“Salamat, Miss Glenda sayong kabutihang loob. Hindi ho namin akalain na sa kabila ng naging sigalot noong nakaraang bisita niyo ay babalik ka na may napakalaking donasyon pa para sa mga matatandang aming inaalagaan. Kaya salamat po talaga. Kayo ay pagpalain pa lalo.” Ang mapagkumbabang pasasalamat ng babaeng direktor ng bahay kalinga ng muling magtungo si Glenda sa lugar. Ayaw man niyang gawin ay napilitan talaga siya dahil sa takot na lumabas ang lahat ng s*x video nila ni Nonoy. Malakas talaga ang alas laban sa kanya kaya wala siyang nagawa kung hindi ang maglabas ng milyong halaga ng pera at ibigay sa bahay kalinga na kanyang kinamumuhian. “Wala yon. Kulang pa ho yan kung tutuusin.” Ang plastik na naman na sagot ni Glenda na diring-diri ng ibeso siya ng babaeng direktor. Pero dahil

