Ugh! I hate this! Bakit kasi ang ikli ng skirt namin. Usually, I'm wearing this with pants beneath pero hindi ako pinayagan ni Mom! Tapos ayaw niya pang paiklian yung buhok ko 'e mukhang aabot na hanggang pwet. Mukha daw akong tomboy kaya hindi ako nagkaka-boyfriend. Well, I don't need one, kaya ko ang sarili ko.
Crossed arms ay naglalakad akong nakabusangot.
"Girls, look! She's a girly girl now."
"See, sabi sa inyo bagay sa kanya."
"Yeah, she looks prettier than before."
Iyan ang mga naririnig kong bulong-bulongan sa paligid. Simula nung pumasok ako ng gate ay walang tigil silang bumabati sakin. The others were saying na bagay daw sa akin ang porma ko.
Mula sa kinatatayuan ko ay nakikita ko na sila Hendery kasama ang troupe. Kumakaway na parang mga tangang nakikipag-unahan para makasabay sa akin. Parang wala lang ginawang katarantaduhan ah.
Napangiti ako in the thought na buhay pa ang mga ito sa kabila ng mga ginawa nilang kagagohan nung wala ako. While I was out of the country, nabalitaan kong puro g**o ang inaatupag ng mga kumag.
"Dude, welcome back!"
"Wohoi, ang laki ng pinagbago, Boss."
"Akala namin iniwan mo na kami nang tuluyan."
Sinalubong nila ako at binati isa-isa.
"Woah, y'all are taller than me now. Good job!" papuri ko. Ngiting aso naman ang mga unggoy. Wait, what? Aso na unggoy?
"Missed me?" nakangiting tanong ni Hendery. Sumulpot siya sa harap ko out of nowhere and opened his arms as if yayakap ako sa kanya.
We all gave him a disgusted look at nilampasan siya. Padabog naman itong sumunod.
"Umay, para naman kayong others. Pangit niyo ka-bonding." Reklamo niya sa likod ko.
Pinagitnaan nila ako at nag-astang body guards ang mga abnoy. Si Lucas may pa hawak-hawak pa sa tenga sabay tango na parang may natanggap na command. Yung iba kini-clear pa yung path na dinadaanan ko. Mga gago, puro kalokohan talaga. Nakakahiya tuloy kasi yung mga students napipilitang tumabi. Napa-facepalm na lang ako, namiss ko rin naman 'to.
Hinatid nila ako sa room nang ganoon ang ayos. Nang malapit na kami ay biglang sumeryoso ang paligid, maging sila Ten na nasa harap ay tumigil. Umasta akong lalapit sana nang pigilan ako ni Lucas. I looked at him, giving a "It's fine, I can handle this" look at pumunta sa harap.
I tapped Ten's shoulder para tumabi siya. Dahil madaming students ang nasa harap, tumabi ang mga ito and I saw a group of boys na naka-pyramid form. Lame, mukha silang girl group na naka-standby at ready na sumayaw. Pfftt... Gusto kong matawa kaya natawa ako.
"What? Could y'all please get out of our way? Wag kayong paharang-harang kung saan. Ano ginagawa niyo? Sasayaw ba kayo?" I asked nicely. As i have said, ayoko ng g**o. Iiwas ako kung kailangan.
As I step forward, inoobserbahan ko ang galaw nila. I raised a brow when I noticed they didn't even move a single step. Kahit maliit lng na space kung saan pwede kaming dumaan, okay na sana pero wala eh.
Wala pa ring imik ang mga estudyanteng nasa paligid. They we're watching us na parang nanonood ng suspense na movie.
Binigyan ko sila ng ilang minuto para tumabi pero ngumingiti lang ang mga ito na parang nang-iinis. What the f**k is wrong with them.
"Okay, that's it. Anong kailangan niyo?" I'm done with this nonsense. Hinarap ko ang lalaking nasa gitna nila na may black eye at mga galos sa mukha. Sumunod naman ang mga nasa likod ko.
"We just wanted to welcome you, Aqua Altair." He said, smiling like a fool. Mas matangkad lang siya sa akin ng 6 inches pero yung tingin niya nasa ilalim as if ang liit ko.
"Thank you, then. Pwede na ba kayong tumabi? I'm asking nicely." I said with a tone. Please lang, ayoko ng g**o.
Tumango-tango ito na nakatingin sa taas while his hands placed on his chin na parang nag-iisip. Mukha siyang tanga.
"HAHAHA!" he laughed at sumunod din ang mga alipores niyang nasa likod. "Not that fast, Altair. Hindi mo na ba ako naaalala? Ganun na ba ako kagwapo kaya hindi mo ako mamukhaan?" he asked with arrogance in his ugly a*s face.
I examined his face and it's somehow familiar. Kumunot ang noo ko, napaisip kung saan ko nga ba nakita ang mukha niya?
"It's Triton, yung dugyot na nakaaway natin dati na taga Castillo." Hendery whispered from the back.
Oh... That weakling who is the main reason why I was sent away. What a nice welcome.
"Remember me?" epal niya.
"Yes, of course. Bumagsak na ba ng tuluyan yung school niyo kaya ka lumipat dito?" I said, mocking him. Pero ang mokong tumawa lang, sinenyasan pa ang mga kasama niyang tumawa din.
"Bobo lang, look at what you're wearing, idiot!" Did he just called me idiot? I looked at my uniform and noticed that it was red. Ours was blue, so what the f****d happened? If I'm not mistaken, ito ang building namin. Hindi kaya...
"Dude, we're asking nicely. Pwede bang padaanin niyo na lang kami." Pakiusap ni Johnny.
"Chill, gusto ko lang na malaman ng boss niyo na simula nung umalis siya ay binili namin ang school nila kaya wala na siyang karapatang maghari-harian dito. You heard me, right?" Pagmamayabang niya.
I was looking at his face and suddenly remembered. It was the drunk boy last night! Oh, what a great day. Nasa akin pa rin ang alas, boy!
Grinning, I walked closer and gently grabbed her neck tie. He seemed intimidated kaya he accidentally leaned closer as I pulled her tie.
"You were really heavy last night, boy." I whispered huskily. He immediately moved and grabbed my wrist. I tried to revoke my hands pero he's really strong.
"Hoy! Saan mo siya dadalhin?" narinig kong sigaw ni Hendery.
"Habulin niyo! Bilis!" sigaw ni Ino.
"You moron! Let me go! Gusto mo bang magkasakitan pa tayo dito?" I threatened him. Pero he's still dragging me hanggang paakyat na kami ng stairs. Is he taking me to rooftop? f**k.
He throwed my hands aggressively when we arrived. Tumalikod ito at hinilamos ang mukha na parang stress na stress. Hindi pa siya mapakali at pabalik-balik na naglakakad.
"What the f**k? Did you just dragged the way out of me here para panoorin kang magdrama?" I asked.
"Shut ip! Don't you dare na ipagkalat ang nangyari kagabi or else hindi maganda ang pags-stay mo dito." He said, finally faced me.
Parang anytime luluwa na ang mata niya.
"Hmm... Let me think about it." I gestured exactly what he did kanina.
"What the f**k?!" Asik niya sa harap ko. Para siyang kumukulong tubig sa itsura niya ngayon.
"Why the hell would I do that? It's not that easy, Callisto. Wala nang libre sa mundo." I said, laughing. Konti na lang talaga parang sasabog na siya.
"Damn! Bakit ang hirap mo pakiusapan?! Then, what do you want? Pera ba?!" Naiinip na tanong niya. Halos magwala na siya dito sa harap ko. Bakit parang baliktad? Ganito ba humingi ng pabor? Parang siya pa yung galit ah.
"Uhm... I just want you to do errands for me. Simple as that." I spit out on the side.
Hahaha... Nakakatawa yung mukha niya, promise. Nakakunot yung noo na parang nagsabi ako ng pinakaimposibleng bagay.
"Are you f*****g kidding me right now?" He muttered in disbelief.
"No, I'm not." I answered.
"Errand boy? To you? In no f*****g way, I swear!" Nakapamewang siyang nagsisigaw ngayon sa harap ko habang ako ay crossed arm na inip-inip na kakatayo.
