CHAZZY Kasama sina Aling Loring at Melisa ay bumalik kami sa sementeryo para personal na magpasalamat kay Helena. Pagkatapos ay binalikan namin ang anak ni Melisa. Tatapusin ko lang ang mga dapat asikasuhin sa opisina, saka ako babalik dito para ayusin ang death certificate ng anak niya at para mapalitan na rin ang pangalan sa lapida. The name Tatum held a special place in my heart, kaya hindi ko rin kayang bitawan. At saka, kung sakaling magka-anak ulit kami ni Thomas ng isa pang lalaki, gusto ko, Tatum ulit ang pangalan nito. Naghiwalay kaming tatlo na wala na ang bigat sa aming mga dibdib. Wala pa akong ideya kung kumusta na ang buhay ni Melisa ngayon dahil hindi ko na ito nagawang itanong. Nagpalitan lang kami ng contact para na rin magkumustahan. Pero kung sakaling hindi pa sila

