Lumipas pa ang ilang mga araw at patuloy ang buhay ni Scarmey sa pagpapanggap. Sa mga araw namang iyon ay laging nararamdaman ni Scarmey na may nakatingin sa kanya. Hinayaan nalamang niya iyon dahil nasisiguro siyang si Francess ang laging nakabantay, tulad na rin nang sabi nito. "Scarmey, daan muna tayo sa mall," narinig niyang sabi ni Shan. "Sige," sagot niya. Nang matanaw na niya ang Mall ay niliko niya ang sasakyan patungo sa parking lot. Lumabas agad si Shan, nang mai-park na niya ito at sumunod siya dito. Habang naglalakad sila sa loob ng Mall, napapansin ni Scarmey ang mga tingin sa kanila ng mga tao. Ngunit hindi lang iyon, nararamdaman din niya ang isang matalas na tingin na nasa likod nila. Kaya huminto siya at lumingon. Natigilan pa siya nang makilala ang tatlong taong nasa l

