After that intro song performance, ako naman ang naging vocalist. We performed Lover by Taylor Swift.
Pilit kong binabalewala ang tingin ng gagong triton pero hindi ko maiwasan na tignan din siya. I'm not intimidated or what. Naiinis nga ako eh, I'm stoping myself from coming down from the stage and punch him in the face.
Pass eleven na nang matapos kaming mag-perform. Nag-request pa kasi ang ibang customers ng ibang songs. Gladly, na-enjoy nila ang performance namin. Ano ba, kami lang 'to.
"Thank you talaga, mga par." Jae said for the nthe time. Nakalikom kami ng malaking amount today dahil sa mga song request.
"Thank you so much, boss!" Jae gladly said and suddenly hugged me. Mediyo na-shock pa ko but I hugged him back and patted his back. Kaya pala ang tamlay ng loko this past few days. May financial problem ang family nila.
"Kakalas ka o sakalin na lang kita?" Banta ko kay Jae. Kanina pa siya nakayakap eh, naiimbyerna na ko.
Bumitaw siya at nagkamot ng ulo.
"Masiyado ka kasing nag-enjoy, gago!" Natatawang sabi ni Win at binatukan si Jae. Deserve!
"Puro kayo kalokohan, nagugutom na ko." Angal ko nang makaramdam na naman ng gutom. I haven't done dinner yet.
"Arat samgyup!" Kale exclaimed at umakbay samin ni Jae. Lumabas na kami ng backstage at shutangina! Ang daming nagbabantay para magpa-picture. Mas lalo akong nawala sa mood dahil sa dami ng taong sumalubong.
"Dito tayo guys!" Tawag ni Kale sa mga tao na nasa harap namin. Alams na siguro nila na wala na ko sa mood.
People rushed to them so I took the chance para lumabas ng bar.
I sighed in relief nang makalabas na ko. Hihintayin ko na lang sila sa parking lot. Tangina, gutom na ko eh.
"Aqua." A familiar voice uttered my name from behind.
It was Triton, nakasandig sa pader at nakayuko. Lasing na ata ang gago.
"Are you following me?" Tanong ko.
"No." Nakayokong sagot niya.
"Bullshit, just go home." Walang ganang sabi ko.
Before I turned to walk, he grabbed my wrist which I grabbed back immediately.
"I'm sorry!" He shouted. Anong pake ko?
"Mag-usap tayo, please!" Pangungulit niya pa. Mas lalo akong nairita nang hinabol niya pa ako at mahigpit na hinawakan ang wrist ko.
"Get your filthy hands off my wrist. Kahit anong gawin mo, I'll never help you again." I uttered in front of his face.
"I'll do everything, please! Just help me one more time. Ikaw na lang ang maaasahan ko. Desperado na 'ko, Aqua." He begged, still holding my wrist. Tears were about to fall from his eyes.
I rolled my eyes, "f**k off!" I yelled, trying to get his hands off me. Isang salita lang ako at hindi ko na binabawi yun.
"I'll do everything you say, hindi na ko aangal. Kahit gawin mo kong sunod-sunoran o alila, okay lang! Aqua, please!"
"Bobo ka ba?! Sabing bitawan mo ko eh!" I yelled. Halos pumutok na ang ulo ko sa galit dahil sa kabobohan niya at gutom na ko.
"No, kahit bugbogin mo pa ko. Hinding hindi kita bibitawan unless you'll give me one more chance." Pagmamakaawa niya. Tanginang yan!
"Aqua!" Sigaw ng lima na kakalabas lanh nang makitang may sinisigawan ako. Agad silang pumunta sa likod ko at nagulat na si Triton pala ang kaaway ko.
"May problema ba dito?" Tanong ni Kale na nasa tabi ko. Tahimik lang ang gago na nasa harap ko.
"Let go of me bago pa tayo magkasakitan dito." Pagbabanta ko pero parang wala lang sa kanya!
"Ano bang problema nito?!" Pagsasali ni Kale sa usapan.
"Tangina, sabing bitaw eh!" Sigaw ni Hendery.
He paused at madiing tinignan sina Kale, “Huwag kayong makialam dito.” Madiing sabi niya.
Dahil sa kagagohan niya, ayun nasuntok ni Kale. Buti nga si Kale nakasuntok eh, kung ako ewan ko na lang. Hindi pa naman ako kontento sa isang suntok lang. Natumba siya at hindi na nag-angat ng tingin.
“Let’s go.” Yaya ko sa lima at naunang maglakad papalapit sa motor.
“Problema ng gagong yun?” Tanong ni Win.
“Huwag niyo na pag-usapan, hearing his name just pisses me off.” Naiiritang sabi ko habang nag-susuot ng helmet.
Hindi na sila umimik at nag-drive papuntang food court. Dabes mga pagkain dun, nakakawala ng stress.
Napangiti ako nang maamoy ang sarap ng roasted beef sa labas ng stall. Agad kong inakbayan sina Jae at Win na nasa tabi ko at kinaladkad papasok.
“Hindi naman obvious na gutom ka ‘e noh?” Saad ni Kale na nasa harap ko.
I crossed my arms, “Talaga ba? Do you want a punch para ma-sure mo kung gaano ako kagutom?” Banat ko.
He held his two hands saying na suko na daw. Pakealamero ampucha!
“Ano ang sa inyo, mam at sir?” Tanong ng mamang waiter na panot. Hindi ako nanlalait, panot naman talaga siya.
“Samgyupsal and bulgogi, Mister.” I ordered.
“Sa inyo?” He asked, reffering to the boys.
“Yung katulad na lang po ng kanya.” Sagot nila habang tinuturo ako. Mga bobo talaga, when will they learn to decide for themselves?
“Ang lakas naman ng amats ng lalaking yun para hawakan ka.” Biglang sabi ni Kale kanina pa tahimik. Hindi pa rin ba siya naka-move on? I’m trying to keep him away from this guys, alam kong magkakagulo lang kapag nalaman nilang tinutulungan ko siya.
“Sabing ‘wag na pag-usapan yun eh.” Naiiritang sabi ko. Buti na lang sinapian ng kadaldalan si Hendery kaya naiba na yung topic.
Bigla kong naalala ang nangyari kanina. Nakauwi na ba yun? I’m not worried, curious lang ako. Lasing na lasing pa naman ang tangang yun. Should I pick him up? NO! Ano naming pake ko? Tsk…
“Aqua!” Napatingin ako kay Win nang isigaw niya ang pangalan ko.
I reached for him at binatukan siya, “Inamo, ‘bat ka naninigaw?!” Asik ko.
“Aray! Kanin ka pa tinatawag eh, nakatulala ka lang diyan.” Sagot niya habang hinihimas ang batok.
“Malalim ata iniisip mo eh.” Saad ni Jae.
“Nothing, gutom lang ako.” I sighed. Ugh! I can’t help it.
“Cr muna ako.” Paalam ko. I stood up at pumunta ng CR.
This is a perfect moment, this is the last move I should do. I searched Crystal’s number to call her.
“Hello?” She answered.
“This is Aqua, are you busy?” I asked.
“Not really, why?”
“Can you pick Triton up? Lasing kasi siya nung umalis na ko, napaaway pa ata yun.”
“Couldn’t you just do it na lang?”
“He had a fight with my friends kaya hindi ako pwede.”
Natahimik muna siya bago sumagot.
“Okay.”
“Alright, I’ll send you the address. Be careful on your way.” I said before ending the call.
This is the last thing I’ll do for him. I sent the address to Crystal before I got out.
“Woah! That looks yummy as fvck.” I exclaimed nang makita ang pagkain sa table. I pushed Jae aside at kumain na.
“Sa susunod kasi, sabihan niyo ako in advance kapag may gig. Hindi yung biglaan, tangina niyo.” Asik ko. I'm about to empty my plate.
“Sensya na, bossing. Pumanting kasi agad ang tenga ko pagkarinig na tataasan ang talent fee.” Jae apologized while gulping the whole wrap he made.
“Shot puno!” Win yelled and raised a glass of soju. We all followed him and made a toast.
“Aaah!” I exclaimed as I chugged down the glass full of soju. Soju is my comfort, I fvcking love it!
I emptied five bottles of soju all by myself pero parang hindi pa rin ako tinatamaan. My high tolerance on alcohols is freaking gorgeous.
O-order pa sana ako ng another five pero I remembered, may volleyball session pa ako tomorrow morning.
“That’s enough, ayoko na magdusa at kaladkadin kayo isa-isa.” I said.
“Come on, hindi pa nga umabot sa sikmura ko eh.” Reklamo ni Hendery. Tinignan ko siya ng masama kaya nanahimik.
“Una na ko labas, smoke lang.” Paalam ko ang grabbed my bag.
Hinintay ko pa sila dun nang ilang minuto bago sabay na umuwi.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ang puting sports car sa labas ng bahay.
Damn it, umuwi na ba siya? I’m hundred percent sure na sa kaniya itong sasaktan.
I quickly ran papunta sa gilid ng mansion where the balcony of my room is located. Emergency entrance ko ‘to kapag feeling ko may evening mass na naghihintay sakin.
Pinagpag ko ang aking kamay nang makaakyat na ko sa balcony.
“Best wall climber in the world” Puri ko sa sarili.
I swayed the glass door that directs to my room and was shocked nang makitang crossed-arms na nakatayo si kuya sa harap ko.
“Kuys! What are you doing here?” Smiling, I asked.
“Where did you came from?” He asked in a serious tone.
“Nagpapahangin lang sa balcony.” I lied, sana maniwala siya pero hindi tanga ang kuya ko.
“Diyan din ako tumambay while waiting for you.”
“We had a gig, I’m sorry! Hindi ba sinabi sayo ni mom?”
“Still! Ishi, it’s two o’clock in the morning!” He yelled in front of my face.
“Kuya, yung laway mo!” Asik ko while wiping his saliva out of my face. Kadiri talaga.
He laughed, “Did you eat na ba? I missed you, baby.” He said while cupping my face into his palms.
“Yeah and don’t call me baby, it’s disgusting.” Reklamo ko while trying to take his hands off my face.
“Okay, you should change and have a rest.” He said at pinakawalan ako.
Dali-dali akong pumasok ng closet. Damn, pumasok ba siya dito?
“We’ll go shopping tomorrow, tignan mo nga yang suot mo. Babae ka ba talaga? Asan na yung mga pinamili nating clothes sa states last year? I search through your closet at wala akong makita maski isang skirt, puro baggy clothes. Mukha kang sampayan, akala mo?” And the laitan session starts.
He’s really strict, especially when it comes to clothes. He is a doctor pero hindi ko alam bakit baliw na baliw siya sa fashion. Kung naging fashion designer na lang kaya siya?! I know I said wala akong kinatatakutan but may parents and kuya is an excemption. You’ll never wish to get on their bad side.
“I can’t, kuya. I have volleyball session later this morning and after break.” Rason ko. Totoo naman eh.
“Okay then, let’s talk about tomorrow. Have a rest, ‘lil sis.” He said and kissed my forehead before going out.
Piste! Fours hours lang tulog ko, panigurado sabog na naman bukas.