"Oh, s**t!" mariin kong daing nang gumuhit ang matinding sakit sa aking ulo nang magising ako mula sa couch.
Muli akong napapikit at mariing hinilot ang aking sintido kasabay ng malalim na pagbuntong hininga. "Fvck! What the he–––"
"Finally, gising ka na." Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. At bumungad sa akin ang tila nanunuring tingin ni Kent. "Ano pa bang mga pinaggagawa mo kagabi at doon ka na sa hallway nakatulog?" muli nitong turan at sa puntong iyon ay tila nahihimigan kong may halo ng pagdududa sa paraan ng pagsasalita nito at pagtatanong.
Mabilis akong napaiwas ng tingin at muling naipikit ang aking mga mata. Ano bang nangyari? May ginawa ba akong hindi maganda kagabi kaya ganito na lang ang ikinikilos ng taong 'to? 'T*ngna! Hindi kaya, nagwala ako sa bar nito— pero, hindi! Alam kong imposibleng gawin ko 'yon lalo na't wala namang nangyaring hindi maganda kagabi. Usal ko sa aking isipan. Ako man sa sarili ko'y nagtatanong din dahil wala akong maalala sa mga nangyari.
"What do you mean?" naguguluhan kong tanong habang mariing nakatitig sa mga mata nito at sinusubukang basahin ang ekspresyon nito, na maaaring sa paraang iyon ay makuha ko rin ang sagot mula sa mga tanong sa aking isipan at sa sarili nitong tanong.
Subalit bigla akong natigilan at lihim na napalunok nang may sumagi sa aking alaala. Isang pangyayaring bigla na lamang lumitaw sa aking isipan. Napayuko ako at mariing hinilot ang aking sintido.
Fvck! I kissed her.
Tumawa ito na tila nang aasar. "At talagang nagmamaang-maangan ka pa d'yan, ha! Sa tingin mo paniniwalan kita?"
Malalim akong bumuntong hininga saka ako tumayo at dinampot ang aking coat at cellphone. "Huwag kang maniwala kung ayaw mo. Isa pa, hindi kita tatanungin kung alam ko ang mga nangyari kagabi." Saka ko ito tinalikuran at dumiretso palabas ng silid. Ngunit bago pa man ako tuluyang makalabas ng silid ay muli akong napahinto dahil sa sinabi nito.
"Anyway, mukhang maysakit ngayon si Miss D, at balita ko dahil daw sa isa sa mga bisita ko kagabi." Sabay alpas ng nakakalokong ngisi nito sa labi.
Napakunot ang aking mga kilay at malalim na bumuntong hininga, saka ko ito bahagyang nilingon. "At ano namang kinalaman ko sa empleyado mong 'yan? At isa pa, sino naman ang Miss D na 'yan para pag ukulan ko pa ng oras at atensyon ko?!" malamig kong turan at pinipilit balewalain ang sinabi nito, kahit ang totoo'y tila apektado ako sa mga sandaling ito nang marinig ko ang pangalan ng empleyado nito, lalo na ng maalala ko ang ilang detalye kagabi nang dumating ako. Ang mariing pagtitig sa akin ng isang babae na waring may nais sabihin.
"Well, sinasabi ko lang naman. Baka lang naman kasi interesado ka ring malaman." Saka ito muling tumawa na tila may halong panunukso. "Sige na, umuwi ka na at ayusin mo na 'yang sarili mo. Nakahanda na rin ang kotse mo sa labas ng bar. Bumalik ka na lang pag may gusto ka pang malaman— I mean, itanong sa mga nangyari sa 'yo kagabi." Sabay kindat nito na ikinailing ko na lamang.
Malalim akong bumuntong hininga at pinilit na lamang balewalain ang mga sinabi nito, kahit pa ang totoo ay tila nagnanais pang magtanong ang kabilang bahagi ng aking isipan sa iba pa o sa kung ano pa nga ba ang mga nangyari kagabi.
