MAXINE'S POV KINAUMAGAHAN nagpaalam ako kay Gideon na pupunta ako sa condo para makipag kita sa mga kaibigan ko. "So, ibig sabihin babae talaga ang kuya mo?" tanong ni Sakura. "Girl, Correction hindi niya totoong kapatid yun." irap dito ni Cécil na kina tawa ko sa kanilang dalawa. "Duh! Naging kapatid pa rin niya yun, kailan niya lang ba nalaman ha?" mataray na tanong ni Sakura kay Cécil. "Tama na yan, mamaya kayo pa ang mag away eh. Sa tanong mo Sakura? Yeah babae nga siya dati, pero sa ngayon hindi ko muna sasabihin sa inyo kung paano nangyari." nginitian ko sila at kinuha ko ang garlic bread na ginawa ni Sakura. "Hindi ba gusto ng asawa mo na ipaalam sa amin?" tanong ni Cécil. Napa buntong hininga ako at tumango, "Para na rin hindi kayo madamay pa." sagot ko. Ngumiti naman silan

