Kinabukasan... habang naglalakad ako papasok ay nagulat na lang ako, nang biglang akong sinalubong ni Candice at hinila sa kung saan.
"Saan ba tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko kay Candice habang hila-hila niya ako.
"Basta, sumunod ka na lang," sagot niya sa akin.
Naipaikot ko ang aking mata at sumunod na lang sa kanya. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Basta sumunod lang ako sa kanya, patungo sa likod na kung saan matatagpuan ang gubat. Pumasok kami sa gubat, lumingon-lingon ako sa paligid upang makiramdam. Kakaibang aura ang nasa paligid, pero iyong pakiramdam na tila nakarating nako dito ay mas nangingibabaw. Napabuntong hininga ako. Ang dami ko na atang napapansin simula nang makarating ako dito. Ganoong ngayon pa lang naman ako nakapunta sa lugar na ito.
Napahinto ako sa paglakad, nang mapansin kong huminto rin si candice. May kinapa siya gilid ng isang puno. Naagaw ang atensyon ko, nang makita ang unti-unting pag pababa ng lupa sa harap namin at pumorma ng isang hagdan pababa. Nagugulat akong napatingin kay Candice. Ano ito?
"Follow me," sabi niya.
Muli ko siyang sinundan pababa sa hagdan. May ilaw sa paligid na siyang nagsisilbing ilaw sa daan. Tumingin ako sa dinaanan namin kanina sa itaas. Muli itong sumara kaya nabalot ng dilim ang paligid. Ang maliliit na ilaw na lamang ang nasa gilid ang siyang nagsilbing ilaw.
"Alam mo, mabuti na lang at pumayag si Francess na isama ka dito. Well, ako naman talaga ang nagkumbinsi sa kanya na papasukin ka dito," biglang sabi ni Candice.
Napalingon naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
"What? Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
Huminto siya sa isang pinto at lumingon sa akin.
"I found you interesting, that's why I want to help you something, about your skill. By the way, welcome to Dark Monarch hideouts," sabi ni Candice.
Pagkasabi niya no'n, binuksan niya ang pinto. Unti-Unting lumabas ang liwanag na nagmumula sa loob. Hanggang sa maaninag ko ang nasa loob nito. Bumungad sa amin ang glass door at ilang sofa na nasa loob. Nagugulata akong napatingin sa dito.
"Come in," anyaya niya sa akin.
Sumunod ako sa kanya sa loob. Napaka-presko ng paligid. Nag angat ako nang tingin sa itaas, nang mapansing may nakatingin sa amin. Doon, nakita ko sila na tila nag aabang sa pagdating namin.
"Hai Scarmey! Welcome to our place!" agad na bati sa akin ni Lendon, habang kumakaway.
Ngumiti lang si Beatriz at Marga sa akin. Habang tumango lang sina Cristoffer, pwera kay Francess na seryosong nakatingin sa akin bago tumalikod.
"Let's go upstair," anyaya ni Candice.
Tumango ako at umakyat kami sa itaas. I was still shocked. Hindi ko aakalain na dadalhin ako dito ni Candice. Sa mismong hideouts nila.
"Your lucky to be here, Scarmey," agad na sabi ni Beatriz, nang makarating kami sa itaas.
Nilibot ko nang tingin ang paligid. Hmm, mukhang kompleto ang gamit nila dito. Nabaling ang tingin ko kay Francess, na sandaling tumingin sa akin bago tinuon ang tingin sa hawak niyang libro.
"Am I?" sabi ko sa kana
"Of course! Maraming gustong nais makapasok sa hideout namin, mabuti nga at pinagbigyan ka namin," sagot naman ni Marga sa akin.
"Mukhang ma-swerte nga ako," nakangiti kong sabi sa kanila.
Pinaupo ako ni cantdice malapit sa kanya. Magsasalita ulit sana ako, nang biglang may nagsalita.
"Candice will be the one to train you."
Napalingon ako sa nagsalita, si Francess. Bahagyang tumaas ang kilay ko sa kanya, bago muling tingnan si Candice. Tumango naman si Candice sa akin.
"Yes, I will be your trainor. Hindi na pwedi madagdagan ang grupo, kaya tuturuan kita upang maging spiya," nakangisi niyang sabi sa akin.
"Spiya?" nagtataka kong sabi.
"Yes, napag usapan namin na gawin kang spy. Ngunit bago ka maging spy, tuturuan ka muna naming makipaglaban at kapag may alam ka na, isasama ka namin sa mission namin bilang isang spy," sabi naman ni Cristoffer, kaya napatingin ako sa kanilang lahat.
"Sandali, bakit niyo naman naisipang gawin akong spy?" tanong ko sa kanila.
"We both interested to you. Kung paano ka magsalita at kumilos. Gusto ko lang masiguro na hindi ka spy at wala kang alam sa amin," sagot ni Francess sa akin.
