Chapter 10

1662 Words
“Ano sa tingin mo?” Tanong ni Mr. Villaroman sa ka-video call nito. “Nabasa ka yung proposal at agreement. Kung tutuusin ay hindi naman lubos na mawawala ang kompanya sa iyo. “ Sagot ng kausap. Mahirap din para sa kausap na sabihin iyon pero kesa naman sa malugi ang kompanya na nasa bingit na ng pagdedeklara ng bankruptcy. “Ang inaalala ko ay ang si Ross. Tiyak akong didibdibin niya ito.” Malungkot niyang wika. Tinaw niya ang isang picture frame na nakapatong sa mesa. Family picture iyon na kinunan matagal nang panahon. Bumalik sa alaala nito kung paano sila kumayod dalawa ng kanyang anak upang maitayo ang kompanya pero ngayon ay nagbabadya nang malugi. “Ako na ang bahala sa kanya. Kailangan lang siyang kausapin at ipaintindi na ito ang huling alas para maisalba ang kompanya. At saka hindi naman iba ang sasalba dito kundi pamilya ng asawa niya.” “Nahihiya nga ako ay nadamay pa ang mga Ricaforte.” Aminado siyang noon ay hindi talaga niya tanggap ang mapapangasawa ng anak dahil iba ang gusto niyo paradito. Kung kaya ginawa niya ang lahat upang mapaghiwalay ang mga ito. Maging ang ipagkasundo ang anak sa iba. Pero unti-unti na niyang natatanggap si Herald. “Huwag mo na masyadong isipin pa at makakasama lang sa iyo iyan. Tanggapin mo ang proposal. Wala na naman tayong ibang choice. The rest will fall into places after. I need to go now. Ikamusta mo nalang ako kay Brenda.”  Nagpaalam na ito at ibinaba ang video call. Kanina pa tapos ang video call ngunit hindi pa din tumatayo si Mr. Villaroman sa kinauupuan nito. Nakapako ang mga mata nito sa proposal and agreement. Panap pa ang buntong hininga nito. Maya maya pa ay kinuha nito ang kanyang phone at nag-dial ng number. Agad naman sinagot ng tinawagan. “Hello, Mr. Villaroman?” Boses ng lalaking tinawagan. “Mr. Ricaforte, I will accept the offer.”   *****   Herald POV Ilang araw pa ang tinagal namin sa hospital dahil kay Miggy. Una nang nakalabas si Toffee na ngayon ay nauustusan ko nang tignan ang kung kamusta ang Pages Café. Dumalaw na rin dito si Maze kasama ng kambal at maging si Lori na talaga namang igigisa mo sa mantika dahil umaalingawngaw ang boses nito. Isama pa ang kagagahan nito sa tuwing dumarating ang mga kapatid ko. Pero sa kabilang banda ay nagpapasalamat ako dahil naiiba ang mood ‘pag nandito siya. Maingay lang talaga. Minsan ding dumalaw si Kuya Bryan kasama ang asawa nito. Saglit lang naman sila kaya hindi rin kami nakapag-usap ng matagal at hindi ko naitangong kung kamusta ang dalawa ko pang kapatid.   Si Ross naman ay dito dumederetso after ng trabaho niya. Minsan nga ay dito na siya nagtatrabaho. Pero maaga pa lang ay umaalis na ito dahil kailangan pa daw nitong asikasuhin ang kambal. Ganoon pa man ramdam ko na may kung anu siyang iniisip. Hindi lang niya ikinukwento sa akin kung kaya nag-aalala din ako para sa kanya. He act as if okay lang ang lahat pero hindi iyon ang nakikita ko. Especially yung expression ng mata niya. Isang gabi ay tinanong ko si Papa about sa problema nina Ross. Hindi naman tinago ng Daddy na ang nangyari sa sa mga kapatid ko ay may kinalaman sa problema ng papa ni Ross. Napag-alaman kong gumagawa nan g hakbang ang Ricaforte Grouip upang maisalba ang kompanya. Binilinan akong ‘wag ko muna iyon sabihin sa asawa ko dahil nakiusap ang father in law ko na siya ang magsasabi sa anak. Dahil sa nangyari ay may mga bodyguard nang kabuntot sa amin lalo na kay Ross. Si Daddy ang nagdecide niyon dahil nga hindi pa nahuhuli ang suspek sa nangyari kina Matty at Toffee. Alam kong hindi komportable si Ross doon pero wala itong reklamo. Kahit ako man ay hindi komportable pero ayow ko nang bigyan ng alalahanin ang Daddy. Sa mungkahi nga ni Harley ay pumayag si Daddy na ipakausap si Matty sa isang Psychologist. Base nga dito ay temporary lang naman day iyon ay mawawala din iyo. Shock lang daw ang kapatid ko pero makakatulong ang pakikipag-usap upang mapabilis ang recovery.   Nakaschedule kaming umuwi ngayon. Gusto sana ni Daddy na sa Ricaforte Mansion iuwi si Matty dahil doon naman talaga siya nakatira pero dahil ayaw pa rin humiwalay ng bata sa akin kaya sa bahay na lang naming siya dadalhin. Pumayag naman ang asawa ko. Kasalukuyan kong inaayos ang gamit na dadalhin pauwi.  Nanng dumating si Toffee. “Kuya, kausapin mo nga si Daddy.” Nagmamaktol nanaman ito. “Anu nanaman ba yan?”   “Ayaw ko nga nang may sumusunod sunod sa akin.” Sabi ko na nga eh. May pagka-Ross din ito. “It’s for your safety nga daw diba. For our old man’s peace of mind, tiisin mo muna, please.” Hindi na din naman siya sumagot. Pero nakasimangot pa rin. “S’ya nga pala, Nagpadala ng katulong si Daddy sa bahay, tatlo sila. Nag-aalala nga si Maze dahil baka sa dami nila e wala na siyang magawa sa bahay.” “Sige, kakausapin ko sila pag-uwi.” Sagot ko. “Ibaba mo na itong bag nang maka-uwi na tayo.” Kinuha naman nito ang bag at lumabas. Binalingan ko naman si Miggy na nakahiga pa din sa kama. Naka salpak sa mga tenga nito ang airpod at seryosong naka tuon ang atensyon sa Ipad nito. Nilapitan ko siya at dahan dahan kong tinanggal ang airpod sa tenga. Tumingin naman siya sa akin. “We’re going home na. “ Agad naman siyang kumilos. Maayos naman kaming nakauwi. Pag-dating sa bahay ay nanibago ako ng kaunti dahil bukod sa security guard at body guard ay may mga katulong na din doon. Inutusan ko na lamang si Toffee na ihatid si Miggy sa kwarto nila. Agad kong tinawagan si Daddy. “Dad, masyado naman pong ang dami ninyong pina dalang tao sa bahay.” Sinubukan kong hindi nakakabastos ang tono ko. Alam kong nag-aalala lang siya for us. But this is too much kasi. “Anak, that is for your protection. Saka sa dami na ng inaasikaso mo kailangan mo ng mga katulong lalo pa at naririyan pa ang pamangkin at mga kapatid mo.” He explain. “Okay naman po kami. Saka may own security din naman ang subdivision.  I’m sure that’s enough.” Not that I’m complaining but this is a bit too much talaga. Hindi naman malamansyon ang bahay naming. Narinig kong nagbunton hininga ang Daddy. “Ganito nalang Dad, for your peace of mind, papaya akong may security dito sa bahay, pero pwedeng iisa lang? Yung pang umaga may body guard naman. For the bodyguards naman, Pwede na sa akin yung apat. Isa kay Ross, isa sa akin, isa sa kambal at isa dito sa bahay incase kailangan lumabas ni Miggy. Wag na ninyong bigyan si Toffee ng bodyguard dahil maglalaro lang sila ng taguan kung sakasakali. Sa katulong naman, okey na ako sa isa, total ay hindi naman nagkakaproblema si Maze sa gawaing bahay dati pa. Pero sa tingin ko ay kakailanganin niya ng tulong dahil sa kalagayan ni Miggy. “ Compromised, para hindi makasakit kalangan magcompromised. “Fine. Papautos ko na sa secretary ko.” Sagot nito. Lihim akong nagpasalamat dahil pumayag ito. “Thanks, Dad.” Kinahapunan ay lumuwang na ang paligid. Nagsisigaw si Toffee nang malamang wala nang magbabantay sa kanya. Aakalainin mong nakawala ito sa kulungan. Napailing na lang ako. Paguwi naman ng kambal ay nag-unahan ito papunta sa akin upang yakapin ako. Pinupug ko naman ng halik ang mga pisngi nila sa subrang miss ko sa kanila. Ilang gabi ko din silang hindi nasasamahan sa bed nila. Maya maya pa ay dumating si Mickey ay Harley. May dala itong mga pagkain. Celebration daw kasi nakalabas na si Miggy sa hospital. “Ba’t noong ako yung lumabas hindi kaya nagcelebrate? “ Naloko na. May maiingit pa ata. “Bunso ka?” Sarkastikong tanong ni Mickey na ikinatawa ng lahat. “Kuya ang daya nila.” Naghanap pa talaga ng kakampi. “Syempre kasama ka dito, hindi pa naman pwede magcelebrate nang nasa hospital pa yung isa diba?” Nagsimula na nga silang kumain. Inasikaso ko ang pagkain ng kambal bago kamustahin si Miggy. Nasa ganoon kaming ayos nang dumating si Ross. “Hi, babe, kain ka na” Aya ko sa kanya. “Mabibihis lang ako.” Tipid nitong sagot at umakyat sa kwarto. Dahil bothered ako ay nagpaalam muna akong panikin si Ross. Pagpasok ng kwarto ay nakita ko siyang naka-upo sa kama. “Is everything okay?”  Tanong ko. Nilingon naman niya ako pero agad kong nakita ang galit sa mukha nito. “Did you know?” Tanong nito. Hindi ko alam kung anu ang tinutukoy niya. “Ano bang tanong yan?” Nakakalito kasi. “Alam mo bang nakikialam ang pamilya mo sa problema ng pamilya ko?” Aniya . Halatang pinapakalma ang sarili at boses. “I ask my dad to looked into it dahil nag-aalala ako.” “Of course, you ask your family without consulting it to me.” “I only ask my Dad. At paano ko sasabihin sa iyo e tinago mo nga sa akin diba? Sinarili mo kahit hindi mo kaya.” “Kaya nakialam na ang pamilya mo?” “Nakialam ang pamilya ko dahil nadamay ang mga kapatid ko!” Hindi ko nan a gawa pang kontrolin ang boses ko.”Asawa mo ako, Ross, ang pamilya ko ay pamilya mo na din. Anu man ang ginawa nila yun ay protektahan ang pamilya. At maniwala ka man o hindi ay kasama ka doon. “Kaya tinake-over nila ang kompanya ng Papa ko?” “Yun ba ang pagkakaintindi mo? Kaya sumasabog ang pride mo ngayon? Sige pangatawan mo yang pride mo. Mabubuhay ban g pride mong yan kung may masamang nangyari sa mga kapatid ko noong gabing ikaw sana ang pinupuntirya?”  Chapter 11 is coming shortly 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD