Isang panibagong araw ko na naman sa school na ito. Wala namang ibang nangyari kahapon, bukod sa kainuman ko sila candice. Naging maayos naman ang pagsasama naming apat, kahit alam kong nakakapagtaka at kasama ko ang dalawang si Marga at Beatriz. Oo, masusungit sila pero mukhang ganoon na talaga ang ugali nila. Nakakasabay naman ako sa mga pag uusap nila at hindi naman nila ako masyadong tinatarayan. I feel comfortable being with them.
Nang makapasok na ako sa School. Lumabas na ako sa Kotse, nang mai-park ko na iyon sa parking lot. Paalis na ako sa parking lot, nang makita ko si Francess na kakalabas lang din sa isang kotse sa di -kalayuan sa akin. Mabilis akong naglakad upang maabutan siya. Hanggang sa mapatingin siya sa gawi ko. Umiwas lang siya nang tingin sa akin.
"Ah francess!" tawag ko sa kanya.
Huminto siya at seryosong lumingon sa akin.
"Bakit?" walang ganang tanong niya.
"Ahmm," nag alangan akong magsalita. Lalo na't wala naman akong sasabihin sa kanya. Ewan ko kung bakit ko nga ba siya tinawag. Hays!
"Tsk!" singhal niya sa akin.
"Wait!" awat ko nang tumalikod siya. Huminto naman siya at muling tumingin sa akin.
"Ahm, pwedi ba kitang maging trainor?" wala sa sariling sabi ko.
Nagulat ako sa sinabi ko sa kanya, mukhang ganoon din siya. Tsk! Bakit ba ako nagkakaganito? Bakit ko ba iyon sinabi. Tsk!
"Trainor for what?" nagtatakang tanong niya sa akin, habang nakakunot-noo.
"You know, ahm self defense. Kumbaga turuan mo kong matoto kung paano makipaglaban," sabi ko sa kanya at ngumiti.
Tingnan natin kung kakagat ka sa gusto ko Francess. I want to be close with you for my plan.
Napangisi siya sa sinabi ko at bahagya lumapit sa akin.
"Hindi purket naging kaibigan mo sina Candence at Lendon, eh magagawa mo ring makipaglapit sa akin. Sabihin mo nga, ano ba talaga ang pakay mo?" seryoso niyang sabi.
"Gusto ko lang matoto kung paano makipaglaban. Masama na ba yon?" katwiran ko.
Napailing siya.
"And why me? We're not that close, so stop it," saad niya.
"Cause I know, you will be my great trainor," nakangiti kong sabi.
Sandali niya akong tinitigan bago nagsalita.
"Wala akong oras para sa walang kwentang bagay. Kung gusto mong matoto, sa iba na lang 'wag sa akin," sabi niya saka tumalikod.
Hindi na ako nagsalita at hinayaan siyang umalis. Napangisi ako. Alam ko namang hindi siya madaling kumbinsihin. Sa ugali niyang iyon? Asa!
"Alam kong mapapayag din kita," sabi ko sa sarili at naglakad na rin papasok.
Habang naglalakad ako patungo sa room. Nararamdam kong may nakatingin sa akin o sa madaling salita sumusunod sa akin. Hinayaan ko na lang pero pagdating ko sa may hagdan nakita ko ang grupo na minsan na akong binalaan. Gaya nang inaasahan ko, mukhang magiging trip nila ako. Nagpatuloy pa rin ako sa paglakad kahit nakatingin sila sa akin.
Nang nasa gitna na ako ng hagdan, hinarang na nila ako.
"I told you, stay away from them. Your not listening, Ms.Fuentes," mariin nitong sabi. Nakilala ko na siya dahil sa information na nakuha ko.
Siya si Selena. Ang babaeng may gusto kay Lendon.
"Of course she's not listening. Close na nga sila ng Lendon mo di ba?" mataray na sabi naman nang isa. Siya iyong si Cheska.
"Ha! Sa lahat ba naman nang pweding maging close mo, isa pa sa kanila. Girl, binabalaan kita layuan mo sila, lalo na si Lendon dahil kung hindi," mariin niyang sabi at hinawakan ako sa pisngi.
"Hindi ako mangingiming balatan ang pisngi na ito. Maliwanag?" pagbabanta ni Selena sa akin.
Hindi ako nagsalita at nilabanan lang ang tingin niya saka ako ngumiti.
