PUNO ng pag-asa nang makarating si Melody sa exclusive subdivision ng taong sadya niya.
Humigit pa siya ng malalim na buntong hininga bago magtanong sa gwardyang nandoon.
"Anong sadya mo, ineng?" tanong nito nang makalapit siya rito.
"Pupuntahan ko lang po sana ang bahay ni Mr. Lim po. Nandiyan po ba siya?"
Nagkatinginan ang dalawa. Mukhang may pag-uusap sa mga mata kung ano siguro ang sadya niya kay Mr. Lim.
"Ano ang sadya, hija?" tanong nito sa kaniya.
"Foreman siya ng asawa ko. Hindi pa kasi tumatawag ang asawa ko sa akin kaya makikibalita lang po ako kung ano ang nangyari," sambit ni Melody.
Hawak-hawak niya malaking pag-asa na may makukuha siyang impormasyon mula sa mga ito lalong-lalo na kay Mr. Lim.
"Ano ang pangalan mo?"
"Melody Alviar ho."
May kinuha itong isang malaking notebook na blue ang cover at mula roon may tiningnan ang mga ito. Muling nagkatinginan ang dalawa bago muling binaling ang tingin sa kaniya.
"Wala kang pangalan dito, Ineng."
Napalunok si Melody.
"Kaya hinde ka namin pweding papasukin. Wala rin si Mr. Lim sa bahay nya dahil nasa Manila siya ngayon. Pasensiya ka na."
Natulala si Melody nang marinig ang mga sinabi nito. Wala r'on ang taong sadya niya, ayon sa mga ito. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman dahil sa narinig.
"Sige na, Ineng. Umalis ka na. Mukhang uulan ng malakas e. Baka abutan ka ng bagyo sa daan." Ito ang huling sinabi sa kaniya bago siya talikuran ng mga ito.
"Pero po.."
"Hindi ka makakapasok dito. Regulasyon ng subdivision 'to. Sige na po. Hintayin mo na lang ang tawag ng asawa mo," sabi pa.
Napasinghap si Melody. Tinuon niya ang tingin sa pera niyang natitira, sabay ang pagtaas ng tingin sa madilim na kalangitan.
"Signal number 3 Bagyo."
"Oo nga eh. La Union pa ang bagsak."
Napalingon siya sa mga ito sa narinig na usapan ng dalawa tungkol sa masamang panahon at bagyong babagsak sa Cebu.
'Ayaw ko pa sumuko, Benjie. Hindi pa kita isusuko. Ilalaban kita hanggang sa magkita tayo ulit. Dahil mahal na mahal kita. Mahal na mahal at marami pa tayong aabutin. Mahahanap kita, Mahal. Hahanapin kita!' paulit-ulit niyang bulong sa sarili.
Pagkatapos ay magalang siyang nagpaalam sa guard na maayos naman siyang hinarap.
Muling naglakad si Melody; kahit sa isip at katawan niya ramdam niya na ang sobrang pagod. Pero kailangan niyang makauwi dahil umaasa siya na nandoon na si Benjie; na pauwi na ito sa kaniya dahil sa sama ng panahon.
Mag-alala ito sa kaniya. Hindi siya nito pweding pabayaang mag-isa tulad na lang ng lahat ng bagyong dumaan sa buhay nila sa loob ng limang taong magkasama silang dalawa. Ito lagi ang kasama niya at nag pro-protekta sa kaniya at alam niya ngayon gagawin ulit ni Benjie 'to. Pinag-aalala lang siya nito pero, siguro nagpapa-miss lang ito sa kaniya at baka nga pabalik na ito sa bahay niya.
Pinilit niyang hinakbang ang mga paa kahit sari-sari na ang nararamdaman niya; pagod, gutom at kaba.
____
"MUKHANG MASAYA KA YATA, MS. PRIYA," bati ni Mae sa amo niya.
Marami itong in-order na pagkain, samantalang sila lang naman dalawa ang naroon sa hospital.
"Kasi ang ganda ng binalita mo sa akin," tugon niya rito.
Binigay sa kaniya ni Mae ang address ng bahay ni Ben sa La Union at ang lahat ng impormasyon na sinabi nito sa kaniya— kabilang na syempre ang balitang wala itong asawa o nobya gaya ng sinabi sa kaniya ni Mae.
"Maaasahan mo ko diyan, Ma'am Priya. Alam mo naman na nasa iyo ang loyalty ko," sambit nito.
Ngumiti siya rito at nilabas ang Hawaiian pizza mula sa box nito; mainit pa ito. Mayroon din silang baked lasagna at ice cream kasama sa order niya.
"Kain, Ben..." Alok niya sa lalaking wala pa ring malay sa silid na iyon.
"Oo nga pala, Ms. Priya. Nakita ko sa balita, signal number 3 iyong La Union naisip ko lang na baka kailangan ng pamilya ni Ben ang tulong."
Ngumiti siya rito. Kumagat muna siya ng hawak niyang pizza.
"Naisip ko rin iyan. Balak ko nga sabihin sa iyo ang tungkol dito. Ipahahanda ko ang flight mo puntang Cebu para mapuntahan mo sila ng personal. Okay lang ba sa iyo?"
"Okay na okay, Ms. Priya. Tsaka makakapamasyal na rin ako ng Cebu. Magandang balita iyon, nakatulong na ako sa iyo nakagala pa ako."
Ngumiti siya kay Mae. Hiling niya sa puso niya na sana pag-alis nito sa buhay niya para suungin ang buhay pamilya makakita pa siya ng katulad nito. Iyong nasa kaniya ang loyalty at hindi siya bibiguin kahit na ano pa ang mangyari.
"Kain ka lang nang kain ha. Ako ang bahala order pa tayo kapag naubos."
Nginitian siya ni Mae.
"Maraming salamat, Ms. Priya. Ma-mi-miss talaga kita kapag kinasal na kami ni Rodel," sabi nito sa kaniya.
Feeling is mutual, kaya nga habang nasa kaniya ito ginagawa niya ang lahat para magkaroon ng maraming memories kasama siya.
"Malay mo, Ms. Priya, siya na pala iyong magiging partner in life mo."
Sabay pa silang napatingin sa gawi ni Ben. Kung papalarin, aniya ng isip niya.
Bakit hinde? Tulad nga ng nalaman niya wala naman nagmamay-ari dito. Tadhana na siguro ang makapagsasabi n'on, kapag nakilala nila ni Ben ang isa't isa at kung magkasundo man sila wala naman sigurong dahilan na hindi nila pagbigyan ang damdamin. Naisip ni Priyanka, na baka iba ito sa lalaking minahal niya n'on kay —Fahad—
"Sana gumising na sana talaga siya. Dahil alam mo, Mae madami akong pinapangako sa sarili kong tulong para sa kanya. Sabi mo 'di ba construction worker siya, baka pwedi siyang maging engineer or architect tulad ko o kung ano ang gusto niya," masaya niyang usal sa sarili.
Handa siyang ibigay ang lahat ng iyon dito.
Hangga't kaya niya hindi niya ipagdadamot. After all! She is the reason why Benjie is here. Maayos naman na ang lagay nito ang gusto niya lang ngayon ay ang maging mas maayos pa ito at mangyayari iyon kapag bumalik si Mae galing La Union na dala ang pamilya ni Ben. Dahil kung kinakailangan niyang suhulan ng pera ang mga ito para manatili si Ben sa buhay niya gagawin niya.