Way Back Into Love
_______
8 years ago, December 21, 2016
MALAMIG na umaga ng ordinaryong araw ng sabado pero para kay Cielo ito na ang pinakamasayang parte ng buhay niya— it's her 16th birthday at nandito siya ngayon sa isang cruise ship kasama ang pinagkakatiwalaang assistant ng mommy niya sa opisina. Ito ang espesyal na regalo sa kaniya ng mga magulang niya, she's been waiting this for almost 2 years na mula nang pinangako ito sa kaniya ng daddy niya on her 14th birthday at heto na nga hindi man niya kasama ang parents niya binigay pa rin ng mga ito ang pinangako sa kaniya.
"Cielo, huwag ka masyadong lumayo kapag naglibot ka, ingatan mo rin ang key card at cellphone mo ha. Ikaw talagang bata ka malalagot ako sa parents mo kapag may nangyaring masama sa ’yo," mahigpit na bilin sa kaniya ng Ate Ester niya.
"Oo nga po. Huwag kayong mag-alala, Ate. I know it's safe her," sagot niyang nakangiti rito kahit na pinayagan na siya nito mangungumbinsi pa rin ang tono niya sa mabait na assistant ng pamilya.
Niyaya niya naman ito pero tumanggi ang huli at nahihilo daw, sabagay unang araw pa lang nila d'on at hindi pa siguro ito sanay.
Alas sais pasado na, balak niya sanang mamaya pa mag-ikot para sa kaniyang birthday salubong pero kilala niya ang parents niya tatawagan siya ng mga ito at kapag nalaman nilang hindi niya kasama si Ester baka masermunan lang siya sa araw ng birthday niya.
"Oh siya sige na.. Bumalik ka bago mag-alas dose ha—" sinasabi na nga ba niya. Hindi pa nga siya nakakalabas at heto na may bilin na agad na bumalik siya.
"Opo, Ate.. Babalik po—" natatawang sambit niya pa.
Matapos magpaalam dito agad na siyang tumuloy, siniguradong nakasara ang pinto ng cabin nila ni Ester hanggang sa tinumbok niya na ang daan papuntang bulwagan sa tulong ng direksyon ng catalogue cruise na hawak-hawak niya.
Excited na siya, ito ang unang beses na malayo siya sa tanaw ng mga magulang niya. Hindi naman istrikto ang mommy at daddy niya, sadyang mahigpit lang talaga ang mga ito pagdating sa pagpili ng mga taong magiging bahagi ng buhay niya; gaya na lamang ng pakikipagkilala o pakikipagkaibigan niya.
Halos nga lahat ng mga kaibigan at kakilala niya, kilala din ng mga ito na hindi niya naman ipinagkakait dahil maayos naman ang paliwanag sa kaniya ng mga ito na para din sa kaniya ang lahat ng mga ginagawa at desisyon ng magulang niya.
MASAYANG pinagmamasdan ni Luke ang liwanag ng buwan mula sa terasa ng bulwagan. Inakay siya ng pinsan niyang si Randy dito, ayaw niya man sana sumama pero tinakot siya nitong may iba daw na nilalang sa cabin nilang dalawa.
Cruise ship tour ang regalo sa kanila ni Randy sa araw ng kaarawan ng pinsan niya— ang lolo't lola niya ang may pakana n'on.
"Ang ganda—"
Napalingon ng tingin si Luke nang may boses na narinig sa likuran niya.
'Ang ganda niya—' biglang tinig na narinig sa isip niya patungkol sa dalagitang nasa tabi niya ngayon. Nakatunghaw pa din ito sa kalangitan pinagmamasdan ang magandang liwanag ng buwan. Kahit hindi gaano maliwanag sa parteng iyon, tama ang utak niyang maganda ang dalaga— kung hindi siya nagkakamali may kamukha itong artista kamukha ni Anne Curtis ng kabataan nito.
"M-maganda talaga ang buwan ngayon lalo na't full moon bukas—" sambit niya.
Bahagyang napalunok si Luke nang nagtaas ito ng tingin sa kaniya, tsaka niya lang napansin na hanggang balikat niya lang ito.
"S-sorry! Hindi ko napansin may tao pala dito, naabala yata kita—"
"No. Hindi. Timing nga ang pagdating mo't mag-isa lang ako habang pinagmamasdan ang buwan, at least ngayon may kasama na ako—" nakangiting tugon niya.
Patay malisyang inalis nito ang tingin sa kaniya't binalik sa liwanag ng buwan na parang nakatunghay sa kanilang dalawa ngayon.
"I'm Luke by the way, and you are?" Hindi nag-atubiling pakikipagkilala ni Luke dito sabay lahad ng kanang kamay niya sa harap nito.
Pinagmasdan niya ang dalaga kung tatanggapin ba nito ang alok niyang pakikipagkamay dito.
"S-sorry—"
"Cielo—" sabay nilang sambit sa isa't isa.
Kasabay n'on ang paglapat ng kamay ng dalagita sa kamay niya.
Nakaramdam ng tuwa ang puso ni Luke, animoy buo na ang gabi niya. Agad ding binawi ni Cielo ang kamay nito sa kaniya at magiliw na nagtaas ng tingin sa pangatlong pagkakataon.
"You really like moon, isn't you?" simula niya sa usapan sa kagustuhang mas tumagal pa ang pag-uusap nilang dalawa.
"Yeah. Bata pa lang ako gusto ko na pagmasdan ang buwan, pakiramdam ko kasi iyan iyong ate ko—" may lungkot sa boses nitong tugon sa kaniya.
"Sorry—"
"Parang kanina ka pa sorry nang sorry—" natatawa nitong sabi sa kaniya.
"Parang pinaalala ko kasi ang ate mo."
"No. Moon always remind me of my ate, maliwanag man siya o hindi, it's look like my sister talked to me that way."
Ang ibig bang sabihin nito wala na ang ate niya? Sa lungkot ng boses ni Cielo iyon ang pinapahiwatig nito sa kanya— lihim niyang sinipat ng tingin ang dalaga mukhang sa maayos na pamilya ito nanggaling sa ternong pajama na suot nitong naka-imprinta ang sikat na brand; mukhang hindi nga basta-basta ang dalagita.
”By the way I have to go, tatawag na ang parents ko—" untag sa kaniya.
"Sandali—"
"Bakit?"
"Alam mo bang mas maganda ang liwanag ng buwan bukas.. Gusto mo bang pumunta ulit dito?"
"Susubukan ko— Salamat."
Tuluyan ng tumalikod si Cielo nang muli itong magpaalam sa kaniya— sinundan niya pa ito ng tingin may pagsisisi kung bakit hindi niya man lang kinuha ang numero o ang social media accounts ng dalagita.
Interesado siya rito, iyon agad ang unang sumagi sa isip niya nang magtama ang kanilang mga mata.
'It's been 3 years, Cielo.. tatlong taon pagkatapos mong tumalikod sa pangako natin sa isa't isa.. Tatlong taon, Cielo. And, I miss you badly, I miss you, Baby..' malungkot na bulong ni Luke sa sarili niya hindi nakuhang alisin ang tingin sa maliwanag na buwan kung saan nasa terasa siya ng condo sa sariling unit niya.
Isang pagsinghap ang pinakawalan niya sa sarili nang masakit na binalikan ang nakaraan nila nang makilala ang isa't isa ni Cielo.