Natawa ako at napailing sa sinabi niya. Iniisip talaga nila sa akin iyon? Well, para akin ganoon na ang ginagawa ko. Ngunit hindi ko inaasahan na ganoon din ang nararamdaman nila sa akin.
"Ako? Isang spy? Oh c'mon Francess, I'm not a spy and I can prove it," kaila ko sa kanya.
"Kaya nga susubukan ka namin. Isasalang ka namin sa gangster place next friday. Ayusin mo ang magiging laban mo sa araw na iyan, kung ayaw mong ang kalaban mo ang papatay saiyo," nakangising sabi ni Marga.
Napailing ako. Sabagay, ito naman ang gusto ko.
"Okay, if you want that," sabi ko na lang.
"Come with me," sabi ni Candice. Sumunod naman ako sa kanya.
May binuksan siyang pinto at pumasok, sumunod naman ako. Nakita kong isang training room pala ito.
"Dito tayo mag t-training," sabi ni Candice.
Tumango ako. Nilibot ko ang paligid, maraming mga sandata na pweding gamitin. Marami pa akong nakita at talagang masasabi kong isa itong training room.
Flasssh!
"Ah!"
Agad akong napahawak sa pisngi ko, nang may dumaan dito na siyang biglang pag agos ng dugo. Napalingon ako kay Candice. May hawak siyang kunai, na mukhang iyon ang ginamit niya para ibato sa akin.
"Your too slow for it, Scarm," nakangising sabi ni Candice.
Mabilis siya.Pinahid ko ang dugo sa pisngi ko at ngumiti sa kanya.
"That was close," sabi ko sa kanya.
Hindi siya sumagot sa akin. Mayamaya ay may kinuha siyang dalawang katana, saka hinagis sa akin ang isa. Nasalo ko naman iyon. Tiningnan ko ang katana, bago ako tumingin sa kaniya. Mukhang alam ko na ang nais niyang gawin namin
"Lets start," aniya.
Inihanda ko ang katana at hinawakan nang mahigpit. Sa isang iglap lang nasa harap ko na si Candice, kasabay nang paghampas ng katana niya sa akin. Agad ko itong sinangga gamit ang hawak kong katana. Medyo napaatras ako dahil sa lakas nang pwersang pinakawalan niya.
Tinulak ko iyon at ako naman ang umatake gamit ang katana. Mabilis si Candice, mabilis siyang makabawi nang lakas. Inaamin kong hindi pa ako gaanong bihasa sa pakikipaglaban, kaya medyo di ako makasabay sa kanya.
BLAG!
"Hindi ganitong training ang inaasahan ko saiyo, Scarmey. I thought your strong, but I'm wrong. You're weak," sabi niya sa akin, habang nakaduro sa akin ang hawak niyang katana.
Ngumiti lang ako saka ako tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig. Muli kong inayos ang sarili ko.
"It's my first time you know," sabi ko.
Napairap siya sa akin.
"Ikaw ang nagabi kay Francess di ba? Na gusto mong matutong makipaglaban, kaya naman tiisin mo. If you want to be strong, then give it all what you've got, Scarmey," sabi niya.
"Okay, I will," tanging sabi ko.
Muli kaming umatake sa isa't-isa pero may iba na, nakakasabay na ako sa bawat atakeng binibigay niya. Nagagawa ko ng umatake nang sunod-sunod. Nakita kong mukhang napansin na rin niya ang kinikilos ko, ngunit mas lalo siyang nainganyo. Paminsan-minsan ay nagiging dehado siya sa akin at ganoon rin ako sa kanya. Kaya naman nagugustuhan ko na ang nangyayari sa pagitan naming dalawa.
Sabay kaming napasandal sa pader matapos kaming mapagod. Marami din akong natutunan sa training namin ni Candice. Tinuturo niya sa akin, kung paano gamitin ang mga sandata na nandito sa training room. Siya na mismo ang nagpasya na magpahinga na kami.
"Lets have a shower. Pahihiramin na lang kita ng damit," sabi niya sa akin.
Tumayo siya at tumingin sa akin.
"Hanggang hindi pa dumarating ang magaganap na laban mo, magt-training tayo dito. Sana hindi mo ako bibiguin bilang isang trainor mo, Scarmey," seryoso niyang sabi.
Ngumiti ako sa kanya at tumayo na rin. Humarap ako sa kanya.
"Huwag kang mag alala, hindi kita bibiguin," nakangisi kong sabi.
"Then lets go," anyaya niya sa akin
Sumunod naman ako sa kanya. Paglabas namin sa training room, hindi namin nakita ang kasama niya. Mukhang umalis na ang mga ito. Pumasok siya sa isang pinto kaya sumunod na ako.
"This is my room, " sabi niya.
May binuksan siyang wardrobe, mukhang damitan niya iyon. Mayamaya may hinagis siya sa akin.
