AUTUMN LAST DAY namin ngayon sa beach resort kaya sinusulit na namin ni Ash ang pagba-bonding. Mamaya ay babalik na kami ng Maynila. Back to reality na naman. "Ash, 'wag kang lalayo!" mahigpit kong bilin sa aking anak na masayang naglalaro ng buhangin. Maaga pa lang kaya wala pa gaanong tao dito. Inagahan rin namin ang labas dahil gusto kong magpa-araw ng pang-umagang araw. Masarap rin ang simoy ng hangin kapag umaga, pinaghalong lamig at init. "Autumn, ang aga niyo naman lumabas!" Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko si Nanay. Naglalakad na siya patungo sa akin. Naka-suot pa siya ng bestida at may balabal na nakapatong sa kanyang likod. Tumayo ako mula sa pagkaka-salampak ko sa buhanginan para salubungin siya. "Good morning po, 'Nay!" bati ko sa kanya at humalik sa ka

