CHAPTER 64 AMBER Isang Linggo na rin pala ang nakalilipas nang mag-eskandalo rito si Adeline. Isang Linggo na araw-araw akong nag-iingat dahil kilala ko ang babaeng iyon. Hindi marunong tumanggap nang pagkatalo. I know how evil she is, but no matter what, I won't allow her to hurt my family. "Malalim yata ang iniisip mo." Napatingin ako rito at tumambad sa akin si Mommy Brooklyn. She sat down right beside me, with a cup of tea in her hand. Inilapag niya iyon sa center table at saka tumingin din sa akin. "I was just thinking about our safety," I answered, and that's the truth. Simula nang bumalik ako upang ipaghiganti ang kawalanghiyaan ng babaeng iyon, seguridad na ng pamilya ko ang una kong iniisip. Ang daming possibleng mangyari. Kahit ipakita ko pa sa kanilang hindi ako natatakot,

