CHAZZY Pinagtambol-tambol ko ang aking mga daliri sa ibabaw ng office table ko. Simula nang umalis si Reece, okupado na ang isipan ko. Pero malapit nang mag-close ang store ay nandito pa rin ako at hindi pa nakapag-isip ng matino. Nagtatalo ang isip at puso ko. Kapag pinairal ko ang isip ko, hindi matutuloy ang kasal. Pero, baka ako naman ang balikan ni Precilla dahil umeksena na naman ako. Kung puso ko naman ang susundin ko, magiging masaya ako, at hindi na ako mag-iisip ng kung ano-ano. Pero paano kung ako na lang pala ang umaasa? Paano kung wala na akong babalikan? Paano kung ma-disappoint lang ako sa bandang huli? Frustrated na napasabunot ako sa aking buhok. Masakit na ang ulo ko sa kaiisip kung ano ang dapat kong gawin. Wala pa rin akong desisyon hanggang ngayon. Napagawi ang

