GIDEON'S POV "Pare, nasa hospital si Maxine dinala na siya ng mga concern citizen doon.." wika ni Peterson sa'kin. "Okay bilisan mo puntahan na natin ang asawa ko. " sagot ko. Mabilis pa itong nag patakbo, "Marami nag video ng nangyari si Caiden ang may pakana ng pananakit kay Maxine." muling sabi ni Peterson. "Peterson. Gusto ko hanapin mo ang hay*p na yan at gawin mo ang lahat para mapa kulong siya! Kapag tinago siya ng magulang niya siguraduhin mo damay sila!" nag ngi-ngit ko sa galit kong utos. "Kahit hindi mo sabihin ay gagawin ko talaga, pare ibaba na kita dito susunduin kita mamaya. Kailangan ko bumalik sa Grocery." sagot sa akin ng kaibigan ko at paliwanag. "Okay Salamat! Balitaan kita!" pasasalamat ko at tinapik ko ang braso nito ng tumigil ang sasakyan sa harap ng hospital.