"Ipapahiram ko na lang muna iyan saiyo. If you don't mind, sabay na lang tayo mag shower. Okay lang ba saiyo?'' sabi niya at baling sa akin.
"Okay lang," sagot ko. May binigay siyang tuwalya saka naghubad sa harapan ko. Kaya naghubad na rin ako. Iniwan ko ang undies ko saka ako sumunod sa kanya sa banyo. Malaki ang banyo niya, may shower at bathtub. Sa bathtub siya nagbabad, kaya ako na ang gumamit ng shower. Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng banyo.
Matapos kong makapagshower. Nauna na akong lumabas sa kanya upang makapagbihis. Mayamaya rin ay lumabas na siya. Napansin kong tinititigan niya ako.
"What?"
"I notice something, may I ask you. Peklat ba uyang nasa leeg mo?" tanong niya sa akin.
Napaiwas ako nang tingin sa kanya. Hindi ko aakalain mapapansin niya pa ito.
"Ahm, maybe, I don't know," tanging sagot ko dahil hindi ko naman talaga alam, maging si tita Audrey hindi alam kung ano ang sanhi nito.
"Oh? Hmm, then what about that tattoo at the back of your neck?" muling sabi niya.
Natigilan naman ako sa sunod niyang tanong.
Masyado na ata siyang matanong, tsk!
"This tattoo?" sabi ko.
"Yes, may I ask, what kind of tattoo is that?" seryoso niyang tanong.
Napabuntong-hininga ako. Isinuot ko ang damit na pinahiram niya sa akin, saka ako muling hinarap si Candice.
"You know what Candice, hindi ko alam kung maniniwala ka o hindi. Ngunit sa totoo lang, maging ako hindi ko alam kung anong klaseng tattoo ito. Saiyo ko lang ito sasabihin at sana 'wag mo nang sabihin sa iba," seryoso kong sabi sa kanya.
Tiningnan ko siyang mabuti at hinintay naman niya kung ano ang sasabihin ko.
"I lost my memory Candice and I don't even know who really am I. Sa ngayon hinahanap ko kung saan ako nanggaling at sa paghahanap ko sa sarili ko. Dito ako napunta at nakilala kayo," pag amin ko at lahat nang sinabi kong iyon ay talagang totoo.
Mariin siyang nakatingin sa akin, na tila ba iniisip kung maniniwala ba siya sa sinabi ko. Hindi ko rin alam kung bakit ko ito sinasabi sa kanya.
"You lost your memory?" hindi makapaniwalang sabi niya.
Tumango ako.
"Yes. Kung hindi dahil sa isang taong tumulong sa akin, ewan kung nandito pa ako ngayon," tanging sabi ko at napabuntong-hininga.
Tumango-tango siya at nagsimulang magbihis.
"Kung ganon nasaan na iyong tumulong saiyo?" muli niyang tanong.
"Huling nakita ko siya ay iyong nasa hospital pa ako. Umalis na siya at hindi ko uli siya nakita. It's been 2 months," pagsisinungaling ko. Natural hindi ko sasabihin sa kanya kung sino. Dahil nasisiguro akong walang katapusang tanungan na naman iyon.
Mas lalong hindi ko pweding sabihin na si tita Audrey ang tumulong sa akin at isang mafia. Malamang magkalaban sila kaya mahirap na, isipin pa talaga ni candice na isa nga akong spy.
"Then, paano mo nalaman ang Monte University?"
Hindi ko agad siya nasagot. Kaya mariin siyang tumingin sa akin.
"What?"
Ngumiti ako sa kanya. Mukhang nagdududa siya dahil matagal akong hindi nakasagot.
"I found it in a Website. Nagka-interes ako nang mapansin kong kakaiba ang School na ito kaya sinubukan ko. Then, gumawa ako nang paraan para makapasok dito kahit mahirap. Masyadong pribado ang school niyo, kaya mahirap makahanap ng impormasyon. And also I found out that this is a gangster School. Kaya mas nagustuhan ko," sabi ko sa kanya.
Dahil totoo naman iyon. Nagka-interes ako no'ng una at mukhang exciting ito. Ngunit hindi ko akalaing mas magiging exciting pa pala nang malaman kong may kinalaman ang may ari ng school na ito sa nangyari sa akin. At iyon ang hindi ko pweding sabihin kay Candice.
Tumango siya at mukhang naliwanagan na sa mga sinabi ko.
"Okay," tugon niya.
"Sana, hindi mo sasabihin sa kanila na nawalan ako nang alaala," paalala ko sa kanya.
"Huwag kang mag alaala wala akong pagsasabihan At gusto kong tulungan ka upang bumalik ang alaala mo," nakangiti niyang sabi.
Tumango ako. Mayamaya sabay na kaming lumabas sa hideout nila. This is it. I want her trust. I can use her to gain they're trust too, even Francess. Kailangan kong magpabango sa kanila para makapaghigante ako at malaman kung sino nga ba ang pamilya ko.