Chris POV Pinaghahanap na ngayon si Jenna ng mga kapulisan. Mautak lang ang isang 'yon dahil sinira kaagad ang telepono niya kaya nahirapan na siyang sundan ng mga awtoridad. Hindi pa man ganap siyang nahuhuli, pero kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam ko dahil sa alam ko na kung sino man ang totoong may sala. Nakaupo ako ngayon at pinagmamasdan si Amara habang natutulog. Nagkamalay na siya at nagpapahinga na lang ngayon. Napansin kong ginagalaw galaw niya ang kaniyang ulo kaya napatayo ako kaagad para kausapin siya. "Hey, okay lang? Gusto mo bang magtawag ako ng doctor?" "H-hindi okay lang. Mukhang hindi lang talaga maganda ang panaginip ko." "Ano ba napanaginipan mo?" "Hinampas daw ako ng -- paddle." "Ano? Sino naman ang gagawa niyan sayo? Tsaka lagi na ako sa tabi mo, asawa

