Chapter 25

1218 Words
Herald POV Ross and I decided to tell our parents about Rafa. So one Sunday , eksakto naman na wala ang Papa at second family nito sa bahay ng Mama ni Ross ay pumunta siya sa bahay nito kasama Rafa. Ako naman ay pumunta sa bahay ng ni Daddy dahil baka mabingo na ako sa Daddy. Ilang linggo na kasing hindi ako nakakapunta sa bahay. “Akala ko hindi kananaman makakapunta eh” Nahihimigan ko ang pagtatampo ng Daddy ko. “Baka itakwil n’yo na ako kaya nagpakita po ako.” Pabiro kong sagot na mukhang hindi ata nagustuhan ni Mickey. “So mana mana na pala ngayon? Masyado kang  bini-baby kaya na laki na ulo mo.” Anito na ikinagulat ng lahat. “Anong problema mo?” Simula noong group monthly meeting ay nararamdaman kong may itinatagong galit ito sa akin. “Ikaw ang problema ko!” nagsitayuan na ang mga kapatid ko. Si Kuya Rupert ay pinuntahan na si Mickey.” “Anong pinaglalaban mo Mickey?” Iritadong tanong ni Kuya Rupert. “Bakit, totoo na man ah? Masyado ninyong pinapamper si Herald na para bang victim. E anu tayo? Iniwan din naman tayo ah? Tapos ang lakas pa ng loob niyang isumbat sa Daddy ang lahat. Kung hindi naman umalis si Mommy hindi magkakandaletse-letse ang pamilya natin.”  So lumabas din ang hinanakit niya. “So kasalanan namin ni Mama ganoon? Yun ba yung sinasabi mo? Kasalanan ni Mama na umalis siya?” Pumanting talaga ang tenga ko sa itinuran ng kapatid kong tanghaling tapat ay kung umasta ay lasing. Buti at wala ang mga bata ngayon dito. “Huwag mo nang patulan, Herald.” Si Harley. “Hindi, pag-usap natin yaman din lang na naghihimutok yang kakambal mo and for sure ikaw din may gusto kang sabihin.” Same wavelength kasi sila kaya maging ugali pareho. Maboka lang si Mickey. “Anu ba kayo?” Saway ni Kuya Rufert. “Mag-aaway away kayo sa harap ni Daddy.” “Itanong mo yan sa kanya.” Turo ko kay Mickey. “Siya ang may sinasabi. Kawawa naman ang Mama, nagpaubaya na nga siya pa sisisihin ng anak.” “ENOUGH!” Sigaw ng Daddy. Nanahimik ang lahat. Pero nagngingitngit pa rin ako sa galit. “Ano bang nangyayari sa inyo?” “Dad, ako na ang kakausap sa kanila. Huwag na po kayo mag-alala.” Pag-aalo ni Kuya Rufert kau Daddy. “Hindi mo na kami dapat kausapin, Kuya.” Nagsalita na ako. “Bukas na bukas din kakausapin ko ang taga legal department para iprocess ang pagbalik ng share na inilipat sa akin. Magreresign na din ako sa Pages Café. Ililipat ko na din sa  pangalan ninyo yung business na ipinangalan sa akin. Nakakahiya kasi sa Kambal. Para mas tahimik magkalimutan na lang. Sanay akong magdildil ng asin kaya hindi ko kailangan yung yaman ninyo. Kaya naman akong buhayin ng asawa ko.” “Where is this coming from?” Tanong ni Daddy.” Walang kukuha noon sayo dahil iyo iyon. Iyon ba ang pinanghihimutok mo, Mickey? Care to explain, Harley?” Pero walang nagsalita sino man sa dalawa. Natuod ata. “No, Dad, Baka nga tama si Mickey. Kasalanan ng Mama ko. Nakaklahiya naman sa kanila at sinisi ko pa kayo sa paglalayas ni Mama.” Pagkasabi noon ay tinalikuran ko sila at naglakad paalis. “O asan na yung tapang n’yo? Bubugbugin ko kayo d’yan eh.”  Rinig kang komento ni Toffee at sumunod ito sa akin. “Ba’t ka sumunod kapag ikaw pinag-initan ng kambal?” “Hayaan mo sila, papapalit ako apilyido bukas.” Natawa ako sa sinbi ni Toffee. Memasabi lang kahit non-sense ay sasabihin pa din.   Sa pangyayaring iyon ay nagkaroon ng lamat ang ugnayan naming magkakapatid. Hindi na bumalik ang batang kambal sa puder ko. Pinadala ko naman ang mga gamit nila sa isang guard. Si Matty na parang naipit ay ninabuting sa bahay ni Dad tumira. Sina Toffee at Julius ay minabuting manatili sa akin. Nakakausap ko naman si Kuya Bryan. Madalas na pinapayuhan ako . Ayad din niyang makialam dahil labas naman siya sa problema namin na naintindihan ko naman. Gaya ng sinabi ko ay nagbitiw ako sa trabaho ko bilang president ng Pages Café. Balita ko ay sinalo iyon ni Matty. Sinubukann kong isauli din ang Page One pero dahil sa sariling pera ni Daddy iyon ay hindi daw pumayad ang matanda. Kinausap ko na lang si Katelyn na siya na ang bahala. Ibinalik ko din ang shares na inilipat ni Daddy sa akin. Buti hindi pinag-initan si Toffee dahil hindi siya inalis sa trabaho niya. Ang totoo nga n’yan ay gusto nang umalis din ni Toffee pero pinigilan ko lang. Sinabihan kong wag na siyang sumali sa gulo naming matatanda. Hindi naman ako natatakot maghirap. Nasanay ako sa hirap. Kaya mawala man lahat ay kaya kong mabuhay. Sinong mag-aakala na hanggang ngayon ay buhay na buhay pa pala ang hinanakit ng kambal sa Mama namin. At nagawa pang sisihin ni Mickey ang Mama. Palibhasa hindi nila nakita ang mga pasakit at paghihirap ni Mama. Noong panahong walang wala kami hanggang sa magkasakit siya at nang mamatay ito. Hindi ko sinasabi ng hindi valid ang nararamdaman nila pero yung isis lahat sa Mama, hindi naman ata makatarungan yon. Itinuon ko nalang ang attention ko kay Rafa na ngayon ay nasasanay na sa aming dalawa. Mas nagiging matanong na din siya kaya pinaplano ko nang ipa enrol sa preparatory school.    Sa mga nangyayari ngayon I am thankful dahil sinuportahan lang ako ng asawa ko. He understands the situation and tries to make things easy for me lalo na ang mga turnovers na naganap. Ang attorney niya ang kasi ang naglakad ng lahat. Hindi naman problema sa asawa ko na wala akong trabaho. Noong unang beses naming magkita ay alam na ni Ross ang kalagayan ko.  At hindi naman kami magugutom dahil may ipon din ako. Just incase hindi din ako mapili sa trabaho. “Are you okay?” Tanong ng asawa ko. Naabutan niya kasi akong nasa terrace. “Okay naman. Inaalala ko lang yung mga panahong simple lang ang lahat.” Sagot ko. “Sabi mo nga diba, everything happens for a reason. Sooner or later magiging maayos din ang lahat. Gusto mo bang magbakasyon muna sa Pampanga?” Napatingin ako sa kanya. Actually gusto ko sabihin sa kanya iyon. Naisip ko munang bumalik sa simple. May bahay naman ako sa probinsiya. Maayos na din naman iyon. Hindi ko lang napupuntahan pero alam kong mas mapapanatag ako doon. “If ayos lang sayo.” Sagot ko sa kanya.”Pano si Rafa?” “Syempre isasama natin.” Napataas ako ng kilay sa sinabi niya. “Natin?” “Syempre kasama ako. Pewde naman ako magtrabaho sa bahay. Pinalagyan na ‘yon ni Capitan ng WIFI kaya di na problema ang magtrabaho.” Paliwanag nito. “Saka nalang ako pupunta ng office kung kinakailangan.” “Mukhang pinag-isipan mo na talaga ha.” Napabilid tuloy ako sa asawa ko dahil naisip niya ang naisip ko. Naihanda na niya ang lahat. Magiging ayos lang naman siguro sina Toffee., Julius at Maze dito sa bahay. Nang sumunod na araw ay nagbyahe na kami pa Pampanga. Kung hanggang kelan kami doon? Hindi ko alam.   to be continue 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD