"Baby, gala tayo." for the nth time, pangungulit ng bestfriend kong si Delyn.
Chat lang kami ngayon dahil walang pasok at bakasyon narin. Ewan ko ba dito di mapermi sa bahay. Ang saya kaya ag nasa bahay kalang, kain at tulog lang lagi walanv school works na nakaka-drain nang braincells.
"Bby, tinatamad ako." reply ko. Eh sa tinatamad ako eh, bat ba.
"Bahala ka, pupunta kami ni Ian dyan. Handa ka ng meryenda ha. Tas magbihis ka, ipapasyal mo pa kami." sabi niya tas nag-out.
Wow, kapal naman. Ako pa maghahanda ng meryenda eh sila tong mapilit. Ha. Manigas kayo.
Chi-narge ko muna yung cp ko tas nag shower dahil for sure tutuhanin talaga niya yun. Btw, Im Justine, girl po ako OK at wag ma confuse dahil dami akong kakilalang ubisex ung name. At yung ka chat ko ay si Rudelyn, classmate ko at bestfriend ko din sila ni Fred. Grade 12 na kami sa pasukan as STEM student.
After taking shower at nagbihis ay saktong kumatok si mama at sabing nasa baba nadaw ang dalawa. Sabi na eh. Buti nalang. Im typically a casual/ T shirt girl. Di ako mahilig pumorma, pag kailangan lang talaga. Sa palengke, mall, simbahan, at even washday namin, T shirt lang tas powder and liptint. And tahdahh, ready na ako.
"Oh, san tayo?" bungad ni Fred sakin pababa ko ng hagdan.
Eh? Ako?
"Ewan, san niyo ba gusto?" sagot ko sabay tingin kay Delyn na lumalamon, literal yan ha, di nga maka pagsalita eh , puno yung bibig.
"Oh. tubig mo, Ruds." abo ni Fred kay Delyn dahil mukhang nabubulunan. Takaw kasi.
" Mamundok tayo, By!"
"San naman?"
"Dun malapit sa workplace ng papa mo. Sabi mo maganda dun."
"Eh? Puro Greens naman dun."
"Kaya nga, mas relaxing."
"Ok?."
"Yey, tara."
Nagpaalam na kami kay mama at pumunta ng bundok. Actually di naman talaga siya malaki, para siyang bangin type na kita ang dagat at yung bulkan sa kabilang province. Maganda yung scenery kaya nakwento ko ito sa kanila minsan.
"wow, ang ganda! Picture tayo."
Halos mapuno yung storage ng phones namin dahil sa pictures na kuha. Eh sa itong si Delyn di makuntinto sa isng shot lang kada scenery.
"Uy, di pa tayo uuwi. Makulimlim na parang uulan." paalala ni Fred dahil para nga.
Wait. Teka mukhang familiar 'tong scene nato. Dejavu?
"Guys, nangyari na ba'to?" tanong ko sa kanila kasi parang familiar eh. Yung nakatingala si fred tapos makulimlim yung langit.
"ha, pinagsasabi mo? Ngayun lang kami nakapunta dito, Tine." sagot ni Delyn na nagtataka, kunot noo niya akong hinarap at sininat ang nuo ko.
"Ayos ka lang ba? Uwi na tayo." aya ni Fred na nag-aalala narib sakin.
Ewan, parang nahihilo din ako at ang sakit ng ulo ko.
"Aray, ang sakit" daing ko. Ang sakit talaga ng ulo ko. Parang may dumagan na oarang mabibiyak na.
Naoasigaw ako sa sakit at sabay nila akong dinaluhan. Tumatawag ng tulong si Delyn pero useless lang dahil walang masyadong taong dumadaan dito.
"Delyn, alalayan mo si Justine pasakag sa likod ko." rinig kong sabi ni Fred. Hinang-hina narin ako dahil sa sakit.
Nakasakay ako sa likod ni Fred habang inalalayan naman ni Delyn para di ako mahulog. Di ko na rin maramdaman yung katawan ko parang hinihigop yung enerheya ko ng isang magnetic force na di mapaliwanag.
"Delyn, di ko na makita ang daan. Masyadong madilim." hinang dinig ko kay Fred. May inabot si Delyn kay Fred na kung ano at nagdilim ang paligid.
------------------------------------------
Mabigat.Nauuhaw. Naghihina.
Yan ang nararamdaman ko ngayon.
Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang di familiar na kwarto. Blue at white. May mga gamit, kabinet, guitar at iba pa. Bumangon ako at naglibkt sa kwarto.
Abala ako sa paglilibot ng bumukas ang kwarto.
"Oh. Buti gising kana, ija." sabi ng isang matanda sakin. Mga nasa mid-60s na siya pero maganda parin yung kutis niya.
" Opo. Ahm, asan po pala ako? Kaninong bahay po 'to?" magalang kong tanong sa ginang. Bakas ang lungkot ng kanyang mga mata sa aking sinabi. Tila pangungulila na naaawa.
" Ah, tika lang, ija. May tatawagin lang ako. Kung gusto mo bumaba ka muna para makakain ka."
"ok po. Susunod po ako."
Sinuot ko ang tsinelas at lumabas narin ng kwarto para sundan yung ginang. Di ko alam pero parang galing ako dito o ano. Di ko lang tanda.
"Joshua, paki tawag ang kuya mo sabihin mo gising na si Justine." rinig kong pagtawag ng ginang sa isang binata.
"Opo, Ma."
"Kuya, gising na daw si ate!"
"Oo, papunta na."
"Ma, asan siya?" tanong nung lalaki s matandA pagpasok niya ng bahay. Matangkad ito, moreno, matangos ang ilong at makisig. Maraming emosyon ang nasa kanyang mga mata, 'di ko mawari kung ani ang mga ito pero katulad ng sa ginang kanina.
"Buti naman gising kana. Kumain kana ba? Tara kain tayo. Masarap itong niluto ko." masayang sambit nito habang inihahanda naghapag. Sumunod lang ako sa kanya at umupo. Pinagsalok niya ako ng ibat ibang putahi. Susubuan sana niya ako ngunit kinuha ko ang kutsara at ako ang kumain mag isa.
Masaya niya akong pinagmasdan at may ngiti kapag binabalingan ko siya.
"Hindi ba kayo kakain. Masarap ito. Diba luto mo ito?"
"Hindi na . Tapos na ako"
"Sige bahala ka."
Masaya akong sumusobi ng binalingan ko siya ulit. Namamasa ang mga mata niya na tila naiiyak.
"okay ka lang ba? Uy baka sabihin ng mama mo pinaiyak kita ha. Wala akong ginagawa sayo."
" wala, masaya lang ako." sabi niya sabay halik sa nuo ko. Napapikit ako sa ginawa niya. Parang may humaplos sa puso ko sa ginawa niyang yun, di ko mawari.
"sige. Kumain kana dyan pag katapos mo magbihis ka at may pupuntahan tayo. Ok?" sabi niya at tumayo sabay halik ulit sa noo ko at umalis na.
----
Tapos na akong magbihis, naka T shirt lang ako at jeans.Ewan ko bat mga gamit dun sa kwarto eh di naman akin yun. Saka na ako magtatanong dun sa lalaki kanina pagkababa ko.
"Kuya, Ready na ako!" sigaw ko pagbaba ko ng hagdan para makuha ang atensyon nila. Nasa sala kasi siya kasama yjng binata at ginang kanina.
"Joshua, dalhin mo yung Toga at camera. Importanti sa ate mo ito."
" Kuya, dala ko na. Nandon sa sasakyan."
"Good. Tara na." aya sabay lahad ng kamay niya sa akin. Kinuha ko ito at nagpatianod sa kanya.