HABANG nakapikit at sinasalo ng aking katawan ang malamig na tubig na nagmumula sa shower ay pinipilit kong alalahanin ang lahat ng mga nangyari kagabi mula umpisa hanggang sa tuluyan akong malasing. Lalo na ang babaeng nag mamay-ari ng labing inangkin ko kagabi ng paulit-ulit.
Ang labing tila nagdudulot ng kiliti at lalong nagbibigay ng matinding pagnanasa sa aking katawan na muli itong maangkin. Ang labing hindi ko maalala kung kanino o kung sino mang babae ang nag mamay-ari, ngunit sa puntong iyon ay iisa lamang ang sigurado ako, at iyon ay ang muli itong maangkin at tuluyang maging akin.
"Fvck! Ano ba itong mga pinag-iisip ko! Ano bang nangyayari sa akin. Bakit ako nagkakaganito dahil lang sa babaeng 'yon."
"Anyway, mukhang maysakit ngayon si Miss D, at balita ko dahil daw sa isa sa mga bisita ko kagabi." Malalim akong napa buntong hininga nang bigla na lamang sumagi sa aking isipan ang sinabi kanina sa akin ni Kent patungkol sa isa nitong empleyado na sinasabing si Miss D. Pagkatapos ay mariin akong napahilamos sa aking mukha.
"D*mn it! Para na akong mababaliw nito, eh."
PABAGSAK akong naupo sa couch ng matapos na akong magbihis at agad kong tinawagan si Jessie. Ilang pag ring lamang ang aking narinig ay agad na rin nitong sinagot ang aking tawag, subalit sa puntong iyon ay tila hindi ko naman alam kung ano ang dapat kong sabihin o kung paano ako magsisimulang sabihin dito ang nais kong ipagawa.
Hindi ko alam kung tama ba ang aking gagawin o hindi. Alam kong maguguluhan ito at mapapaisip, dahil kung itutuloy ko ang nais ko ay ito pa lamang ang unang pagkakataon na hihingi ako ng pabor o magbibigay ng utos mula sa aking personal na kagustuhan at hindi dahil sa trabahong aming hinahawakan.
"Prosecutor? Nand'yan pa po ba kayo? Hello! Hell–––"
Tumikhim ako nang muli akong narinig ang boses nito at marahang napahilamos sa aking mukha. "Ah— yes. I'm sorry, may kinuha lang ako." Pagsisinungaling ko habang napapasabunot sa aking buhok. "May gusto lang sana akong ipagawa sa iyo kung wala kang— I mean, kung hindi ka busy."
"Okay, Prosecutor. Sa ngayon, hindi pa naman po ako masyadong busy. Pero teka, may bago po ba uli tayong kas–––"
"Ah— hindi-hindi! Hindi ito tungkol sa t-trabaho." Putol ko sa pagsasalita nito na alam kong sa mga oras na ito ay naguguluhan na ito, lalo na sa hindi ko napigilang bahagyang pagkautal. Fvck!
Sandali itong nanahimik at tila nakikiramdam. At sa puntong iyon ay tila lalo lamang akong nilamon ng pagkailang. "Fvck! Pumunta ka na lang ngayon dito sa Penthouse ko. Bilisan mo." Sa halip ay turan ko at agad ko na ring pinutol ang linya.
Napailing ako at pabagsak na muling napasandal sa couch. Tila para akong isang teenager na hindi alam ang gagawin dahil lamang sa isang babaeng bumihag o umagaw sa aking atensyon o interes at ngayon ay natutuliro ang isip.
"Maupo ka." Utos ko kay Jessie at itinuro rito ang upuang nasa harapan ko lamang.
Tumango ito. "Ano po bang ipapagawa n'yo, Prosecutor?"
Marahan akong bunumtong hininga at sandaling nag-isip kung itutuloy ko pa ba ang plano ko o hindi na lamang. Ngunit sa huli ay nanaig pa rin ang kagustuhan kong gawin ang aking plano.
"Alamin mo sa bar ni Kent kung ano ang mga nangyari kagabi simula nang dumating ako at hanggang sa pag-alis ko," mahina kong turan habang nakayuko na tila nahihiya sa bagay na aking hinihiling.
