HALOS mabasag ang mga ngipin ni Jack sa labis na pagtatagis ng mga bagang niya. Subalit kulang pa iyon kumpara sa labis na galit na nararamdaman niya. Halos maubos na niya ang mga kasangkapang nakalaan para basagin. At hindi niya alam kung ano pa ang susunod na ibabalibag niya kapag hindi pa siya nagkasya doon. Gusto niyang tuyain ang sarili. Binuo niya ang konseptong iyon sa restaurant na ni hindi pumasok sa isip niyang siya rin pala ang makikinabang doon. Napakasakit na biro ng tadhana ang nangyayari sa kanya kung biro lang iyon. Siya, si Jack Rheus Vergara na handang-handang ialay ang pangalan at buong kinabukasan sa kaisa-isang babaeng minamahal niya ay tatanggihan lang pala? What the hell is happening to me? His face muscles twisted. Isang buong tray ng baso ang kinuha niya at ubo

