MAXINE'S POV Lahat kami nag mamadali dahil kaninang umaga muling nag text si Cerius na kailangan ko dagdagan ang pera na kailangan niya.. "Mrs. Luxhell kapag nasa danger kana pindutin mo lang itong silver button na ito at malalaman agad iyon. " paliwanag ni Peterson sa'kin. Tumango lang ako habang hawak ang bag ng pera na si Gideon mismo ang nag asikaso. Sarili niya itong pera kung tutuusin. "Mrs. Luxhell please makinig ka. Lahat ng kailangan niya nasa loob na ng bag. Kapag nag simula na siyang tanggapin at mag lakad palayo sayo. Kailangan mo na umatras rin dahil darating kami agad bago mo pa pindutin ito. Remember nakikita ka namin okay?" mahabang paliwanag nito. Tumango na lang ako at kinausap naman ako ni Gideon. "Huwag ka matakot okay? Nandito kaming lahat, basta sundin mo lang an

