THE TRUTH After what happened yesterday hindi ko na ulit nakita si Nicol. Hindi na rin ako nakakapunta sa band room dahil wala na rin naman akong dahilan para pumunta doon. Napupunta pa rin akong rooftop pag wala ako magawa at nagbabasakaling makita ko siya pero wala din. “You miss him?” tanong ni Crystol. Nandito ako sa veranda ng kwarto ko. Weekends ngayon kaya naman wala kaming pasok. “Who?” maang na tanong ko. “Nicol?” sagot niya. Tinignan ko lang siya dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Natawa naman si Crystol. “I guess you really miss him. Why don’t you call him?” “For?” walang ganang tanong ko. “Wala lang. To explain things?” sabi niya “Bakit kailangan kong mag-explain sa kanya?” “Hmmm. Because he likes you? And you like him? Or should I say y

