Chapter 71

1506 Words

CHAZZY Bahagya ko siyang nilayo sa ‘kin. “Kailangan ko kasing umuwi, Trav,” masuyong sabi ko. Binalot ng lungkot ang mukha niya. “But it's the weekend naman po tomorrow, ‘di ba? Ang sabi ni Papa, may pupuntahan tayo bukas. So, pwede po kayong matulog dito, Tita.” Puno ng pakiusap ang tingin na ipinupukol nito sa akin. Kung ganito ito tumingin, paano pa ako tatanggi? Bumuntong-hininga ako. Muli kong tinapunan ng tingin si Thomas na nanatiling nakapamulsang nakatayo habang nakamasid sa aming dalawa ni Travis. Tahimik lang siya, pero sigurado ako na lihim itong nagdadasal na sana ay pumayag ako sa pakiusap ng anak niya. Sabagay, wala naman masama kung dito ako matulog. After all, sa mata ng Diyos at ng mga tao na nakakakilala sa amin, mag-asawa pa rin kaming dalawa. “Okay, you win.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD