirahan upang hindi na niya makita pa si Samantha.
"I have to go Samantha, malilate na ko sa trabaho ko. Ikaw na ang bahalang umuweng mag-isa. Magpasundo ka sa driver niyo kung gusto mo. Marami pa kong trabaho na dapat na asikasuhin at unahin."
Tuluyan na ngang umalis si Ethan. Iniwan niya sa labas ng main gate si Samantha pagkahatid ni Ethan sa kan'ya sa University.
Malungkot na pumasok si Samantha sa loob ng kanilang klase. Hindi niya na nilingon pa ang mga kaibigan niya. Nagtaka na lamang sila nang makita nila itong malungkot. Tumabi si Josh at Ana sa katabing upuan ni Samantha. Maaga pa naman kaya makakapagchikahan pa silang tatlo. Nagkatinginan ang dalawa dahil hindi pa din sila pinapansin. Ngumisi si Ana saka niya ginulat si Samantha.
"Haler!" Panggugulat nito. Napaigtad naman sa gulat si Samantha sa kinauupuan niya. Sinamaan niya ng tingin ang mga kaibigan niya.
"Ano ba naman kayo? Please! Kahit ngayon man lang. Layuan niyo muna ako," Singhal nito.
"Ayy hindi pwede 'yan. Gigimik tayo mamayang gabi. Total, ilang araw na lang graduation na natin!" Napatili siya nang akmang pagkiliti sa kan'ya ni Samantha. Inis na tinapunan ni Samantha si Ana.
"Bawal ako lumabas ng gabi Ana. Magagalit ang mga parents ko. Kung gusto niyo, doon na lang tayo sa bahay magwalwal," suhestiyon ni Samantha sa mga kaibigan niya.
"Sure, go kami diyan ni Josh." Natutuwang sambit nito kay Josh. "And by the way, umamin ka na ba kay Ethan kaya nagkakagan'yan ang itsura mo?"
Kinurot siya ni Josh sa braso ni Ana. "Aray ko naman Josh, ano ka ba? Nagtatanong lang naman eh." Inis na inirapan naman ni Samantha ang mga kaibigan niya.
"Pwede ba? Magsitigil na nga kayong dalawa. Ang sakit niyo sa tenga eh," singhal ni Samantha.
Tumigil na din ang dalawa dahil natakot sila at baka hindi na naman sila matuloy na dalawa na magpunta sa bahay nila Samantha. Handa pa naman silang malasing ngayon dahil nakapagpaalam na agad silang dalawa sa mga magulang nila. Ang mga parents lang talaga ni Samantha ang strikto kaya hindi sila matuloy tuloy na makapag-gimik gaya ng pagpunta ng bar. Ni minsan ay hindi pa iyon napupuntahan ni Samantha. Hanggang sa mall lang sila gumagala pero si Samantha naman ang may ayaw na magpunta ng mall dahil doon kadalasan nagpupunta ang ate niya at si Ethan.
Hapon na at uwian na naman. Excited na ang mga kaibigan niya na magpunta sa bahay nila Samantha. Habang nasa maliit sila na sari-sari store, tumawag ang mommy ni Samantha at sinabing gagabihin sila ng uwe ng daddy niya. Nagpaalam naman si Samantha sa mga magulang niya na gigimik siya sa bahay kasama ang dalawa pa niyang mga kaibigan. Pumayag naman ang momny niya kaya tuloy ang kasiyahan ng tatlo sa bahay nila Samantha.
Pauwe na ang mga ito nang matapos nilang bumili ng kakailanganin nila. May mga snack foods at can beer silang nabili sa maliit na sari-sari store.
Pagkarating nila ng bahay ay kararating lang din ng dalawang magkasintahan pero may kasama silang isang lalaki at tila napakaangas nitong tignan. Napatingin na lang si Samantha sa isang kasamahan nila. Kung hindi siya nagkakamali, isa siya sa kasapi ng gang.
"Oh Samantha, kasama mo pala ang mga kaibigan mo," sabi ng kan'yang ate nang magkasalubungan silang lahat. Papasok na silang lahat sa loob ng gate.
Tipid na ngumiti si Samantha. "Oo ate, nagpaalam na ko kay mommy," sagot naman nito.
Nahalata ni Samantha na hindi na siya pinapansin ni Ethan. "Sige ate, papasok na kami sa loob."
"Okay," sagot ng ate niya kasabay ng pagtango nito.
Nauna na lang siya pumasok sa loob habang nakasunod naman sa kan'ya ang dalawa nitong mga kaibigan. Nakaramdam na naman siya ng lungkot ngayon. Dati, palagi siyang pinapansin ni Ethan pero ngayong nagtapat siya ng kan'yang nararamdaman, doon niya napansin na hindi na siya nito pinapansin.
"Dumito muna kayo, magbibihis lang ako," paalam ni Samantha sa dalawa niyang mga kaibigan.
Umakyat siya sa itaas ng kan'yang silid at nagpalit ng damit ngunit nahinto siya sa pagsuot ng malaking tshirt. Inis na binato niya ang tshirt sa sahig.
Paulit-ulit na pumapasok sa kan'yang isip kung ano ang mga sinabi sa kan'ya ni Ethan kaninang umaga.
Humarap siya sa closet at bahagyang namili siya ng kan'yang susuotin. Pinili niya ang isang black sleeveles at isang puting short na sobrang igsi. Pero hindi niya nagustuhan na magsuot ng maigsing short dahil hindi siya sanay. Kumuha na lang siya ng jogging pants at iyon ang kan'yang sinuot.
"Mas okay na ito kaysa sa short na maigsi." Bulalas nito nang tignan niya ang katawan nito sa whole body mirror.
Napasinghap na lang si Samantha nang mapatingin siya sa mga damit niya sa closet. Halos ang mommy niya lahat ang namili at bumili ng mga gamit niya ngunit hindi naman niya ito maisuot dahil hindi sa ganitong mga damit ang tipo niya na gustong suotin na pang-bahay.
Pagkalabas niya ng maindoor, hindi niya napansin na may makakasalubong siya kaya ito nauntog sa matigas na pader pero si Ethan lang pala ang kan'yang nakasalubong.
"Aray!" Nasapo niya ang ilong nito dahil iyong ilong talaga niya ang napuruhan. Hindi niya tiningnan si Ethan na alam niyang salubong ang mga kilay niya kaya lumabas na lang ito na hindi niya pinapansin si Ethan dahil alam niyang susungitan lang siya nito.