CHAPTER 55 THIRD-PERSON’S PoV “Ate Amber!” Mabilis silang napalingon dito at agad na nakita ang isang dalaga na tumawag sa kaniyang pangalan. It wasn’t just someone dahil ang tumawag sa kaniyang pangalan ay walang iba kundi si Elodie. Kumakaway ito sa kaniya habang may ngiti sa labi nito. “Do you know her?” Paolo asked. “Yes. Mag-order ka na at sa kanila tayo pupuwesto,” she said and leave Paolo alone. Agad naman itong sumunod sa kaniyang gusto. Ngumiti siya nang makalapit siya sa puwesto nina Elodie at nang Yaya nito. She’s wondering what are they doing here. Malayo ang Camiguin Island. Naalala tuloy niya kung papaano sila nagkakilala ng babae. ANG paalam niya kay Paolo ay pupunta siya sa isang business trip ngunit nagkakamali ito dahil nais niyang makilala kung sino ba talaga si E

