CHAZZY Masaya namin pinagsaluhang lahat ang niluto namin ni Thomas. Mabuti na lang ay nagustuhan nila, maliban lang kay Rosie na kaunti lang ang kinain. Naiintindihan ko ito kasi pinapangalagaan nito ang pigura nito bilang isang model. Si Reece at Thea naman ay marami ang kinain. Kaya pagkatapos kumain ay parang hirap na tumayo ang dalawa. Sabay pa nga silang dumighay, kaya natawa na lang ako sa kanila. Unang lumabas ng kusina ay sina Reece at Serge. Sumunod ay si Rosie. Apat kaming naiwan sa kusina. Nagpresenta maghugas ng pinggan si Thea. Nagluto na raw kami, kaya siya naman daw ang maghuhugas. Tumikhim si Kuya Clarkson, kaya napatingin ako sa kanya. “Tulungan na kita,” presenta nito. Lihim akong napangiti. Kailangan na namin um-exit ni Thomas. Hinawakan ko ang kamay nito at s

