Carmela's POV Maaga ako ngayon nagising para mag-ayos ng aking sarili. Tiningnan ko rin ang lahat ng appointment scheduled ko para sa araw na 'to, kahit pa alam ko na si Chris lang ang sadya ko ngayon. Pagkatapos ko ay binaybay ko na ang daan papunta sa mansyon ng mga Monreal, dahil ngayon ang kasal ng mang-aagaw na si Amara at ni Chris. "Mukhang masyado pa akong maaga ha." Naabutan ko ang ilang mga staff at si manang na nag-aayos ng mga bulaklak dito sa labas ng entrance. "Good morning po ma'am Carmela." "Good morning din manang. Ngayon pa lang kayo mag-aayos ng mga bulaklak?" "NiIalagay na po namin sa mga plastic ma'am. "W-what do you mean?" "Hindi po kasi namin kaagad nalinis sa dami po ng aming ginawa. Napakarami rin po kasing bisita kahapon sa kasal ma'am." "A-ano manang? T-t