"Paano ko sila lalayuan, eh kaibigan ko na sila," sagot ko.
Nakita kong natigilan sila sa sinabi ko, maging itong aking kaharap. Inalis ko ang kamay niya sa pisngi ko.
" Huwag kang mag alala, saiyo lang si Lendon. Hindi naman siya ang gusto," nakangiti kong sabi saka ko siya nilagpasan.
Pasimple akong tumingin kay Allyana at ngumiti. Nang nasa itaas na ako narinig kong may nagsalita sa kanila.
"Pasalamat ka at hindi friday. Dahil hinding -hindi ko palalampasin ang mga sinabi mo," narinig kong sabi nito.
Lumingon ako sa nagsalita sa kanila. Si Allyana.
"Yeah, it's not friday, that's why I'm safe," sabi ko at iniwan na sila.
Napangisi ako. Mukhang maghahanda na ako sa kung ano mang gawin nila sa akin. Nang makarating ako sa room, tiningnan ko si Francess seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Inalis ko na ang tingin sa kanya at umupo na sa upuan ko.
"Mukhang masaya ka," pansin sa akin ni Candice
"Medyo," sagot ko.
"Mag iingat ka sa mga ginagawa mo, dahil hindi basta-basta ang mga babanggain mo dito," paalala niya sa akin.
Bumaling ako sa kanya.
"I know," sagot ko.
Inalis ko ang tingin kay Candice. Dahil pakiramdam ko may alam siya sa akin. Well, let see what she can do to know who really is me.
THIRD PERSON POV
Acapella's Headquarters)
"Dhrevey, this is the information of Montemayor about the dealing for this coming next week," bungad ni Gaila sa opisina ni Dhrevey. Si Gaila; isa siya sa mga pinagkakatiwalaang kaibigan ni Dhrevey. Kanang-kamay sa Acapella at mahusay din sa pakikipaglaban.
Naabutan ni Gailla na nakatayo sa harap ng bintana si Dhrevey, habang tila may iniisip.
"Dhrevey?" tawag ni Gailla dito.
Lumingon si Dhrevey sa kanya na, tila ngayon lang siya napansin.
"Oh! Gailla, nandiyan ka pala. Anong kailangan mo?" tanong ni Drhevey at lumapit dito.
Napabuntong-hininga si Gailla. Alam niyang wala na naman ito sa sarili. Lagi niya itong naabutang malalim ang iniisip at naiintindihan niya iyon. Alam niya kung sino ang mga iniisip nito.
"Dala ko na ang mga impormasyon, tungkol sa dealing na magaganap next week sa mga montemayor," muling sabi niya dito.
"Oh sige, ilagay mo muna diyan. Mamaya ko na titingnan," sabi ni Dhrevey.
"What's wrong with you? Pasaway na naman ba si Zeffrey?" tanong ni Gailla.
Umiwas nang tingin si Dhrevey, saka kinuha ang isang wine na ngayon lang napansin ni Gailla. Muli syang humarap sa glass window at tumingin sa malayo.
"What's wrong Dhrevey? Napapansin ko na ang tahimik mo nitong nakaraang araw," nag aalalang sabi ni Gailla dito.
"I don't know, Gailla. I don't want to think something weird but I can't help it. Naiisip ko na tila may darating na hindi ko alam," sabi ni Dhrevey at napabuntong-hininga.
Naglakad si Gailla palapit, saka tumabi kay Dhrevey. Nagtataka siyang tumingin dito.
"Anong darating? Sino?"
"I don't know," napapailing nitong sabi.
"Huwag ka ngang praning diyan. Asikasuhin mo na lang, kung ano ang mga bagay na dapat bigyan mo nang pansin. Kung ano man iyang iniisip mo. Alisin mo muna, mai-stress ka lang," tanging sabi ni Gailla, kahit alam niya sa sariling tama ito.
Napabuntong-hininga siya saka inubos ang wine na hawak nito.
"Pero hindi ko maalis," muling sabi ni Dhrevey.
"Tungkol saan ba iyan?" tanong ni Gailla.
"It's about.. It's about my daughter," alinlangang sabi ni Dhrevey.
Kusa namang natigilan si Gailla sa narinig niya. For the past years, hinanap nila ang nawawalang heiress. Ang anak ni Dhrevey, pero kahit anong hanap nila hindi pa rin nila ito nakikita hanggang ngayon.
"About Dhreammy?"
