"I'm so fvcking sleepy." Sabi ko bago sumobsob sa desk.
"Jusko, lagi ka namang inaantok." Angal ni Nica.
Maya-maya pa pumasok na ang P.E. teacher namin.
"Okay class, change into your P.E. uniforms at pumunta sa ground. Bilisan niyo kumilos, we don't have much time."
"Yes, sir." Sabay-sabay naming sagot.
*Yawns*
"Hoy! Ano? Matutulog ka na lang diyan, Aqua?" Tanong ni Lara.
Tumayo na ko at sumabay sa kanila papuntang locker room.
"Ano ba yan! Bakit naman kasi second period yung P.E. natin? Ang duga ng teachers." Reklamo ko.
"Sus, reklamo ka pa diyan. Di ka nga nagpa-participate sa mga activities 'e." Dami talaga alam nito'ng si Elaine.
"Oo gaga, manahimik ka."
"HAHAHAHAHHAHAHAHA." Tawa nilang anim. Hayaan niyo lang, mga baliw yan.
"Please form your line into two boys, and two girls. For our first activity, we're going to play touch football. Touch football is played year-round, offering training and games for all levels. It's a fast-paced, non-contact game which improves aerobic fitness and builds speed, agility, strength and hand-eye coordination, as well as promoting teamwork."
Whatever....
"I will group you all into two. And each of you boys will pick a girl to protect in your team, Got that? Yung kagrupo niyo lang babae ang piliin niyo. First line and third line, kayo and team blue. And the rest will be team red. You need to protect your partner at all cost dahil kapag na touch sila ng bola, the both of you will be out of the game. One partners will win and will get the highest score."
OMG OMG
Magkagrupo sila ni Triton at Crystal. Fortunately, nasa team ko si Gio. Hoping lang na walang pumili kay Crystal, alam naman na siguro ni Trey ang dapat gawin.
"Junnieboy! Come here, mah bebe. Ako ang poprotekta sayo! Hahaha..."
"Hahaha... Ano na naman gagawin mo kay Junnie, Aqua?" Tanong ng echosera ko'ng classmate.
"Sasakalin, bakit gusto mo ikaw na lang?" Ayun tumakbo palayo ang gaga.
"Junnieboy! Wag mo ako iniistress ha. Come here na! Choosy nito, para ka'ng others." Hindi ko naman siya aanuhin! Ang ganda-ganda ko tapos matatakot siya sakin.
"Sige try mo ko saktan, susumbong talaga kita kela tito." Bakla.
"Siraulo! Poprotektahan nga kita!" Ayan tuloy, naano ko.
"Okay, get ready."
"1..."
"2..."
"3..."
"GOOO!"
Ako ang nasa harap ni Junnieboy imbes na siya. Wala lang, hindi ko gustong pinoprotektahan ako ng iba. Nasa kabilang team ang bola.
"Put both of your hands on my shoulders para hindi ka makalayo sakin." Payatot pa naman 'to.
The other team started to throw the ball at dahil nasa center kami. Kami ang unang tinarget nila. I easily caught the ball. Kumuha ako ng timing at binato iyun sa mga tingin ko'y medyo malakas humagis.
"Aw!" Sigaw ni Lia, maarte yan. Ang hina ngalang ng pagkahagis ko 'e.
"One down."
"Whooo! Baka Aqua namin yan." Sigaw ni Lara. I winked at her and she gave me a thumbs up.
The game continued hanggang two partners na lang ang naiwan. That's me and Triton on the other team. Sinadya ko naman na ipaiwan sila 'e.
"Sumuko ka na lang boy, pinapahirapan mo lang sarili mo." Sabi ko kay Triton na seryosong-seryoso, hahahaha....
Yun oh, parang nag-eenjoy na si Crystal sa likod ni Trey ah. Suddenly, may naisipan akong plano. Sinenyasan ko si Triton na ibato sa right side ko dahil sa left ako tatabi. Para pag sila manalo, siguradong matutuwa si girl. At... Alam niyo naman siguro kung paano matuwa ang mga babae.
*Bell rings*
"Okay! Dahil naabutan tayo ng recess, ang dalawang natirang pair ang ating winners. Class dismissed!"
"OMG, WE WOOON!" Crystal shouted and accidentally hugged Triton. Nagulat naman si boy, shutaness parang ewan itsura ni Trey. Hahahahahaha...
Oh diba! Basta plano ni Aqua, walang titibag diyan. Tabi, dadaan ako.
"Oh, nasaktan ka ba? Parang tanga eh, walang tiwala sa pinsan." Sabi ko kay Junnie, ayun napahiya.
Pero bumitaw din agad cause she saw Gio staring at them. She cleared her throat at nagpasalamat ulit kay Triton for protecting her. Triton looked at where Crystal went at nakitang papunta ito kay Gio. Nag-iwas lang ng tingin ang mokong at pangisi-ngisi.
