kring!
Kring!
Kring!
Andito ako sa garden ng campus ng marinig kong
Tumunog ang bell, sign na mag sisimula na ang unang klase dali dali akong tumakbo papunta sa room at tamang tama wala pa yung teacher namin kaya nag ayos muna ako ng mukha.
*after 5 min*
Dumating na ang science teacher namin at may kasama itong gwapong binata.
"Goodmorning class" bati ng teacher namin kaya tumayo kameng lahat at binati din namin sya
"Class may i have your attention meet your new classmate, please introduce your self mr." Ani ng teacher namin
"Uhmm, hi I'm kio axel Rodriguez, 17 years old transfer student from france." Medjo cold nyang pag papakilala sa amin
"Okay, u can sit beside ms. Aekishea kim alonzo" saad ng teacher namin na ikinagulat ko
"Haa, ahh ehh, ihh, ohh, pano nya nalaman pangalan ko napalingon ako sa uniform ko at nakita may name tag pala ako hyts" saad ko sa isip
"Ahhm ms. Pwede paki kuha ng bag mo uupo na ako" saad nya
" ahh, ehh sorry hehe" ani ko at agad na kinuha yung bag ko at iba pang gamit na nakalagay sa uupuan nya.
DISCUSS!
DISCUSS!
DISCUSS!
FASTFORWARD
Andito kame ngayun ng mga classmate ko sa canteen, nakain ng biglang may naisip na kalokohan si Maxine.
"Kim gusto mo ng libreng recess ng for one month?" Ani nya na kinatuwa ko
"Oo naman, sino bang tatanggi sa ganyang offer, diba ash." Ani ko kaya napatango si ash
"Ohh, well pero syempre may kapalit" ani ni maxine
"Ehh, ano naman ang kapalit? Saad ko
"Ahmm i dare u na pag tripan yung bagong transfer student like ackkks ang pogi nya diba ang like tf sanaol katabi i think he's my the one. Saad ni maxine
"Assuming ka sis? Pag putol ni ash sa pagpapantasya ni maxine kay kio
"Papansin naman tohh, so ano kim dare? Ani ni maxine
"Ahhh, ehh,ihh, ohh, uhhh oums sige payag na ako. Ani ko
"Pero wait anong gagawen kong trip sa kanya? Dagdag ko pa
"Ahmm alam ko na, isa palang basketball player si kio at alam ko may laro sila mamaya after ng second subject." Saad ni ash
"Then? Ani ko
"Sumigaw ka ng kiooo mahaaaaaal Galingan mo iloveyou!!" Saad ni ash kaya napahalakhak naman kase ni max.
FAST FORWARD
Nag didiscuss ang english teacher namin ng makita ko si kio na busy sa pagbabasa ng comics ng palihim kaya napaisip akong pag tripan ito, malapit na mag recitation kaya nakinig muna ako.
"Okay class who wants to answer number 1 on the board? Ani ng teacher namin kaya naisip ko si kio.
"Maam si kio daw po ang sasagot" sigaw ko na kinagulat nya at pumukaw ng attention ng ibang studyante, napatayo bigla si kio sa kinauupuan nya at nahulog sa sahig ang comics na binabasa nya.
"Okay mr. Rodriguez answer question no.1 since your reading comics i guess you know our topic in this subject." Saad ng teacher namin, napatingin naman si kio sa akin ng masama at binulungan ako bago pumunta sa harap
KIO'S POV
"Sh*t tf i hate you wag ka papakita sakin after class kung hinde yare ka saken copy?" Saad ko dito sa katabi ko tsaka lumakad papunta sa board.
"Sorry po mrs. Delacruz, hinde napo mauulit" saad ko at kinuha ang iniaabot ni maam na pentelpen tsaka sinagutan ang question sa board.
"Kala mo maiisahan mo ako ms. Aekishea kim alonzo" bulong ko sa isip ko habang nag sasagot.
Natapos ko ng sagutan ito at umupo na ako sa upuan ko pero wala na sa tabi ng upuan ko si Aekishea, lumingon ako sa likod at nakita siyang nakayuko
BACK TO AEKISHEA'S POV
"Maling disisyon haytss anong gagawen ko? what if may gawen sya sakin owmyghad marami pa akong pangarap." pag dadrama ko kay max at ash habang nag lalakad sa hallway ng building namin
"Oa mo naman bes, hinde yan ako bahala sayo tara sa coffee shop malapit lang yon dito sa campus treat ko kayo" saad ni max
"Ehh, pano yun mag sstart na yung game nila kio di tayo manonood? Ani ni ash maglalaro den kase yung boyfriend niya.
"Ahhhm bumili muna tayo ng drinks natin then punta na tayo sa court okay? Saad ni max at tumango naman kami.
FAST FORWARD
Nandito na kami sa court at mukhang matatalo na ang grupo nila kio.
"Kim, ash yung dare" saad ni max
"Sure ka ba?dito talaga?andaming tao?" Saad ko habang natatawa
"One month libre or pass the dare? Ani ni kim
"Okay sige gagawen ko yung dare but in one condition make sure na ililibre mo ako haa" saad ko
"Sure, deal" saad nya kaya lumapit kami sa harapan naka time out pa ang laro kaya inhale exhale muna ako maya maya pa ay nag start na ang laro, lamang pa ang kalaban nila ng 5 puntos at ilang minuto na lang matatapos na ang laro
Hawak ni kio ang bola kaya sumigaw na ako ng
"Kioooooooooo mahaaal galingan mo!! iloveyouuu" sabay flying kiss.
Titira na sana si kio ng marinig ang sigaw ko na nagpatahimik sa mga hiyawan ng mga tao, lumingon naman sya at kinindatan ako sabay shoot ng bola sa ring at nashoot naman ito sabay hiyawan ng mga tao sa court.
“M-mga t*rantado,” Nanghihina kong bulas habang kapit-kapit sa magkabilang braso. Sa kanilang gilid, may nakasukbit na mga b***l, mukhang angkat mula sa ibang kaharian at bagong inobasyon ng mga taong kayang-kaya kami kitilin sa isang kalabit. Wala akong laban sa ngayon kaya para akong nanghihina sa sitwasyon ko
Nakagapos akong kinaladkad sa magaspang at maputik na lupa ng dalawang guwardiya sa palasyo. Wala silang imik habang lumalaki ang masa ng mga manonood na panay ang bulungan at pagkilatis sa aking anyo.
The sky itself was dark and filled with void. Animo’y pinagkaitan ako ng liwanag. Miski ang araw ay hindi ko masilayan at ang pagasa ko’y tuluyang napapawi. For years, I was living amongst the shadows. Kumakain ng tira-tira, at parang hayop na sumisilong kung saan-saan. Naging payapa ang buhay ko kahit mahirap. Masaya akong malaya kahit nagugutom. Masaya akong makihalubilo sa mga pangkaraniwang tao kahit alam kong hindi ako nababagay. Pero ngayon, lahat ng iyon ay nawala sa aking kamay. Matapos kong tumulong. Matapos kong magpakita ng kabutihang loob.
Bakit? Bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon?
Hindi ko akalain na matutuklasan nilang isa akong Faun.
Isa sa mga natatanging hinirang…mga taong pinagpala. Isang lahing may tinatagong kapangyarihan.
Nanguna ang kapitan ng hukbo sa pagdalo sa akin. Puno ng disgusto ang kanyang mukha bago ako pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Minsan ko na siyang nasalubong sa parada ng mga bayani. Minsan na niyang nasalubong ang aking mata, ngunit isang sibilyan pa ako non na nakikihalubilo lamang sa mga pangkaraniwang tao. Ngayon naman ay naging kapansin-pansin na ang aking presensya. Ganon ba talaga sa mundong ito? Mapapansin ka lang kung may kakaiba o katangi-tangi sayo?
“Ilang taon mong tinago ito? Hinayupak ka!” Sinipa niya ko sa tiyan dahilan para mapaluhod akong ngumingiwi. “Akala mo makakalusot ka? Matutulad ka sa mga kalahi mo…Mabubulok kayo sa bangin. Sinusunog ng impyerno,”
Inangat ko ang tingin sa kapitan. Dati ay may paghanga ako sa kanya. Sabi ko, baka may mga tao pang may awa sa amin. Baka may mga tao pang hindi natatakot sa angkin naming biyaya. Pero nagkamali ako, isa rin pala siyang halimaw. Mas masahol sa amin, mas baboy at mas marumi sa mga inosenteng tinatakwil nila.
Nginisian ko siya ng nakakaloko. “Natatakot ba kayo? Kayong mga tao? Natatakot kayo sa kapangyarihan na meron kami. Nangangamba kayo kaya iniisa-isa niyo ang mga tulad ko,”
Nagbaga ang kanyang tingin. His skin turned crimson red, while his hands curled up in a fist. Ramdam ko ang intensidad at ang dagok ng sinabi ko kaya hindi na rin niya pinigilan ang sarili. Inambahan ako ni Captain Marlon at sinuntok ng malakas sa mukha. Una ay isa lamang, na naging dalawa, tatlo. Halos hindi ko mabilang.
Wala ni isa ang umawat. Miski ang mga nakapalibot na tao. Miski ang batang sinagip ko mula sa nagbabagang apoy.
Dinura ko ang walang kulay na dugong namumuo sa aking bibig at pilit inipon ang natitirang lakas. Bago pa niya uli matamaan ang mukha ko, nagyelo ang isang bahagi ng aking pisngi kaya iyon ang dumapo sa kanyang kamao.
“T*ngina!” Ngiwi niya matapos magdugo ang kamay mula sa malakas na impact. Sa kaloob-looban ko’y gusto kong ngumiti kaso pinigilan ko. Tutal hindi pa tapos ang kalbaryo ko. Nagsisimula pa lamang.
Papunta pa lamang kami doon. At kung saan man nila ako dadalhin, nasisigurado kong mag-aagaw buhay ako sa kasuklam-suklam na laro ng mga tao.
____
HINDI KO alam kung nasaan ako, o kung anong araw na ba. Ang bumungad sa akin ng imulat ko ang mata ay walang iba kundi ang nagtataasang talahiban, matatayog na punong lampas-lampasan sa ulap ng hamog at ang mga nakaupong Faun sa lilim ng mga halamanan–mga gaya ko. Ramdam kong Faun sila.
Isang silay lamang, sapat na para makilala ang mga kauri ko. Nakaupo ang iilan sa ilalim ng puno habang ang iba’y abala sa pagpapatalas ng kanilang sibat. Kakaiba ang ihip at laki ng kagubatan kaya hindi malabong isipin na ito ang lugar kung saan kami pinapatapon.
Malamig ang temperatura ng kapaligiran kaya karamihan sa kanila’y yakap-yakap ang mga sarili. Sa aking gilid, may isang batang umiiyak. Gusto ko man siya daluhan pero may kailangan muna akong kausapin sa maliit na pulutong na ito. Hindi pwedeng ganito na lang. Hindi pwedeng nakatunganga. Sinubukan kong iangos ang sarili ngunit agad rin akong napabalikwas sa lupa. After multiple attempts, I finally heaved myself up.
“S-sino a-ang lider dito?” Nanghihina ko pang ani matapos tumayo ng may panginginig sa tuhod.
Walang umimik. Wala ring nagkaroon ng malasakit sa sitwasyon ko, maliban sa isa.
Nilapitan ako ng isang dalagita. “S-si Tate po ate…yung nasa gilid,” Mahina niyang bulas matapos ituro ang lalaking nakahalukipkip sa malaking puno ng acacia. Matangkad at malaki ang hubog nito. Matangos ang ilong at nakaka-agaw pansin ang aura.
“Nasan tayo?” Tanong ko uli sa dalagang katabi.
“Nasa arena tayo ate…?”
“Just call me Fae,”
“Ate Fae…kailangan mong magpalakas. Dahil kumpleto na tayo. Ikaw na lang ang inaantay,”
Kumunot ang noo ko. “Inaantay?”
“Kailangan kumpleto ang grupo bago sumabak sa patimpalak. Kailangan mong magpalakas at magpagaling dahil kakaunting oras na lang ang meron tayo par–”
“Teka!” Pinutol ko siya sa kalagitnaan ng kanyang sinasabi. “Anong patimpalak?”
Nagaalangan niyang sinalubong ang mata ko.
“Ate…paano kung sabihin ko sayo may pagkakataon pa tayong mabuhay? Maging malaya?” Huminga siya ng malalim. “Ito na iyon. Kailangan natin manalo sa larong ito para maging tao tayo. Para maging normal na tayo. Ang pinakamalakas na grupo o ang mga panalo ay mabibigyan ng malaking papremyo mula sa palasyo ng Bahr,"
Bahagya akong natameme sa sinabi niya. Tanging ihip lang ng hangin ang namagitan sa aming dalawa. At ang iba namang Faun ay animo’y naintriga sa sasabihin ko. Siguro halata ang disgusto at ang pagkamuhi sa mata ko kaya naagaw ko ang pansin nila.
“Are you out of your mind? Bakit ko gagawin iyon? Bakit ko isasakripisyo ang biyaya ko?”
Namilog ang kanyang bunganga. Bumukas at tumikom pero sa huli, naisipan niyang sabihin na lang ang saloobin, kahit nahihinuha niyang taliwas kami ng paniniwala. “Naiintindihan kita ate…pero sagabal sa atin itong kapangyarihan na ito. Walang tumatanggap sa atin. Parang pinabayaan na rin tayo ng diyos,”
Nagtaas-baba ang dibdib ko. “Hahayaan niyo lang na sumunod sa kagustuhan nila? Naniwala ka naman? Gusto nila tayong ubusin at pagbuklod-buklurin!” Hinawakan ko siya sa magkabilang braso. “Hinding hindi ako susunod sa inyo…kaya ikaw gumising ka na rin sa kasinunggaling pinapakain say–”
Hindi ko natapos ang salita ko dala ng sampal na natanggap ko mula sa lumapit na babae. Pula ang kanyang buhok, gaya ng paraan ng pagtitig niya sa akin. Pulang pula sa galit. “Wala ka ng pakielam sa desisyon namin bata…tutal wala ka naman dito ng magkaroon ng malawakang purge. Alam mo ba iyon?” Lumapit siya sa akin ng may kamandag sa mata. “Harap-harapan nilang tatanggalan ng lamang loob ang kasamahan mo. Isa sa atin…sa oras na magpakita ka ng pagrerebelde. Kaya kung ayaw mo mabuhay, wag na wag mo kaming idadamay. At wag na wag mong masubukan na pagsalitaan ang kapatid ko,”
Hinawakan ko ang bahagi ng pisngi ko kung saan niya ako sinampal. “Ano? Pati ikaw? Naniniwala doon?”
Mas lalong nagusok ang kanyang ilong, dala na rin ng malamig na hamog. “Anong gusto mong gawin namin!? Wala na tayong opsyon dito. Mamatay o lalaban,”
“Lalaban ako pero hindi sa ginusto nilang paraan,”
Akala ko ay hahantong kami sa sakitan gayong matapang at mataas ang puri ng isang to, ngunit nang biglang magsalita ang sinasabi nilang lider, tila natahimik na parang tupa ang lahat.
“Tigilan niyo na yan…magsisimula na,” Basag ni Tate habang matalim ang titig. Almost everyone gasps, maliban sa akin at ang lalaki, hudyat ng kanilang mga emosyon at takot.
“Ano! Agad agad!? Hindi pa tayo handa!” Ani ng isang binatang balingkinitan ang katawan. Bahagya siyang tinapunan ng tingin ni Tate bago ibalik ang tuon sa harapan. Ang iba naman ay halos maghumarentado sa ritmo ng kanilang paghinga.
“Hindi nila tayo aantayin. Tayo ang mapipilitang sumunod sa kanila,” Ani Tate bago ako sulyapan. “Now that she’s awake, they’re desperate to start the game,”
“Hindi! Ayoko!” Nadedeliryong wika ng lalaki at sinapo ang ulo sa isang tabi. Isang malakas na kulog ang umalingawngaw sa kalangitan dahilan para bahagyang mapitlag ang batang malapit sa akin. Yakap-yakap nito ang tuhod at halatang nilalamig. Dinaluhan ko ang paslit at bahagyang hinagod ang likod niya, pero nagpatuloy lamang ang iba sa kanilang mga diskusyon.
“Tigilan mo na pagdadrama mo Nathan! Baka umulan ng malala at mas lalo tayong madehado!”
Nanginginig ang binatang nagngangalang Nathan bago aluhin ang sarili. Bigla akong namangha nang unti-unting magtago ang nangangalit na unos mula sa malalaking ulap na humaharang sa himpapawid. Habang nanatiling abala sa sarili ang bawat isa, kinuha ni Tate ang isang maliit na duffel bag sa gilid. Sinalubong ko ang kanyang tingin.
Binato niya sa direksyon ko ang kapit-kapit. “Everyone here has their own ration. Yan ang sayo,” Aniya bago sukbitin din ang kanya.
Hindi ako nagpatumpik-tumpik at agad na hinalungkat ang laman nito. Dalawang piraso ng tinapay, isang bote ng tubig, at isang tableta mula sa puno ng Asper ang nilalaman nito. Unang tingin pa lang ay alam kong hindi ito sasapat sa makakaharap naming sagupaan.
_____
TAKOT ang bumalatay sa kalamnan ko. Hindi para sa akin, kundi para sa mga kasamahan kong hikahos na tumatakbo. Hindi lahat ay may kakayahang manlaban. Gaya ni Nathan, Abegail at Mira. Mahina ang kanilang pangangatawan. Halatang kulang sa nutrisyon at wastong pangangalaga. Ako man ay hindi rin maganda ang estado ng kinalakihan, ang buhay ko naman sa kalsada ay hindi rin napunta sa wala. Marami akong natutunan. Mula sa mga krimeng kumakalat, hanggang sa paraan ng pamumuhay, lahat iyon ay nasaksihan ko sa murang edad pa lamang. Kaya alam kong matatag ang aking isip at katawan sa oras na ibagsak man ako ng malupit na tadhana.
"Sa oras na makakita kayo ng kalaban, wag kayong magdalawang isip na lumaban," Utos ni Savika, ang babaeng nakasagutan ko kanina. Nanatiling tahimik ang kapatid nitong si Abegail habang ako'y napabuga ng hangin.
Seryoso ba siya? Handa siyang patayin ang kauri niya?
Animo'y nabasa ni Savika ang isip ko, bigla siyang nagsalita. "Oo, dahil kung maaawa ako sa kanila, buhay ko naman ang mawawala,"
"Nakakabasa ka ng iniisip ng tao?"
Hindi siya umimik.
Bahagyang umangat ang labi ko. "Hindi na ako magtataka kung bakit mainitin ang ulo mo. Lahat ata kami ay tinatantya mo,"
Kumuyukom ang kamao nito. Lalapitan niya sana ako ngunit pinigilan siya ni Tate. "Dito pa talaga kayo magaaway? Umayos kayong dalawa. Lalo ka na bagong salta," Wika niya bago ako tapunan ng makahulugang tingin.
Hindi ko na lamang siya pinansin bago sinuyod ang masukal na gubat. Sanay na sanay ako sa lamig. Ito ang natatanging kagandahan sa kapangyarihan ko at sa lugar kung saan kami pinatapon. I had the advantage. All I had to do was think cleverly and calculatedly. Isang maling galaw ay baka buhay ko, pati nila ang kapalit.
"Watch out!"
Bigla akong nakailag nang sumigaw si Abegail. Tinignan ko ang dahilan ng kanyang pagaalburuto at nang makita ang bola ng apoy na ngayo'y tinutupok ang hilera ng mga kahuyan, napagtanto kong nagsisimula na ang tunggalian. Tinipon ko ang lahat ng lakas sa ikalawang kamay, matapos ay hinulma ang sandatang gawa sa yelo. Matalim at mapangahas ang armas, saktong sakto para sa labanan. Sa kanang kamay, gumawa ako ng kalasag. Hindi lang ako ang nagsimula nang maghanda, miski ang grupo ko'y naging abala sa kanilang mga angking kapangyarihan.
Si Mira na ngayo'y nasa likod ko ay nagsimulang maglaho. Ito lang ang kagandahan sa kanyang taglay na kakayahan, kayang kaya niya magtago para sa sariling kapakanan. Kung paano siya nahuli at nalamang Faun? Yun ay malaking palaisipan pa rin sa akin.
Sumalubong sa amin ang ulan ng apoy at pinagmasdan ko si Nathan na ngayo'y nanginginig. Sisigawan ko sana siya ngunit naunahan na ako ni Tate.
"Kailangan natin ng ulan Nathan!"
Nagangat tingin ito. Ang patpating mga braso ay nanginginig sa kanyang magkabilang gilid. "H-hindi ko kaya!"
"Nathan!" Sabay-sabay naming wika.
"S-susubukan ko!"
Hinawakan niya ang ulo at sinimulang bumulong sa sarili. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya ngunit wala akong oras para problemahin iyon. Saktong nilandas ng kalaban ang teritoryo namin, isang grupo rin ng Faun, na may dalawang malaking lalaki at tatlong babae ang namumuno. Ang isa ay fire breather. Kinuha ko ang tsansang iyon para harapin siya. Dahil alam kong ako ang matindi niyang kalaban.
Si Savika ang unang sumugod. Siguro nabasa niya sa kanilang utak ang pinaplanong atake kaya kinuha ko na rin ang oportunidad na sumalakay. Kinumpas ko na parang maestro ang hawak na yelong espada samantalang sinabuyan ako ng isang pader ng apoy. Pinalamig at pinatigas ko ang katawan, ang mga balat ay parang naging skinwalker mula sa bughaw na niyebe.
"Susunugin kita!" Sigaw nito sa akin bago ambahan ako ng isang bola ng apoy.
Malakas siya, aaminin ko ngunit nagkamali siya ng lugar. Minalas siya ng panahon.
Nang maramdaman ko ang nagbabadyang patak ng ulan, tumingala ako sa langit at ibinuhos ang lakas sa kalangitan. Bahagya akong napaso sa braso dala ng nagaalab na apoy ng kalaban ngunit naging kaagapay ko ang ulan. Huminga ako ng malalim at hinayaan dumaloy ang enerhiya sa bawat tubig ulan na makakasalamuha. Sa isang iglap, naging yelo, mapangahas at mabigat ang tila bala ng mga nyebeng bumabagsak.
Abala sa aking likod sina Tate habang ginagalaw ang bawat puno at lupa sa kanyang atas. He was an Earthling. Kayang kaya niya payanigin ang lupain at bigyang buhay ang mga nasa kapaligiran. However, his opponent was a perfect match. May taglay itong air manipulation prowess, at sa bawat tagis ng kanilang kapangyarihan, minamanipula ng kalaban ang direksyon ng bawat lupa, habang ang hangin ay tila ginawa nitong agos ng tubig. Batid ko ang sadyang paghaharapan. Batid kong sadyang ito ang daang pinili ni Abegail, ang aming Seer. Kulang man kami sa lakas, sakto lamang at nababagay ang aming mga kapangyarihan sa isa't isa.
Nagpatuloy ang aming paglalabanan. Saksi ang kalangitan sa salungatan ng dalawang oposisyon. Bagama't kayang kaya ko tapusin ang kalabang Fire breather, sa kaloob-looban ko'y nagaalala ako. Simula kanina hindi ko na nakita si Mira. At natatakot akong may makaharap siyang ibang grupo. Dala ng pagka-okupado ng aking isip, hindi ko namalayan ang hanay ng apoy na tumama sa aking binti.
"Agh!" Napahiyaw ako nang mapaso ang balat ko.
Kailangan ko na itong tapusin. Kung gusto ko mahanap si Mira!
Sa aking gilid, bugbog sarado si Nathan mula sa katunggali. Akmang sasaksakin na ito ngunit nang sigawan ko siya, tila nabuhayan ang kanyang loob. Iminuwestra niya ang kamay at sa isang iglap, tumama ang boltahe ng kidlat sa nakataas na espada ng kanyang katunggali. Nangisay ito sa elektrisidad at tuluyang bumagsak sa lupa.
"Nathan! Kailangan ko ng tubig!"
Tumango ito sa akin bago magsibagsakan ang nangangalit na unos. Gamit ang aking makakaya, sinubukan ko uli gawing yelo ang patak ng tubig ulan.
"Akala mo hahayaan kong gawin mo yan!? Kabisado ko na galaw mo!" Ani ng kalaban ko bago gumawa ng sarili niyang limlim na gawa sa apoy.
I smiled. "Not everything," Ani ko bago lumuhod. Sinimulan kong pagapangin ang yelo sa mamasa-masang lupa at naaabutan ko rin sa wakas ang kanyang mga biyas.
Nagsisisigaw ito habang unti-unting gumagapang sa kanyang katawan ang lamig na taglay ko.
"Fae! Si Mira!" Rinig kong utos ni Tate matapos niya pabagsakin ang kanyang kapares at tulungan ang duguang si Abigail.
"Oo alam ko!"
Hindi mo na kailangan sabihin.
Kumaripas agad ako ng takbo matapos ko tapusin ang kailangan tapusin. Bawat punong nadadaanan ko'y pinagmamasdan ko ng mabuti. Sinisigaw ko ang pangalan ni Mira, ngunit hindi ganon kalakas. Ayokong may makarinig sa amin at ayokong makaakit ng isa pang kalaban. Kakatapos lang ng aming labanan kaya wala kaming lakas na maihaharap.
"Mira!" Hiyaw ko muli habang tumitingin-tingin sa kapaligiran. "Mira!"
Nakarinig ako ng bahagyang kaluskos. Awtomatiko kong itinaas ang kamay, handang lumaban sa ikalawang pagkakataon bagama't pagod na pagod at ubos na ang aking enerhiya. Sa halip na hayop o kalaban ang lumabas mula sa mataas na talahiban, bumuga ako ng hininga matapos masilayan ang bulto ng batang hinahanap ko.
"Mira," Ani ko sa kanya bago siya hagkan ng yakap.
Bahagya itong umubo sa aking balikat dahilan para pasadahan ko siya ng tingin.
"Anong nangyar—"
Nahinto ako sa kalagitnaan ng aking sinasabi. Sa kanyang puson, may nakatarak na maliit na bakal. Mula sa kalaban naming naghuhulma rin ng sariling armas.
Sa halip na daluhan ang kanyang sugat, natameme ako sa nakitang dugong umaagos. No. It was impossible.
Pula ang kanyang dugo. Pula.
Kaming mga Faun ay kulay tubig ang dugo. Wala kaming konsepto nito. We were born to be an enigma. Isang palaisipan, pero sa pagkakataong ito, ang batang kaharap ko'y mas gumulo sa aking iniisip.
Tao siya. Hindi Faun. Isang mortal!
Bakit may kapangyarihan ang isang mortal na gaya niya?
"Mira...p-paano ka nagkapangyarihan?" Hinawakan ko siya sa kanyang balikat at bahagyang niyugyog.
Napangiwi siya sa ginawa ko at naluha. Gusto kong mahiya sa ginawa ko pero gulat na gulat ako sa nasaksihan ko.
Dala ng aking mahigpit na kapit, tuluyang bumaba ang manggas ng kanyang kasuotan. Sa kanyang balikat, nakaburda ang numero at salitang: Experiment 16.
"A-ate! N-nasasaktan ako..."
Agad akong napabitaw.
Kung ganon, ang mga panalo...hindi. Ang mga Faun na inilalagay sa arena. Ang mga kapangyarihang kinukuha nila mula sa amin. Ang kadahilanang bibigyan kami ng magandang buhay ay isa nga lamang malaking kasinunggalingan.
They aren't going to free us. They never did. Kinukuha nila ang aming biyaya, ang aming kapangyarihan, at pilit...pilit pinapalakas ang kanilang hukbo.
Sa kagustuhan maging malakas, maging tulad namin, isa-isa nilang inuubos ang aming lahi at kinukuha ang aming kakayanan.
Sinapo ko ang ulo ko sa mga nalaman.
Hindi dapat malaman ng mga tao ito. Hindi dapat nila malaman, na nagwagi sila sa kanilang mga eksperimento.
Kung hindi, wala na kaming pagasa lumaban pa sa kanila miski sa mga susunod na henerasyon.
We can never rise from the ashes, not with this revelation.