Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Sadyang nakakagulat pa rin para sa akin na nakikita ko siya ngayon. Isang linggo na ang lumipas, mula nang huli ko siyang makita. Tapos ngayon, bigla ko siyang makikita. Ngunit bakit nandito siya? Imposible naman atang kilala niya ako, iba ang mukhang gamit ko. Kaya nasisiguro akong hindi niya ako makikilala. "Hindi pa ba tayo aalis?" Natauhan ako at napatingin kay Shan na nagtatakang nakatingin sa akin. Hindi ko namalayang nakaalis na pala ang kasama namin at nandito pa rin kami sa parking lot. "Ah, sorry," hinging-paumanhin ko at pinaandar ko na ang kotse paalis. Habang papaalis na kami ay napasulyap ulit ako sa kinaroroonan niya. Naroon pa siya, nakatayo at nakatanaw sa kotse naming papaalis. Hindi ko pa rin alam kung bakit siya nandito. Nandi

