Part 10

1632 Words

“WHY, VIA? Why?” Paulit-ulit ang tanong na iyon sa isipan ni Portia habang nakatitig siya sa eleganteng singsing. Nakahiga na siya sa kama nang maalala niyang inihabol iyon sa kanya ng staff nitong si Edward nang pauwi na sila ni Jack. “Ma’am, naiwan po ito ni Sir sa itaas,” ani Edward. Kunot ang noong napatitig siya sa inabot nito sa kanya. Isang tingin pa lamang doon ay halos alam na niya ang nangyari. Nagtatanong ang mga matang bumaling siya sa staff nito. “Tell me, what happened exactly.” Umiwas ito ng tingin. “Ma’am, hindi naman po ako tsismosong tao.” “Hindi naman tsismis ang gusto kong malaman. Iyong totoo,” demand niya dito. Umiling-iling ito. “I’m sorry po, Ma’am. Wala po ako sa posisyon para magsalita. Pakibigay na lang po iyan kay Sir pag okay na siya. Baka po kasi hanapi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD