Napabalikwas ako ng gising ng magkaroon ako ng masamang panaginip sa asawa ko. 2 months ago namatay ang asawa ko ,Ina ni Elisa. At halos magiisang buwan na akong nagkakaroon ng mga pangit na panaginip na kasama ko ang asawa ko ,duguan at walang buhay. Pinatay ang asawa ko at binuhusan ng asido ang katawan nito at natagpuan ko nalang na nasa isang basurahan ito ng bahagi ng village na tinitirahan namin. Bumaba ako mula sa taas dahil nasa 2nd floor ang parehong kwarto namin ni Elisa. Nais ko sanang uminom ng tubig dahil parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko kaya't pakiramdam ko ay tuyong-tuyo ito. Binuksan ko ang ref at kinuha ang babasaging pitsel namin ,kumuha ako ng isang clear drinking glass ,at sinalinan ito ng tubig na malamig. Pagkainom ko ng tubig ay napatitig naman ako

