PANAY ANG BUNTONG hininga ni Sadra habang hinihintay yung kapatid niyang susundo sa kanya. Ang sabi nito habang nasa plane siya nandito na raw ito pero hanggang ngayon wala pa rin. Ilang beses na niya itong tinatawagan pero hindi naman sumasagot. Nagleave nalang siya ng message para sabihing siya nalang mag-isa yung uuwi dahil pagod pa siya.
Sumakay siya ng taxi at binigay ang address ng kanyang mga magulang. Pansamantala lang siyang titira dito dahil sa susunod na linggo balak niyang manirahan mag-isa sa apartment kagaya sa US. Hindi niya alam na nakatulog pala siya dahil nagising lang siya dahil sa pagtawag sa kan'ya nung driver. Napangiti siya ng tago dahil swerte siya kasi mabait naman yung driver hindi gaya nung mga taxi driver sa US na nasasakyan niya.
"Sadrania! I'm happy you're back" bungad sa kan'ya ng kanyang step mother nang pagbuksan ito ng pinto "I missed you!" nakangiting sabi nito pero tipid na ngiti lang yung ibinigay niya
I hate fakes.
"Hon what if we celebrate?" malambing na sabi nito sa daddy n'ya na may matamis na ngiti sa kan'ya "A house party for welcoming Sadrania" nakangiting dagdag nito at tumingin sa kan'ya
"Kayo na pong bahala, medyo pagod ako sa flight" walang emosyong sabi niya bago magpaalam at pumasok na sa kwarto niya.
Simula nung mamatay yung mommy nila ni Celestia ilang linggo palang yung nakakaraan may ibang babae na agad yung pinakakilala sa kanila ng kanyang ama. Iyon yung dahilan kung bakit siya naglayas at nabuhay nalang ng mag-isa kaysa makasama ang babaeng nanay-nanayan na niya ngayon. May contact pa rin siya kay Celestia nung naglayas siya pero hindi niya akalain na tinakot nung Amandang iyon si Celestia para lang sabihin dito kung nasaan ba talaga siya at ipinagmalaki pa nito sa kanyang ama na nahapan siya nito. Katangahan.
Nagpalit na muna siya ng pangbahay dahil hindi siya naliligo o nagbabasa kapag pagod. Pagkatapos niyang ilagay sa mga lagayan yung mga laman ng maleta niya humiga na siya sa kama dahil kanina pa masakit yung pang-upo niya dahil sa ilang oras na nakaupo sa eroplano.
Nasa kalagitnaan siya ng pagtulog ng may yumugyog sa balikat niya kaya laking inis niya ng makitang si Celestia ito na nakabusangot sa harap niya.
"Alam mo bang kaya ko ng manipa ngayon kapag ginigising ako kapag natutulog ako?" masamang tingin n'ya sa bunsong kapatid na humiga lang sa tabi n'ya at binaliwala yung masamang tingin n'ya.
"Ate sorry na kasi, bigla kasi akong nakita ni Mr. Madilim tapos bigla nalang n'ya akong dinala sa office n'ya" napataas yung kilay niya ng marinig yung sinabi nung kapatid niya
"At anong ginawa n'yo sa office n'ya? Hindi mo ba alam na bagot na bagot ako kakaantay sayo tapos malalaman kong mas pinili mo yung lalaking madilim na yun kaysa sa akin na kapatid mo?" malungkot kunyaring sabi ni Sadrania, alam niyang may nangungulit na lalaki sa kapatid niya dahil tuwing magkausap sila sa telepono iyon lagi ang bukam bibig nito
"Sorry na nga eh, saka hindi ko naman siya pinili sadyang hinila lang niya ako" rason nito kaya napailing nalang siya
"Pakilala mo ako d'yan sa boyfriend mo na yan dahil malilintikan talaga yan sakin kapag nakita ko yan, imagine nag antay ako sayo sa wala tapos kasama ka lang pala n'ya. Hindi mo pa sinasagot yung tawag ko" sumama lalo yung timpla niya ng maalala yung hindi nito pagsagot sa tawag niya
"Kinuha niya kasi yung phone ko ate" napairap nalang siya dahil sa rason ng kapatid niya "Bakit pala hindi mo sinama si Chayo?" dagdag na tanong ni Celestia sa kaniya
"Alam mo namang ayaw nun sa mainit, at ayaw iwan yung yaya niya" nakangusong sagot niya dito na ikinatawa ng kapatid niya
"Edi dapat sinama mo na rin yung yaya niya"
"Hindi pwede dahil hindi papayag yung nanay niya"
"Alam ko may kaya yun ah? Bakit nagtatrabaho pa rin para sa anak mo?"