"Bakit po, Prosecutor? May nangyari po ba?"
"At hangga't maaari 'wag mong ipapaalam kay Kent ang tungkol sa bagay na ito. May gusto lang akong malaman." Sa halip ay turan ko habang seryosong nakatingin dito.
Tumango ito, ngunit mababakas ang tila pagkalito. Gayunpaman ay hindi na rin ito nag-usisa pa.
"Okay, Prosecutor. Sasabihan na lang po kita pag nagawa ko na po ang ipinapagawa ninyo." Tumayo na ito at nagpaalam na rin. Hindi na ako tumugon pa at tanging pagtango na lamang ang aking ginawa.
KINABUKASAN, agad namang ibinigay sa akin ni Jessie ang isang USB drive nang makapasok na ako sa opisina. Hindi naman na ako nagulat o nagtaka pa tungkol sa bagay na iyon dahil alam kong tungkol na iyon sa bagay na ipinaasikaso ko rito kahapon na naglalaman ng resulta sa ipinagawa ko. Sa kung ano ang mga nangyari sa akin sa bar.
"Nand'yan na po ang lahat ng kuha sa CCTV camera sa loob ng bar simula po nang dumating kayo at hanggang sa maka–––"
"That's enough, Attorney. Ako na ang bahala rito. Salamat." Putol ko sa pagsasalita nito nang bigla akong tila nakaramdam ng pagkailang nang maalala ko ang ilang detalye sa mga nangyari sa loob ng bar habang kasama ko ang isang babaeng hindi ko maalala ang itsura dahil na rin sa matinding kalasingan. Ang babaeng bigla ko na lamang inangkin ang labi at paulit-ulit na hinalikan.
Napailing ako nang mapansin kong ang panaka-nakang pag ngiti ni Jessie habang patungo sa table nito. Alam kong iba na ang tumatakbo sa isip nito ngayon lalo na nang makita nito ang kuha sa CCTV footage habang kasama ko ang isang babae at kahalikan.
"By the way, sigurado ka bang hindi ito nalaman ni Kent?" hindi ko napigilang itanong kahit pa mariin kong ibinilin dito kahapon na huwag ipapaalam kay Kent. Kilala ko rin ang kaibigan ko pagdating sa mga ganitong bagay kaya't hindi ko mapigilang mag-alala.
Marahan itong umiling. "Opo, wala po s'ya sa bar kagabi nang pumunta ako kaya maayos ko rin pong nagawa ang ipinag-uutos ninyo. Sinabihan ko na rin po ang mga empleyado niya na hindi nila ako nakita roon."
"Good."
"Ahmm, gusto n'yo po bang alamin ko ang tungkol sa babaeng 'yon, Prosecutor?"
Natigilan ako sa tinuran nito at mariing napatitig sa USB na ibinigay nito. Hindi ko alam kung ano ang dahilan at bigla na lamang nitong naitanong ang tungkol sa bagay na iyon, na ako man sa sarili ko ay hindi ko iyon naiisip o ang sumagi man lang sa aking isipan.
"What do you mean at sino ng babae ang tinutukoy mo?" Sa halip ay balik kong tanong dito at nagkunwaring hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nito.
Sunod-sunod naman itong umiling na tila bigla itong natauhan sa mga sinabi. "Ah, wala po, Prosecutor. 'Wag n'yo na lang pong pansinin ang sinabi ko. Pero kung may gusto pa po kayong ipagawa o ipag-utos maliban sa trabaho, sabihan n'yo lang po ako."
Bumuntong hininga ako at inilagay ko ang USB drive sa loob ng aking drawer saka ako tumingin dito. "Get back to work, Attorney."
Hindi ko na ito pinansin pa at itinuon ko na lamang din ang aking atensyon sa mga dokumentong nasa aking harapan, kahit pa ang totoo'y hindi rin ako makapagpokus sa mga oras na ito dahil sa babaeng iyon.