"Ok." As simple as that ay tinalikuran ko siya at humakbang paalis.
"Stop! I'm not yet done with you!" Sigaw niya. Hinarang niya ako. Pambihira, napairap na lang dahil sa inis. Wala ba siyang plano umalis dito? Ang init-init tapos ilang minutes na lang time na.
"Accept it or not, that's the offer." I said. Nilampasan ko na lang siya at nakaiwan siya doong nakatayo.
"Ok fine, but only for one week." Habol niya nang makababa na ako ng hagdan.
"No way, dude. It's one month and half." I disagree.
On our to the way to the classroom, puro tawad ang inaatupag niya. Kinukulit niya ako hanggang three weeks na lang ang naging agreement namin.
"Uy! Bakit kayo magkasama ni Triton? Kala ko ba you two are mag-kaaway." Krisha asked. My conyo friend na sobrang arte.
"Wala." I answered.
"I smell something fishy ha." Dugtong ni Xia na nasa harapan namin.
"It's mine! My baon is sushi, do you want some?" Nakangiting sabi ni Maureen at kinuha ang lunchbox na nasa ilalim ng mesa niya.
"HAHAHAHAHA" tawa naming tatlo. Si Mau nakitawa rin na parang gets niya kung bakit kami tumawa. Shunga lang.
"Mau, ibang fishy yung sinasabi ko hindi yung fishy na isda." Paliwanag ni Xia. Tumango lang si Mau at binalik ang lunchbox niya sa dating pwesto.
Maya-maya pa, dumating na yung teacher namin kaya tumigil na kakadaldal yung tatlo.
***
"Oo girl, tapos alam mo ba popormahan pa sana ako ni Jae, tinakot ko lang na isusumbong ko siya sayo." Kwento ni Krisha.
Lunch break namin ngayon at naglalakad na kaming apat papuntang cafeteria.
"Aqua!" sigaw ni Lucas. Tumigil kaming apat at lumingon sa kanila. He's with the whole group. Naglalakad patungo sa amin while their hands on pockets at papoging naglalakad.
"Bilisan niyo, para kayong mga tanga." Komento ko at lumakad na.
"Basag ng trip." parinig ni Win na pasimuno ng kalokohan.
"Uhm... Aqua." Xia tapped me as we were about to enter the cafe.
"Yes?" I answered.
"Ano kasi... Our table was owned by Triton and his friends na since you left but we already found a new one at hindi din naman crowded yung place. You'll like it for sure." Paliwanag ni Xia. I know ayaw talaga nila akong masali sa g**o.
"Don't worry, we'll take what's ours at promise, hindi ako gagawa ng gulo." sabi ko, calming them down. Ayaw ko kasing madaming tao pag kumakain. Nawawalan ako ng gana.
"Ok" sighing, she said.
"At kayo." Nilingon ko ang grupo. "Walang sasali ha, pumunta kayo sa table niyo." Sabi ko. Tumango-tango lang sila at humiwalay sa amin.
Nasa entrance pa lang ay nasa amin na ang atensiyon ng grupo nila Triton. Para talaga silang girl group sa ayos nila. They were trying hard to intimidate us pero they just look stupid.
"Excuse me, this was our table." smiling I said.
"Woah... Woah... Since when?" The fat one asked. Their whole squad were smiling like idiots trying to look cool.
"Since elementary. Now, will you all please leave? Masamang ginagalit ang gutom." I answered while looking at their dumb leader na ngayon ay nakatingin na sa akin. I looked at him with do-what-I-said-or-else look.
"Bakit? Nakapangalan ba 'to sayo?" Banat nung isa na hindi ko kilala at tumawa silang lahat. I don't know what's funny kasi parang hindi naman nakakatawa. Yung mukha siguro nila.
I grinned, looking at them. Lumingon ako sa mga students na nanonood sa amin. Lumapit ako sa mga nerds na nagbabasa. "Hi, can I borrow this?" I asked while showing a marker I picked from their table.
"S-sure." She answered. I smiled and walked back on the dumbasses. I wrote my name on the edge of the table at may pirma ko pa yan ha. Natulalan naman sila na parang hindi makapaniwala. Oh ano, taob kayo ngayon mga hunghang.
"There..." I tapped my name on the table. "Pangalan ko lang pala ang hanap niyo, 'bat di niyo sinabi agad." I said sarcasticaly.
"Hey, you! Clean that damn table and leave." Sigaw ni Callisto sa lalaking nakaupo sa mesang medyo malapit sa table namin. Nataranta naman agad yung lalaki at nilinis yung table.
"No, sit down. You were there first kaya diyan ka lang." Pigil ko sa lalaki. Sumunod naman siya at umupo ulit. Hesitant pa siya umupo kaya hindi siya naka-totally upo talaga. Takot ata kay Callisto the dugyot boy.
"No, do what I said." Matigas niyang sabi. Nasa harap ko na siya ngayon at sinusubukan ang pasensiya ko.
"No, stay."
"Leave."
"Stay."
"Leave."
"Ano ba! Humanap kayo ng inyo! They were there first so sa kanila yan." I shouted right at his face. Konti lang pasensya ko, mas lalong kumukonti kapag gutom.
"f**k!" He hissed and stomped the way through the empty table far from here.
"Boss!" Napakamot ulo naman ang mga kasama niya at sumunod na lang.
I smirked at umupo na. Grabe, kunot na kunot yung noo niya. Nakakatawa pero wala ako sa mood tumawa.
"Wow, how come napasunod mo siya?" Krisha asked. Chismosa as always.
"Can you make kwento what happened when he grabbed you away?" Pahabol ni Xia.
"Yeah, we saw it." Maureen said.
"Take it easy, we just talked. Natakot lang siya sakin kaya sumunod." I answered.
"Miss Aqua, usual order ba?" The waitress came and took our order. Awesome, she still remembers me.
"Yes, please." I answered, smiling. I like thoughtful people, they're rare to find. My mom's an example.
Our order came and we ate quietly. I'm starving so I don't have time para sumali sa daldalan nung tatlo. Puro tango lang ang ambag ko sa usapan nila.
After that, bumalik na rin kami sa room. I took a nap while the three went outside to take a walk. To burn calories daw, mga takot tumaba. Bumalik sila nung nagring na.
The class went by fast. Puro introduction lang naman ang ginawa namin. Nakakaumay nga parang ang sarap mag-cutting.
"Ma'am, may I go?" I said, raising my hand. She just nod and I took my leave.
I walked straight into my secret fave place. Sa likod ng maintenance room na nasa likod ng gymnasium. It is were I always smoke. Even the boys didn't know this masterpiece.
"Oh shit." I hissed. My eyes widen as I dropped the pack of cigar on the ground. Napahinto ako at napahawak sa dibdib ko ng dahil sa gulat.
"Oh? Bakit gulat na gulat ka?" Triton said and huffed a smoke. Nakasandal siya sa pader habang ang isang kamay ay nasa bulsa at ang kabila ay may hawak na sigarilyo.
I got myself up at hindi na lang siya pinansin. I was just too shocked kasi for over 7 years ngayon lang may nakadiskobre ng lugar na 'to except sa akin.
Pumwesto ako sa spot ko at sumandal din sa pader na hindi ganun kalayo sa tukmol na kasama ko ngayon. I was here just to smoke, wala nang iba.
Kinapa ko ang bulsa ko to get my lighter but my bad, I forgot.
"Lighter?" Triton offered at nilahad ang lighter niya. I was about to reach it but tinaas niya pa at binelatan ako.
And remember thinking, I'm about to beat this b***h up.
Lumapit ako and without notice, tinapakan ko ang paa niya. "f**k b***h that—Ow!" He screech in pain as he was holding his feet.
Pinulot ko agad ang lighter na nahulog sa sahig at nagsindi.
"I don't play games, sorry." I said, not giving a damn. He stopped jumping around and overeacting like it hurts really bad kahit hindi ko naman nilakasan ang pagtapak sa paa niya.
"Konti na lang talaga mauupakan na kitang bruha ka!" He said and took his leave. As if naman kaya niya ako.