TATLONG araw lang binurol si Sir Enrico at ni-cremate rin ito kaagad. Sa ilang araw na nakaburol si Sir Enrico ay halos hindi ko na maka-usap si Edward. Tulala siya at kung minsan ay galit kaagad. Iniintindi ko na lang dahil alam ko ang pakiramdam nang mawalan ng isang mahal sa buhay. Pero inabot na ng ilang buwan ay gano'n pa rin ang pakikitungo niya sa akin. Hindi ko nga alam kung ano ang problema niya kung bakit bigla na lang siyang nag-iba. Nakakalungkot tuloy na kung kailan boyfriend ko na siya'y, saka naman naging ganito ang pakikitungo niya sa akin. Kung minsan gusto ko na lang maiyak sa naging sitwasyon naming dalawa. Ang pinangarap ko noon na magiging masaya kami ay hindi naman nangyari. Paminsan-minsan ay nakakatanggap pa naman ako ng messages mula sa kanya, pero hindi na kag

