Hindi ko mapigilan ang hindi magtaka dahil nasa loob ng kwarto ko si Mr. Soriano. I saw him standing right there— nakatalikod siya sa akin. Agad akong napabangon para tanungin siya kung may kailangan siya.
“Hey Mr. Soriano?” I call him to get her attention. I tap his shoulder.
Pumihit naman siya paharap sa akin na may nakakaloko na ngiti, bigla akong tinubuan ng kaba sa aking dibdib. All I can do is to stare at him watching him what he will do next.
Dumoble pa ang kaba ng bigla siyang humakbang palapit kaya agad akong napaatras ng hakbang palayo sa kanya pero patuloy lang niya sa paghakbang palapit sa akin. Looking at him right now makes me sick. I know that looks.
Is he going to eat me alive? Oh god! My naughty mind makes me think about having him in my bed.
“Fvck ka Sir!” I shout at him.
When he finally corners me with both hands on my sides.
“Are you gonna eat me?” I asked him without hesitation.
“Yes Gabriela, I will eat you.”
What the hell! I know him so well he likes eating raw meat. I feel the sensation build up between my tights.
He is still staring at me. What is happening to my boss! I know he is always teasing me pero what happened?
His face lowered to reach my lips so I did my part. I pouted my lips waiting for his lips to touch my lips. I was trying to reach it but it's hard to reach.
“INDAY GABRIELA!!!”
“GUMISING KA NA DYAN AT KANINA KA PA HINAHANAP NI BOSS!”
What the heck happened? I opened my eyes and I saw Mona right there waiting for me to wake up. Oww! It's just a fvcking dream.
Istorbo naman ang bruha na ito. Nandun na magkadikit na sana ang lips namin! Malapit ng dumikit konting push na lang. Pati ba naman sa panaginip ko hindi padin matuloy tuloy ang kissing scene namin.
Umalis na si Mona. Nagkusot kusot ako ng mata, nag-inat muna. Nag toothbrush muna ako at naghilamos at sumunod na rin kay Mona.
Nandito na naman pala siya. Mabuti at may kasama na ako dito. Pang nandito siya ay mas mabilis na lumilipas ang araw dahil mayroon akong kausap.
Agad akong pumasok sa kusina at naghanda na agad, bilis ang kilos ko late gising ko dahil sa letcheng kiss na iyon hindi naman natuloy. Kainis!
Inilapag ko na sa may table ang mga pagkain ni Mr. Soriano.
Pumasok ako sa may kwarto niyang makalat na naman naabutan ko naman siya nakaupo doon.
Pinulot ko muna ang mga nakakalat na damit. Nang lumabas na si Mr. Soriano ay inihanda ko na yung pampaligo niya at ang damit na pag bibihisan niya.
Lumabas na ako daladala ang mga marurumi pang mga damit dinala ko yon kay Mona.
Nag uumpisa na pala siyang maglaba. "Inday ikaw ah naabutan kita na nakanguso.” bungad niya.
Nailing na lang ako sa kanyang sinabi. So she saw it. "Sabi mo pa nga ay mwah mwah.” sabi pa niya at nakanguso pa talaga. Fvck! My sounds pa. Hindi naman natuloy.
Kasi naman yang amo mo pati sa panaginip ko hindi pa din natuloy ang kissing scene namin. Ang damot.
"Ano bang napapanaginipan mo?" pag-uusisa niya pa.
Natatawa na lang ako, may narinig akong nakikisabay sa pag tawa ko paglingon ko ay si Mr. Soriano pala. Psh! Epal kasi.
"Mona ganyan ba ang ginagawa ni Gab kanina?" tanong pa ni boss.
Nag pout si Boss at nakapikit at galaw galaw pa yung labi niya. Hala bakit parang ang sarap nang hatakin at kagatin. RARW!
Tumango tango pa siya bilang sagot mas lalo naman natawa si Mr. Soriano kay Mona.
Eto naman kasing si Mona nalaman pa tuloy ni Mr. Soriano.
"Siguro pinagsamantalahan mo ako sa panaginip mo?!" baling ni boss sa akin nang aasar.
Ako na naman ang trip ng amo namin. Bakit ba kasi naabutan pa ako ni Mona na ganun ang ginagawa.
Bigla naman nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mr. Soriano, kung alam mo lang talaga. Nakatali ka na sa kama mo at pinag sasawaan ko na ang buong katawan mo.
"What no way!!" I said with a hard accent.
Nagulat ako sa mga salitang lumabas sa akong bibig. Napahinto ako doon. Maging siya ay nagulat rin.
“Galing ko no, napanood ko yun sa movie.” agad kong sabi.
Tumawa lang siya at lumakad na paalis.
Napatingin ako sa may pwetan ni Mr. Soriano. Ay puta yummy laki ng pwet niya. Nakuyom ko ang palad ko. I want to touch it!
Napakagat nalang ako sa labi ko. Parang gusto ko iyon paluin at kurutin.
Mag ready na siguro para pumasok sa opisina. Mabuti pa nga at magtrabaho na siya hindi iyong ako ang trip niya.
“Bongga mo girl galing mo mag english ah!” She's amaze.
"Nako Mona susuntukin talaga kita eh!" baling ko sa kanya. “Ang ingay ng bibig mo!”
Natawa nalang ako sa reaction niya. Sumimangot lang kasi siya sa akin.
“Malay ko ba!” depensa niya sa sarili.
“Kasi naman ano ba kasi iyong napapanaginipan mo?” tanong niya.
“May ka’kissing akong gwapong lalake sa panaginip ko.” kwento ko sa kanya.
“Nako Gab mag jowa ka na.”
Natawa lang ako sa kanya. “Istorbo mo kasi!” nailing kong sabi.
“Sorry na inday hindi ko naman alam na may pinagsamantalahan ka sa panaginip mo.”
Tinulungan ko muna si Mona magsampay ng mga damit ni boss sa likod bahay. Nagsasampay kami ay panay ang kwento niya tungkol kay Badong niya.
“Pero teh yung taga linis ni Boss may crush siya kay Sir nagpapapansin nga.”
I knew it. I just roll my eyes to her. Patapos na kami ay iniwan ko na siya doon.
Naglakad na ako papasok sa loob. Nakita ko si Mr. Soriano na nakaupo sa sofa nakabihis na siya ng damit pang opisina, nahinanda ko kanina.
Bumaling siya ng tingin sa akin.
"Gab pakuha nga yung susi ko sa taas please.” utos niya sa akin.
Agad naman ako umakyat sa taas para kunin ang susi ni Mr. Soriano.
“Jusko saan na naman kaya niya nilagay iyon?”
Wala naman doon sa kung saan niya sinabi. Nilibot ko ang aking paningin. Hinanap ko pa sa paligid ng kwarto niya, nakasabit lang pala sa may study table. Nang makuha ko ay bumaba na ako para ibigay na kay boss.
Nakita ko na wala na siya sa may coach, kaya lumabas ako at nakita ko siya sa may garage.
Lumapit ako sa kanya at inaabot ang susi na pinakuha niya. "Thanks Gab.”
Tumango lang ako. Wala bang thank you kiss? Tanong ko sa aking isip.
Akmang tatalikod na ng bigla niya akong hilahin paharap sa kanya.
He pinched me on the car hood, and cornered me with his two muscular arms. Looking at me straight into my eyes.
Pumikit pikit ako baka panaginip na naman. Baka masakal ko na talaga siya in real life.
Alam kong nagising na ako pero bakit parang panaginip na naman.
Nako mabibitin na naman ako. Kung hilahin ko na kaya siya tapos sunggaban ko na agad para wala ng kawala to.
"Aa— ano ba Mr. Soriano?” mahina at kabado kong tanong. Kunwari pang tanong Akala mo talaga.
I felt so excited. Matutuloy na nga ba ang kissing scene namin?
Ngumiti lang siya ng nakakaloko, then suddenly he kiss me. A quick kiss.
Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya, a quick peck of kiss. Lumayo na siya sa akin at itinayo niya na ako.
Tumalikod na para sumakay sa itim niyang kotse, nang makasakay siya ay pinaharurot na agad niya paalis.
Samantalang ako ay nakahawak din sa bibig ko. Bitin naman dapat kahit isang matinding kissing scene lang with tongue ang damot.
Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya pero naman dapat kung ganun ay lap lap na. Puta ka Soriano. Hype ka puro ka patikim. Pabitin!
Isang isa na lang Mr. Soriano! Ako na mismo ang gagapang sayo! Tandaan mo yan. Mark my words.
Nang makabawi ako ay wala na siya, hype na yun mapagsamantala kiss and run. Sayang hindi pa ako makakaganti sa kanya hintayin niya ang ganti ng api!
Humanda ka sa akin Allen Soriano! Masyado mo akong binibitin.
Padabog akong pumasok ng bahay at nag asikaso ng mga gawain, maglinis papala ako ng kwarto ni Boss sa taas.
Almost a month ng walang babaeng dinadala si Boss dito sa bagong bahay namin, sa hindi malamang pangyayari. Kala ko nga may sakit siya.
Well good dahil wala ng bedsheet ang nasasayang. Nagtataka ako kung bakit walang babae na pagala-gala dito sa loob ng bahay niya. Ano kayang nakain niya at natigil na ang pambabae niya.
Off limits dapat dito ang mga hayop na tulad nila. Masyado nilang nilalandi si Mr. Soriano! Eto naman amo ang landi landi rin. Hindi na manahimik.
Papailing na lang ako habang nagpupunas ng mga istante na maalikabok. Pati mga kurtina ay pinalitan ko na ng bago para maiba naman. Nakakasawa kasi ang kulay. Paano ba naman ay lumipat pa sa mas malaking bahay si Boss, ayaw niya ng manatili doon sa kabilang bahay niya paano madalas may mga pumunta na mga babae niya hinahanap siya at galit na galit pa.
Ewan ko ba! BABAERO kasi masyado.
Mamaya ay mag groceries ako pang-one week papasama nalang din diguro ako kay Mona nag-iwan naman din si Boss ng pera pambili ng mga kailangan.
"Inday sasamahan pa ba kita mag grocery?"
Nilingon ko siya. "Oo teh mamaya nag-iwan na si Mr. Soriano ng pera na pambili mamaya pag natapos na tayo ng mga gawain."
Tumango na lang siya tsaka kami parehong bumalik sa aming mga ginagawa.
Kailangan na maaga kami makapag groceries dahil anong araw ngayon baka mamaya ay maraming mamimili at gabihin pa kami ni Mona mahihirapan kasi siyang sumakay pauwi.
Then after namin matapos lahat ng kailangan gawin ay nagpunta na nga kami sa malapit na pwedeng mag grocery.
“Pagod na ako Mona!” reklamo ko sa kanya.
Nakaalis na kami sa bahay ni Allen nakasakay ng jeep. “Same vibe.”
Nanlaki ang mata ko sa sagot niya. “Taray naman conyo kana girl?” pang asar kong tanong.
“Tama lang naman ang sagot ko diba? Narinig ko lang yan sa panonood ng classmate ko.”
Tumango lang ako. Mona is a simple girl— innocent one. Buong biyahe namin ay nagkwentuhan kami.
Ginawa namin agad ang pakay namin para makauwi agad. May pasok kasi si Mona bukas kaya kailangan niyang makapag pahinga ng maaga.