CHAPTER 34

2230 Words

Nagitla si Janine at napadilat. Gumaan ang halik ni Draco pero hindi kumilos ang binata para lumayo sa kaniya. Katunayan ay para bang wala itong pakielam kung may kumakatok sa labas. Na para bang ayaw nitong maputol ang pagkakalapat ng kanilang mga labi. Muling may kumatok at bahagya nang itinulak ni Janine palayo ang binata. “Draco,” mahinang saway niya rito.             Inilayo ni Draco ang mga labi sa kaniya at humugot ng malalim na paghinga. Pagkatapos ay tila frustrated na inihilig nito ang ulo sa kaniyang leeg at nanatili sa ganoong puwesto ng matagal. Namilog ang mga mata ni Janine dahil naramdaman at halos marinig na niya ang mabilis na t***k ng puso ni Draco na sumasabay sa mabilis ding t***k ng kaniyang puso.             “Draco?” pabulong na untag ni Janine sa binata.       

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD