Ross POV Sa tulong ni Mama ay na asikaso naming ang pagpapalibing libing ni Trina. Namalagi muna ako at ni Rafa sa bahay niya dahil mas nakakapagod pa kung papunta’t pabalik pa ako. I tried to call Herald pero hindi ito sumasagot. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil ilang araw na ding hindi kami nag-uusap. Nang tawagan ko si Maze ay sinabi nitong nasa Mansion daw ang lahat Nagtaka naman ako dahil hindi man lang nagsabi si Herald. Dahil nga nag-aalala na din ako at panay na din ang hanap ni Rafa sa Papa niya ay sinubukan kong tawagan si Toffee. Nagbabakasakali akong makakausap ko siya. Hindi ako sanay ng ganito kaming dalawa. “Kung hindi ka naman kasi atat mag-jump in conclusion ay hindi kayo aabot sa ganyan.” Muling wika ni Mama. Talagang ako ang sinisisi niya sa ikinikilos ni Heral

