Cheska POV,
After ko magpa-enrol,nag punta na ako sa StarBucks para makipag kita sa mga 3 Bestfriends ko. Malapit lang naman sa school ang SB.
Tulala lang ako habang naglalakad papuntang SB. Hindi parin kasi ako makapaniwala na nakita ko na siya ulit. Siya nga kaya talaga yun? Nakilala ko siya,dahil ipinakita sakin ni mommy yung last picture nila ng family nya nung nagpunta si mom sa US para sa business.
Makikilala nya kaya ako? Maaalala nya pa kaya ako?*sigh* Ano,aasa na naman ako? Hayy...
"Huy bruha,tulaley lang? Anyare? Buti hindi ka nasagasaan papunta dito?" Tanong ni Eliza pagka upo ko. Hindi ko namalayan na nakarating na rin pala ako dito sa SB,ang lalim kase ng iniisip ko.
"Wala,may naisip lang ako." Sagot ko nalang,then nag order na ako ng Frappe and strawberry short cake,stress reliver ko talaga ang sweets :)
"Ano,naka-enrol na ba kayo mga bruha?" Excited na tanong naman ni Ara.
"Ofcourse!Ako pa ba?Mwahahahaha." It was Eliza. Makatawa lang? Mukha syang demonyo,hahaha ^__^v
"Sus,may nakita ka lang na naman kasing boylet kamo!" Tatawa-tawa naman na segunda ni kuya Jepoy.
"So?Inggit ka lang,mwahahaha mag hanap kana kase ng girlalo mo,para may love life kana bruha!" Hahaha hay nako pag dating talaga sa lalaki,hindi magpapa-huli si Eliza! Tsk,tsk,tsk.
"Eh sa ayoko pa eh. Tsaka hindi ko pa nakikita yung nagpapa-tiktoktokitoktok sa puso kong mamon aba!" Ayan,nag talo na sila,lagi naman eh hahaha.
"Shut up,both of you!" Sabi ko nalang,ang ingay nila eh!
Nagchikahan lang kami ng nag chikahan dun sa SB,tapos biglang tumili si Eliza ng mahina,kaya napatingin kami sa kanya.
"Anyare sayo bakla?" Andrea ask.
"Ohmygahd mga bakla!!!!" Tili nya,tsk.
"Ano nga?!" Asar na tanong ko.
"Ayun yung papabol na kinukwento ko,yiiieeee.." Siya,sabay turo sa entrance ng SB. Kaya napatingin kaming lahat dun,at... 0_0 my jaw drop when i see him!!
Yeah,it was him! Hindi pala ako namamalik-mata kanina? Siya talaga yun? Oh my betcha by golly wow!! 0_0
Ang laki na ng pinag-bago nya,ang tangkad nya,ang puti,blond na rin yung hair nya,at...at....ANG GWAPO NYA!!!! Kyaaaa~~~ ok OA na ako.
Hindi ko namalayan na napatulala na pala ako sakanya,kaya hindi ko na napansin na nakatingin na pala sakin yung tatlong bruha.
"Anyare teh? Tulala ka na naman?" Andrea ask. Kaya nabaling ang tingin ko sakanila.
"H-ha? W-wala naman." Pautal-utal na sagot ko. Gosh!Natulala talaga ako sakanya.
"Wala daw,eh makatitig ka nga dun sa papabol na yun,wagas! Aminin,type mo noh?" Mapanuring tanong ni Eliza.
"O-ofcourse not!Kung ano-ano sinasabi mo jan!" Sagot ko nalang.
"Hmmmm.. Wala namang masama kung magka-gusto ka dun noh!" Sabi naman ni kuya Jepoy. Aish,ang kulit talaga nila!Kung alam lang nila,kung mag-ano kami NOON nung lalaking yun,hmp!
"Tigilan nyo nga ako,umuwi nalang tayo." Sabi ko,sabay tayo at lakad palabas. Sumunod naman sila sakin.
Nag taxi nalang ako pauwi,wala pa kase si kuya eh!Tsk i'm sure gumala na naman yun! Hayst,bahala nga sya.
Pagka-uwi ko sa bahay,dumiretso na kaagad ako sa room ko. Thinking HIM agin! Sa lahat ba naman ng panahon,bakit ngayon pa?At sa lahat ba naman ng school na pwede nyang pasukan,sa school ko pa?!Kung kelan naman nagsisimula na akong kalimutan siya,tsaka pa siya magpapakita ulit?
Grrrrrr i don't know what to do!!!