Mahaba haba ng byahe dahil parang papunta kami ng probinsya. Ang ganda ng mga bundok, ng beberde ng kulay.
Pagdating dun sa venue ay nakita ko na patang party ito. Maraming mga guest at ang ganda ng decorations. Ansaya lang ng vibes at ambiance ng lugar.
"Tine, isuot mo ito." tawag ng pansin sa akin ng lalaki. Inaabot niya iyong toga. Tinitingan ko lang ito hanggang sa siya na mismo ang nagpasuot sakin.
Toga ito for graduation. Pero sa natatandaan ko, mag g-grade 12 palang ako sa pasukan. Eh?
"Para saan to, kuya?" takang tanong ko.
"Suot mo lang yan. You deserved it,Tine. Im so proud of you." sabi nya at niyakap ako.
Di ko alam pero naiiyak ako. Di ko masabi kung bakit at para saan itong mga kaganapang ito.
"Our batch valedictorian, of 2022, Justine Kate Forbes. Around of applause and please come here on stage and give your valedictory speech." Dinig kong sabi ng emcee at tinawag ang pangalan ko.
Nagtatanong na tingin ng ginawad ko sa lalaki. Di ko parin kilala ang pangalan.
"sige na, tinatawag kana."
Wala akong magawa kundi pumunta at umakyat sa stage. Kahit di ko alam ang nagyayari.
"salamat sa inyong lahat. Pero maitanong ko lang po,bakit ako lang ang naka toga? Bakit ako lang ata nag gagraduate? Kaya ba ako ang valedectorian kasi ako lang ang estudyante?" sunod sunod na tanong ko na ikinatawa ng iilan. Pero yung lalaki kanina ay naiiyak na inaalo naman nung katabi niya na babae. Familiar yung babae.
"Uy sumagot kayo. Ha ha ha. Pero salamat sa parangal. He he. " sabi ko at bumaba na. Ang weird nila.
" At para sa susunod naman. Bigyan natin ng palakpakan si Mr.Fred Anthony Uy sa kanyang speech para sa ating lahat at sa kanyang pinakamamahal."
Tumayo yung lalaki na umiyak kanina, siguro siya si Fred at pumunta sa stage.
" Hello, batchmates. Magandang araw sa ating lahat. Sa mga batch 2022 salamat at dumalo kayong lahat at pinaunlakan ninyo ang ating biglaang reunion ng ating batch. Sa mga nakakilala sa akin at sa hindi pa,ako po si Fred Anthony Uy. STEM graduate nung batch 2022. Kasama ko po sa journey ng aking high school ay si Rudelyn Hermonte, tumayo ka naman dyan, Delyn." tumayo yung katabj ni Fred kanina na babae na si Rudelyn ang pangalan. Siguro girlfruend niya ito.
"Siya ay aking bestfriend at bali dalawa sila pero yung isa ay hindi ko na bestfriend. Dahil pinakasalan ko na siya. Isa na siyang maybahay, ang aking maybahay. Si Justine Kate Forbes." Sabi niya na tuwang tuwa. Namilog ang mata ko sa nadinig. Asawa, ako?
"Siguro di mo matandaan, siguro nga ako di mo din matandaan. Yung mga masasayang araw na kasama mo ako. Nung gumraduate tayo ng Senior High. Noong nag enroll tayo sa college, Yung mga panahon na nag seselos ka kasi di tayo pareho ng school. Yung umiiyak ka sa acads mo. Sa terror na profs,mga minor courses na feeling major. Sa rants mo,dramas at marami pang iba. Pero Tine, lagi kong ipaalala ko sayo ang mga memories nating iyon. Gagawin ko ang lahat. Kahit araw araw ako gumawa ng ganitong klasing reunion, party, at vacation , okay lang. Basta makita ko lang na masaya ka. Masaya na rin ako. Kahit tinatawag mo akong 'Kuya'. Happy 20th anniversary pala sayo,Asawa ko. Mahal na mahal kita."