Tumango si Dhrevey. Napapikit si Gailla at muling nagsalita.
"My god dhrevey, I know what you feel. You know, we tried to find her for the past years, but we failed," sabi ni Gailla.
Hindi umimik si Dhrevey dahil totoo ang sinabi ni Gailla. Matagal na nila itong hinanap pero hanggang ngayon di pa rin nila ito nakikita. Ngunit nasa loob pa rin ni Dhrevey ang umasa na buhay ito at naramdaman niya iyon.
"I don't want to say this, but what if she's already dea--"
"No! She's not. I can feel it, Gailla. She's still alive and I know soon, we will meet each other," seryosong sabi ni Dhrevey at bumaling kay Gailla.
"Okay, she's alive. Ngunit Dhrevey, matanong lang kita. Hinanap mo nga ang anak mo, pero bakit sa tuwing may nagpapakilala saiyo na anak mo, pinapatay mo na walang alinlangan?" seryosong tanong nito.
Napataas ang kilay ni Dhrevey dahil sa sinabi nito. Totoo ang sinabi ni Gailla. Marami na ang nagpapakilala na anak ni Dhrevey, ngunit lahat iyon ay pinapatay niya.
"Dahil alam kong niloloko lang nila ako. I'm a mother, Gailla. Bilang isamg ina, mararamdaman mo ang sinasabi nilang lukso ng dugo. Bakit ako magpapaloko sa kanila? I give her a mark, na alam kong makilala ko agad We have a lot of enemy Gailla. They can use my daughter. Dahil alam nilang may nawawala akong anak.," mariing sabi ni Dhrevey.
Sasagot sana si Gailla ngunit biglang may nagsalita.
"How about Zeffrey? You're busy to find your missing daughter. Remember Dhrevey, you still have a child to protect too. Don't forget that.."
Sabay silang napalingon sa biglang nagsalita.
Si Audrey. Isa rin sa matalik na kaibigan ni Dhrevey at kanang-kamay niya sa Mafia-assassin organization.
Naglakad si Audrey patungo sa kinaroroonan nila. Seryoso silang tiningnan ni Audrey.
"What are you doing here?" nagtatakang tanong ni Dhrevey.
Ngumisi lang si Audrey sa kanya.
"Why? I just want to visit my friend and have some talk," sagot nito.
Umirap lang si Dhrevey at inalis ang tingin dito.
"Well, as I've said, nandiyan pa Zeffrey. Kaya 'wag mong kakalimutan na protektahan siya," muling sabi ni Audrey.
"I know, Audrey. Kaya nga maraming nagbabantay sa kanya di ba? Dahil hindi sa bawat oras nasa tabi niya ako. I still have responsibilities," sagot ni Dhrevey dito.
Nagkatinginan ang dalawa sa sinabi ni Dhrevey. Dahil alam nilang maraming ginagaw ang kaibigan nila Kaya nga sila nandiyan para dito upang gabayan at tulungan.
"Hindi madaling makalimot sa nangyari sa buhay ko at alam ko na marami pang darating na pagsubok. Kaya hangga't maari ayoko nang mawalan pa ulit. Di bale nang maging masama at mahigpit ako sa lahat, 'wag lang akong malamangan. Kilala niyo kong dalawa, kaya asahan niyo kung ano ang magagawa ko sa mga taong t-traydor sa akin," seryosong sabi ni Dhrevey at tiningnan ang dalawa.
Napabuntong-hininga lang ang mga ito sa sinabi niya at hinayaan sa kung anong gusto nito. Alam nila na sa mga lumipas na taon, malaki na rin ang pinagbago ng kaibigan nila.
Sa kabilang banda; sa headquarters ng mga Montemayor.
"What's that sis?" tanong ni Akira sa kapatid nitong si Priscella Montemayor-Amonte.
"Ito ang mga listahan ng mga naging human testing natin. Akalain mo iyon? Magagamit pala natin ang kakayahan ng mga Novoh," nakangising sagot nito.
Lumapit si Akira sa kapatid, upang tingnan ang mga hawak nitong dokomento.
"Hmm oonga, di ba unti-unting nilulusob ng mga Assassin ang Laboratory natin? Hanip din gumalaw ang bagong Empress ng mga Assassin," nakangising sabi ni Akira.
"Yeah, mahusay nga. Nasa dugo na nga ata nila iyon. Lalo na ang isa sa kambal na Bagong Empress din ng Acapella. Mas malupit iyon gumalaw," seryosong sabi ni Prescilla.
Napatango si Akira. Umupo siya sa couch at muling tiningnan ang dokomento na hawak niya.
"Yeah, sa tingin mo mahihirapan ba tayo sa kanya?" sabi nito habang nasa dokomento pa rin ang tingin.
"Yeah, medyo mahihirapan tayo. Magka-alyansa ang Mafia-Assassin at Acapella. Idagdag pa ang Underground society at underworld. Bawat Leader nito magka-alyansa, kaya mahihirapan tayong patumbahin sila nang sabay," sabi ni Prescilla.
Ibinaba ni Akira ang hawak at kunot'noong tumingin dito.
"So? What's your plan?" nakataas-kilay nitong sabi.
"They still have a weakness At siya ang magiging kahinaan nila," sabi ni Prescilla habang nakatingin sa computer nito.
Tumayo naman ng bahagya si Akira upang tingnan ang tinutukoy nito. Napataas ang kilay niya nang makita ang dalawang batang kasama ni Dhrevey.
"Who are they?"
"Sila lang naman ang kambal na anak ni Dhrevey. Itinago niya nang matagal na may anak siyang kambal. Ang tanging alam lang ng lahat ay iyong nawawalang anak niyang babae ang tangi lang niyang anak. She's still have a son. Itinago niya iyon sa lahat," nakangising sabi ni Prescilla
"Oh my god! Really? Wow, so plano mo na gamitin ang anak niyang lalaki?" wika nito.
"Pwedi rin pero mas importante, na tayo ang unang makahanap sa nawawala niyang anak. Dahil ito ang gagamitin natin laban sa kanilang lahat," sabi ni Prescilla, habang hindi pa rin mawala ang ngisi sa mga labi nito.
Seryosong napatingin si Akira sa kanya.
"At sa anong paraan?"
"Ang batang babaeng iyan, ang siyang nakuha ng isa sa mga tauhan natin noon. Naging human tester siya ng ilang taon. But sad to say, hindi ko siya namukhaan At lalong wala ng ibang nabuhay sa isa sa mga scientist na may hawak sa kanya. I've heard before that she have a strong body to produce. That's why, she's a special human testing. Isa pa, nasa loob pa ng katawan niya ang micro chip na siyang kokontrol sa kanya. Nakakasiguro akong buhay pa siya, dahil nalaman ko na konektado ang micro chip sa system natin. Kaya ngayon hinahanap na ng tauhan natin kung nasaan siya," sabi nito.
Napangiti si Akira sa sinabi nito.
"That's great then," tugon naman ni Akira.
"Yeah, all we need to do is to find her," aniya.
Napangisi si Akira at muling tiningnan ang dalawang bata sa picture.
"Boss, nahanap na po namin siya"
Napalingon siya sa kanyang tauhan at binaba ang hawak niyang wine.
"Saan niyo siya nahanap?" tanong niya dito.
"Siya ang nag iisang nailigtas ng tauhan ni Mrs.Audrey sa isang laboratoryo. Naging isang human tester sya at si Audrey ang tumutulong sa kanya ngayon," sabi nito.
May nilapag itong folder sa harapan niya, kaya kinuha niya iyon at tiningnan. Isa-isa niyang tiningnan ang bawat laman nito. Hanggang sa makita niya ang Larawan at pangalan nito.
Scarmey Fuentes
Tumingin siya sa tauhan niya.
"Scarmey Fuentes? Ito ba talaga ang pangalan niya?" tanong niya dito.
Tumango ito bilang tugon.
"Si Audrey ang nagbigay ng pangalan niya, dahil maging si Audrey hindi alam kung sino talaga siya," sabi nito.
Napatango siya at tiningnan ang larawan nito. Marahan niya itong hinaplos at napangiti.
"Saan siya makikita?" tanong niya habang nakatingin pa rin sa larawan.
"Sa ngayon nag aaral siya sa Monte University, na pagmamay ari ng mga Montemayor," sabi nito.
Nag angat siya nang tingin dahil sa kanyang narinig dito.
"What?"
"Yeah, she's studying there," tugon nito.
Natahimik siya saglit bago nagsalita.
"Gusto ko siyang makita.."
"Are you sure?"
"Yeah.."
Muli niyang tiningnan ang picture nito saka palihim na napangiti.
'I finally found you, my dearest,' sambit nito.