THOMAS Pagkatapos ng laban, dinala ako ng dalawang lalaki sa isang selda. Walang ibang makikita dito kundi mga tuyong dahon na kinalat para lang may maupuan at mahigaan. Hindi rin ako nag-iisa dahil may mga lalaki na nakakulong sa ibang selda. Heto nga at nakatingin sila sa akin, na parang hindi na sila nagulat na may tao ulit na bihag ang mga Esposito. Marahil ay sanay na silang makakita ng binihag. Napaisip tuloy ako kung pang-ilan na akong kinulong sa kulungan na ito. Nagbakasakali akong magtanong kung kailan ko makikita ang kapatid ko, pero wala silang binigay na sagot sa akin. Wala akong nagawa kundi sundan sila ng tingin habang naglalakad palayo sa akin. Naghanap ako ng matulis o kahit anong bagay na pwede kong gamitin para iguhit ang mga araw na nandito ako sa puder ng Esposi

