Herald POV Dahil minsan lang kaming dalawa ni Ross lumabas ng magkasama ay minabuti naming sulitin namin ang pagkakataong ito. Naisipan naming dalawa na mamasyal na kami lang dalawa. Matagal na din naming hindi nagagawa ang mamasyal ng kami lang dalawa kaya. Minsan nga ay nakalimutan ko na yung feeling ng magdate. Natatawa na lang ako dahil bumabalik sa alaala ko ang mga pangyayari noong nagsisimula pa lang kami. Sa kabila ng nararamdaman ni Ross ay naisantabi niya ito at piniling eenjoy ang sandali. Syempre medyo nagi-guilty ako kasi gusto ko naman na magkaayos sila ng Mama niya at makasundo niya ang mga kapatid niya. Pero kailangan kong igalang at ibigay sa kanya ang desisyon. Sa nakalipas na mga tao ay palaging sumusuporta lang si Ross sa akin. Sa tuwing may problema ay hinahayaan mu

