CHAPTER 57 AMBER “Mom!” Mabilis na lumapit si Paolo kay Adeline na aakmang sasampalin akong muli. Bakit niya ito pinigilan? Kung hindi niya ito pinigilan ay baka nasampal na naman ako nito pero hindi ko na siya papayagan pa. Hindi ko lang naihanda ang sarili ko kanina nang bigla bigla ako nitong sampalin. "What now, Paolo?!" She glared at her son as she look at him. “Alam mo bang nagsisinungaling lang 'tong babaeng ito?!" dagdag pa niya habang nakaduro sa akin. Muli siyang tumingin sa direksiyon ko at sinamaan na naman ng tingin. I didn't show her that I'm scared because I'm not. Hindi na ngayon. Kaya ko na siyang labanan, silang lahat. I'm standing what is right. Alam ko kung ano ang tama at iyon ay ang pagbayarin sila sa lahat ng mga kasalanang kanilang ginawa. "What do you mean Am

