Chapter 3: Adjustment

2053 Words
Ross POV   "Ano ba naman 'yan, wala pa ngang dalawang araw may LQ na kaagad kayo." May halong disappointment na komento ni Lori.   Tinawagan ko kaagad siya ilang minuto matapos nag-walk out ang asawa ko.   "Hindi ko naman kasi alam na palalakihin n'ya 'yong gano'ng kaliit na detail." Depensa ko naman. Mula noon pa man noon ay hindi talaga ako mahilig sa pag-selfie at magpakuha ng pictures lalo na sa public place. Pinagbibigyan ko na nga lang si Herald kanina. Nakakahiya kasi sa totoo lang.   "Ulol ka, bro!" Natigilan ako nang may biglang sumabat na ibang boses. Si Excel. Nyemas bat magkasama sila? Lagot itong si Lori, isusumbong ko to kay pareng James. "Sinabi na nga sayo 'di ba, dream country ni Herald pumuntang Italy. Knowing Herald, he wants to capture good memories. Anong silbi ng high-end d canon na binili mo kung 'di naman niya magagamit sa inyo."   "Saka, kahit sabihing may kaya na sina Herald, hindi ibig sabihin ay mababago na 'yong nakasanayan n'ya. Eh kahit sa plaza lang kami pumunta sinisiguro naming may remembrance kami. Alalahanin mo laking probinsya si Herald." Singit ni Lori.   Kung tutuusin ay tama naman sila. May mga point na kumikilos si Herald na animo'y awkward para sa sitwasyon, pero gusto ko iyon kasi it brings out Herald's cuteness and innocence. Isa na 'yong hilig nito sa pagkuha ng pictures. Isa pa sa naging hobby ng asawa ko ay ang paggawa ng scrapbook na kinababaliwan niya. Minsan nga ay kasama n'ya itong si Lori at nahahawa na rin nga 'yong mga kapatid niya.   "Ross, sana kasi nakisama ka na lang sa asawa mo. Akala ko ba mahal mo? Eh bakit parang ikinahihiya mo 'yong mga bagay na gusto niya? Sana naisip mo 'yong nararamdaman niya, hindi lang 'yong nararamdaman mo," malungkot na dagdag ni Lori.   Napaisip ako sa sinabi nilang dalawa. Nakuha ko ang point nila kaya napabuntonghininga na lamang ako.   Maybe, masyado kong inisip ang sarili ko. Hindi ko naisip na hindi para sa akin ang trip na ito kundi para sa asawa ko. Regalo ko ito sa kan'ya kaya dapat siya ang inaalala ko. Hindi ko tuloy maiwasang mainis sa sarili ko.   Nang maibaba ko na ang tawag ay agad akong nag-isip kung papaano makakabawi kay Herald. Ayaw kong ipagpabukas pa ang pag-ayos ng tampuhang ito.   Hindi nagtagal ay agad kong naisip ang gagawin ko. Kaya naman agad akong naligo at nagbihis. Dinampot ko 'yong wallet at cell phone ko at mabilis na lumabas ng silid.   ***   Herald POV   Nagdesisyon akong lumabas na lamang ng hotel premises at i-explore ang paligid. Papagabi na kaya lalong naging makulay ang paligid. Mas nakakaengganyong kumuha ng mga picture.   Hindi ko pa man natatamasa ang kung anong meron ako ngayon ay hilig ko na ang pagkukuha ng pictures. Selfie adik nga raw kami ni Lori ayon kay Kagawad James. Past time namin noon ang magpa-print sa bayan at magpatulong sa Mama ko gumawa ng scrapbook. Natigil lamang iyon nang magkasakit si Mama.   Nang makilala ko ang pamilya ko ay ipinakita ni Daddy ang mga lumang gamit ni Mama. Ilan sa mga iyon ay mga lumang scrapbook na siya mismo gumawa. Doon ako nagsimulang gumawa ulit ng scrapbook.   Nahasa naman ang kasanayan ko sa camerang pang-professional nang kinailangan kong kumuha ng photography 101 at 102 bilang electives ko sa course ko. Natutunan ko sa class na iyon hindi lamang ang galing sa pagkuha nang  magandang anggulo, kundi pati na rin ang halaga ng bawat pagkakataon. The moment that is precious and timeless. Lalo na kung kasama mo ang mga taong mahal mo.   Kaya siguro sumama ang loob ko kay Ross, dahil feeling ko hindi niya ako naiintindihan. Kanina ay alam kong hiyang-hiya siya sa kada pagpapa-picture namin. Hindi ko na sana iintindihin, pero napuno na ako kasi nasasayang ang oras. Mas mabuti pang ako na lang mag-isang gumala kaysa naman kasama ko siya, 'di ba?.   Patuloy ako sa paglilibot. Patuloy rin ang pagkuha ko ng mga picture. Lihim akong napa-wish na sana ay kasama ko ang asawa ko. Sinigurado ko naman na natatandaan ko ang dinadaanan ko para hindi ako maligaw mamayang pagbalik sa hotel.   Lihim akong napangiti nang tingnan ang mga kinuhanan kong mga picture. Hindi ko alintana ang mga dumadaang mga tao. Hindi ko naman sila inaano, eh.   Nasa ganoon akong eksena nang may biglang nagsalita mula sa aking likuran.   "Herald? Is that you?" Anito at muli akong tinitigan. Naningkit naman ang mata ko nang mamukhaan kung sino siya.   "Anna?" sambit ko.   "Ikaw nga! Kumusta?" masayang bati niya sabay yakap sa akin. Hindi ko alam na close na pala kami. Joke lang po. Matagal na pong tapos ang issue sa aming tatlo four years ago. Bago siya bumalik noon sa home base niya sa Royal Ballet ay nakipagkita ito sa akin at humingi ng tawad. Nagkalinawan kami at nagkaayos ng gusot. Mula noon ay nagkakamustahan na kami sa isa't isa. Ilang beses na rin kaming nagkita sa Pilipinas at nanood ng show niya. Hindi nga lang siya naka-attend ng kasal namin dahil alanganin ang schedule ng show nila.   "Anna, what are you doing here?" maang kong tanong.   "Well, naka-sched kami to perform here tomorrow. May final blocking lang kami later. Ikaw anong ginagawa mo rito? Nasaan si Ross?" Bakas sa mukha nito ang saya. Hindi mo iisipin na minsan sa buhay namin nagmahal kami ng iisang lalaki. Ako nga lang ang pinili.   "Iniwan ko sa hotel. Nakakainis kasi. Napaka-kill joy." Hindi ko mapigilang magpakita ng inis.   "Oh, lover's quarrel kaagad? You know what, may malapit na cafe diyan, usap tayo. May two hours pa naman ako." Aya nito sa akin. Hindi na ako tumanggi pa at sumunod na lang din sa kaniya.   Pagdating sa sinabing cafe ay kaagad kaming um-order ng maiinom at cake. Nang makapwesto na kami ay kaagad na siyang nagpakwento. Kaagad din naman akong nagkwento nang nangyari. Tawa lang siya nang tawa nang hanggang matapos ang pagsasalaysay ko.   "Ang babaw, ha. In fairness ilang araw pa lang kayo kasal niyan. How much more kung tumagal pa kayo?" Humigop s'ya ng kape. "Ever since naman, ganoon na si Ross. May mga bagay na para sa kaniya ay boring kahit masaya naman. Minsan, hindi kami magkasundo sa mga bagay. Pero knowing him naman, I know that he is trying to adopt to people. Minsan lang talaga tinotopak."   "Alam ko naman 'yon. Kaso lang, anong silbi ng pagpunta namin dito kung mag-iinarte siya? Gusto kong intindihin, pero minsan nakakainis na." Reklamo ko.   "Herald, matanong ko lang ha, noong nagsisimula pa lamang kayo naging madali ba ang lahat?" Tanong niya.   "Hindi. Ilang ulit ko siyang inintindi lalo na 'yong bumalik ka," sagot ko.   "See? Kung ikukumpara ang ngayon sa noon mas mahirap noon. Pero nagawa mong palawakin ang pag-intindi mo. Ikaw 'yong nagbigay ng space para maintindihan din niya ang sarili niya."   Napaisip ako tuloy sa sinabi niya. Kung ikukumpara nga naman, napakababaw ng dahilan ko. Hindi ko man lang naisip na bago ko pa siya makilala ay may mga bagay na dati na sa kaniya. Hindi ko iyon basta-basta mababago dahil gusto ko lang. Hindi robot si Ross. Kung naintindihan ko siya dati, 'di ba dapat mas intindihin ko siya ngayon dahil mag-asawa na kami? Kung ang maliit na bagay lagi kong ikasasama ng loob, hindi kami magtatagal ni Ross kung ganoon.   Madami pa kaming pinag-usapan ni Anna. Sa huli ay binigyan niya ako ng dalawang complementary tickets para sa gala show nila bukas ng gabi.   "Oh, paano 'yan tutuloy na ako, kita nalang tayo bukas." Yumakap ito muli sa akin at naghiwalay na ng daan.   Maya-maya pa ay natanaw ko na ang hotel. Nang makapasok ay agad akong tumungo sa elevator. Mabilis naman akong nakarating sa floor kung nasaan ang kwarto namin ni Ross. Nang marating ko ang pintuan ay napansin kong may nakasabit sa doorknob ng pinto. Kaagad ko iyong kinuha at tiningnan. Hindi ko mapigilang mapangiti nang makita kung ano ang nasa picture. It was Ross in his wakky pose. Bago lang ang picture dahil halatang dito sa hotel kinuha ang picture. Nang buksan ko ang pintuan ay hindi ko alam kung tatawa o iiyak ba ako.   Nasa harapan ko ang hindi mabilang na mga pictures ni Ross in his different pose. Nakasabit ito na akala mo ay banderitas. Sa gitna ng kwarto ay naroroon naman si Ross, may hawak na mahabang papel na may sorry word na nakasulat kasabay ng isang bouquet ng flowers.   Lumapit ako sa kaniya. Dama ko ang sincerity niya. Gosh, I love this man no matter what. Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa. Agad ko siyang niyakap nang mahigpit. Tatlong taon, tatlong taon na ang nakalipas mula nang makilala ko siya. We've been through a lot, but we fight because we are in love with each other. And know we are in the next chapter of our love. I need to accept that we are not perfect, but it doesn't matter what differences we have because we love each other.   "I'm sorry, hon," bulong niya sa akin.   "No babe, I'm sorry. Ako ang mali. Hindi ko na dapat pinalalaki ang mga simpleng bagay, just because I want this to be perfect. Being here with you is already perfect, kahit mukha kang napipilitan sa mga picture." Patuloy kaming magkayakap sa isa't isa. Kumawala siya sa yakap ko at humarap sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at nagtinginan kami, mata sa mata.   "This trip is for you and I should doing my best to make this perfect as it can be..." Well, hindi ko na siya pinagsalita pa dahil hinalikan ko na ka siya nang matigil na siya. Kaagad din naman niyang ginantihan ang aking halik hanggang sa naging maalab na ang kilos namin sa isa't isa.   "Damn, I love you, Ross Isaac Villaroman." Hindi ko maiwasang Sambit.   "I love you more, Herald Ricaforte Villaroman. And I will always be." Ganting tugon ni Ross sabay buhat sa akin patungong kama.   Naging maayos ang sumunod na araw. The Roman Forum tour is great. Buong araw naming nilibot ang mga ruins at infrastructure ng old Roman. Kakaiba ring lambing ang pinapakita niya sa akin.   Pagdating ng gabi ay nanood kami ng show ni Anna. Nagkamustahan at naglakad-lakad sa ilalim ng mga bituin.   The next day we bound to Florence — one of Italy’s culinary capitals. After indulging in endless plates of pasta and pizza, we burn it all off climbing the steps of the famous Duomo — whose rooftop provides some of the most beautiful panoramic city views. Promise ang ganda talaga. Hindi nga ako magkandaugaga sa pagkuha ng mga picture.   After two days in Florence, we go to the next destination. Noong tinanong ko si Ross we're we heading next.   "It’s time for us to have some r&r and taste delicious fine wine of Tuscany." Which makes me feel more excited.   We spend our two days touring castles and vineyards, truffle hunting, and horseback riding while our evenings take place at authentic local dinners and nightcaps under the stars.   Next up is Venice, where we can visit palaces and basilicas, marvel at the Grand Canal, and take a gondola ride (or two) as the driver serenades us, potentially with an accordion in his arms. Sobrang na-enjoy ko talaga ang moment. Maging si Ross ay halatang nakapag-relax. Kita naman sa mga kinuha kong pictures. Nakaw lang naman pero alam kong magandang kuha. Naisip ko tuloy na mag-entry sa photo exhibition na nababanggit ng professor ko.   The last length of our journey is like the cherry on top — the famous Amalfi Coast. There are many destinations in this area that we would like to go to, but we decided to go to Positano and Capri since it was suggested by our travel guide. Sabi raw kasi favorite daw 'yon ng karamihang nasa honeymoon. At Positano, we saw the bird’s eye view of the colorful homes and shops built along windy mountain roads. At Capri naman, we love the sweeping sea views and we also rent a yacht and experience island escape.   All in all, Ross gave me the experience of a lifetime. It is so romantic and lingers to my soul. This guy really shows how much he loves me. And I couldn't wish for more but just to be with him forever.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD