“Mukha po kayong pagod na pagod, sir Greg,” pagpuna ni Alona ng pagbuksan na ng front door ang kanyang matandang amo na galing sa trabaho. Mukha nga namang pagod na pagod ang matandang si Greg sa magulo nitong buhok sa at sa wala ng ayos ang damit nito na para bang nakipagbuno sa kung mga sino. “Nakakapagod talaga. Dapat sa edad kong ito ay nasa bahay na lang ako at nagbabasa ng dyaryo. Ngunit dahil sa kalagayan ni Glenda ay hindi ko magawa. Hindi ko naman pwedeng iasa kay Dondon lahat dahil may pagka-aanga-anga ang lalaking yon. Doon siya dapat sa malayong lugar para naman kahit paano ay may pakinabang siya.” Ang naiinis na sagot ng tatay ni Glenda na tumuloy na sa kusina at nagsalin ng malamig na malamig na tubig sa baso. Agad naman lumapit si Alona at saka pumwesto sa likod ng matand

