CHAPTER 53 AMBER DINALA ako ni Jaromir sa isang classic restaurant. Vintage ang theme ng buong resto. It looks really nice. Maganda rin ang atmosphere ng paligid. May iilan ding interior designs na mukhang mamahalin kahit na luma na. And as well as their menu. Ngayon ko lang natikman ang iilan sa kanila at kahit bago sa aking panlasa, masarap ito. Sa tingin ko ngaʼy magiging isa sa mga paborito ko itong lugar. "Nakatira ka pa rin pala sa puder ng lalaking iyon?" he asked suddenly that I didn't expect him to asked that question. Uminom muna ako at saka pinunasan ang labi gamit ang table napkin sa aking hita. Tumingin ako sa paligid. Iilan lang din ang kumakain dito, at abala sila sa kanilang mga pagkain at saka ko ibinaling muli ang tingin kay Jaromir na naghihintay ng aking sagot. "Y