"Aqua!" Sigaw ni Triton kaya nilingon ko siya. Pupunta na kaming snack bar.
"Oh?!" Sigaw ko dahil medyo malayo na kami sa ground. He gave me a fvcking thumbs up and a big wide smile. Yun lang?!
"Ulol! May bayad 'to!" Aba, ano siya gold?! Wala nang libre sa mundo mga pre.
"Anong bayad yan ha, Aqua?! Hindi namin knows na nagkamabutihan na pala kayo niyang mortal enemy mo?" Pang-aasar ni Elaine. Ugh! Nasusuka ako, please stop this kagagohan.
"Yieeee...." Dugtong naman nung lima.
" Mandiri nga kayo! Mga gaga, tigilan niyo ko kung gusto niyo makarinig ng chika." This is the only way to shut them up.
"Ows... Okay po, sabi mo eh." Lara said.
Bumili lang kami ng snacks at bumalik agad ng classroom. Grabe, 30 minutes lang ang recess namin.
"Nagtatampo na talaga ako, sina Kale lang yung nilibre mo! Pano naman kami?" Reklamo ni Nica sakin. Kinwento daw sa kanya ni Cypher, isa sa mga tropa ko.
"Oo nga, palagi mo na lang kami nakalimutan." Dugtong naman ni Leigh. Mga patay gutom, gusto lang talaga magpalibre ng mga yan.
"Oo na, gusto niyo lang naman talaga magpalibre. Magdadrama pa kayo, hahaha..."
"After school ha! Libre mo kami sa boulevard, YEYYY!" Parang tangang sumasayaw si Lara sa gilid.
"Aqua!" Sigaw ni Kale at hinagisan ako ng strawberry milk. Hahaha... Hindi yan makapasok ng classroom namin dahil magkaaway sila ni Triton. Kaya nga di sila makachika sakin dito sa loob. Minsan ako na lang pumupunta sa classroom nila.
"Thanks!" Pasalamat ko at dumiretso na siya sa classroom nila.
"Aqua! Ano pala yung chika mo?" Ay shet, sasabihin ko ba sa kanila? Baka kasi asarin na naman nila ako tuwing makita nila kami ni Triton na nag-uusap.
"Ok fine, kailangan ko din naman ang mga tulong ninyo. Pero wag dito, mamaya na lang doon sa boulevard. Baka may makarinig sa usapan natin."
Bulong ko. Hahaha.... Basta talaga chika, napakaseryoso ng mga 'to.
Maya-maya pa, dumating na ang teacher namin for Science. Kaya bumalik na kami sa mga seats namin.
"Mr. Callisto? Mukhang may sariling discussion kayo diyan ah?" Nagse-sketch ako sa seat ko nang biglang tinawag ni Miss Villa si Triton.
"Yes ma'am?" Sagot ng mokong at tumayo.
"What is linear and projectile motion?" Miss Villa asked.
"Uhm, ahem..." Kinuha niya yung libro ng seatmate niya. Hahaha... Parang tanga yung itsura niya.
"HAHAHAHAHAHA" Shuta di ko mapigilan. Hala, potangina naman.
"Miss Altair, can you help Mr. Callisto? Parang alam mo naman ang answer." Buti na lang nakikinig ako kanina.
"Linear motion involves an object moving in a straight line in one dimension, like a car driving on a perfectly straight road, while projectile motion involves two dimensions, like a cannonball firing."
Tabi, ako na.
"Wow, I didn't expect that from you Miss Altair. Anyways, you both can sit down." Kawawa, napahiya ang loko.
*Bell rings*
LUNCH TIME NAAAA
"Naks, nakikinig ka na pala ngayon?" Tanong ni El. Nasa cafeteria kami ngayon, kumakain ng lunch.
"Ako lang 'to." Nakangisi ko'ng sabi.
Argh... I'm starting to crave for the strawberry milk again. Ay shutaness, may alalay pala ako. Muntik ko na makalimutan.
"Hoy, bakla! Buy me a strawberry milk on the snack bar, kunin mo na lang bayad ko dito." Message sent to Chakang Ballpen.
"Fvck you." Reply niya. Hahaha...
Padabog siyang lumabas ng Cafeteria, nagtaka naman mga kasama niya.
"Anyare dun?" Tanong ng chismosang Nica.
"Inutusan ko, hahaha..." Sagot ko.
"Ay, iba din."
"I smell something fishy." Panunukso ni Lara. May pasinghot-singhot pa ang gaga.
"Mamaya ko nga lang ichichika."
"Ano ba yan! Pasuspense pa ang gaga. Nagising tuloy mga hormones ko." Reklamo ni El
"Weh? Meaning nga ng hormones." Sabat naman ni