"Masyadong personal yung tanong mo, at ayaw niyang ipagsabi ko iyon sa kahit na kanino" agad na sabi n'ya sa kapatid niya na agad namang tinikom ang bibig
"Umalis ka na dito, nagtatampo ako sayo" dagdag niya na ikinahaba ng nguso ni Celestia at niyakap pa siya na parang nanglalambing
"Sorry na nga eh, tara mall tayo libre ko" yaya nito kaya nagliwanag yung mukha niya
"I'm tired" pagdadahilan niya kahit ayos naman na yung pakiramdam niya, sadyang ayaw lang niyang lumabas dahil naiinis siya sa kapatid niya
"Sige na kasi, aayusan kita" pagpupumilit nito kaya wala na s'yang nagawa. Hinila s'ya ni Celestia para pabangunin siya dahil kapag hindi s'ya naialis nito sa pagkakahiga hindi siya sasama pero ang kapatid n'ya kiniliti siya kaya agad siyang tumayo at tamad na pumunta sa closet para kumuha ng masusuot.
Lumabas na si Celestia dahil magbibihis din daw ito kahit ayos naman yung damit na suot nito. Naligo na muna siya dahil pakiramdam niya lagkit na lagkit siya dahil galing siya sa mahabang byahe.
Habang nagbabanlaw si Sadra narinig niya sa labas yung kapatid niya "Ate tapos ka na" tanong nito pero hindi niya sinagot at nagmadali na lang magbanlaw.
Nagsuot muna siya ng bathrobe bago lumabas. Naabutan niya si Celestia na may kausap sa telepono ng makalabas siya pero nang makita siya nito agad na pinatay ang tawag.
"Sino iyon?" nakataas kilay na tanong niya dito kahit alam niyang hindi nito nakikita yung mukha niya ngayon dahil nakatalikod siya at abala sa paglalagay ng lotion sa binti
"Ahmmm—"
Humarap siya dito kaya natigilan ito sa pagsasalita na ikinangisi niya "Magsasabi ka ng totoo o magsasabi ka ng totoo?" tanong niya dito na palapit na sa kaniya habang binabalik sa maliit nitong bag yung cellphone
"Si Dark. Nagyaya kasi siya ng date then I refused kaya tinanong niya kung bakit sabi ko pupunta tayo sa mall then sabi niya naman pupunta rin daw siya doon kasama yung kambal niya at fiancée nito" nakangusong paliwanag ni Celestia kaya umiwas na siya ng tingin para magbihis
Kanina pa sila nasa labas ng mall pero hindi pa sila pumapasok dahil hinahantay pa nila yung boyfriend ng kapatid niya. Dahil bagot na bagot na siya dito sa labas at naiinitan na rin siya dahil walang aircon dito, nagpaalam muna siya sa kapatid niya na pupunta muna siya sa favorite part niya dito sa mall.
WALA SA PLANO ni Bright ang sumama sa kambal niya pero wala naman siyang pagpipilian dahil gusto din magshopping ni Katrina. Kanina pa sila dito sa gitna ng kalsada dahil nasiraan sila. Hindi niya alam kung malas ba talaga sila o sadyang weak lang yung sasakyan ng kapatid niya.
Tinawagan niya yung isa sa mga kaibigan niya at nanghiram muna ng isang kotse dahil hindi sila sanay sa commute at lalong hindi doon sumasakay si Katrina.
"Babe matagal pa ba" nakangusong tanong sa kaniya ni Katrina na ikinalingon niya dito. Napansin niyang pawis na pawis na ang babae kaya tinanong niya si Dark na tanging pagturo lang sa isang SUV ang sagot.
Nang lumabas ang driver agad na kinausap ito ni Dark at pumasok na silang dalawa ni Katrina sa loob. Maya maya pa ay pumasok na rin si Dark na nasa driver seat.
Matapos nilang maipark yung sasakyan nauna na silang bumaba ng babae pero sinabihan sila ni Dark na huwag daw munang pumasok dahil doon sila magkikita ng kakitaan nito.
"Bakit ba hindi na lang sa coffee shop nag-antay yung girl. Bakit dito pa sa labas eh ang init init dito" dinig niyang reklamo ni Katrina pero hindi nalang niya pinansin "Babe pasok na tayo, please" ginagalaw galaw pa nito yung braso niya kaya napabuntong-hininga muna siya bago magsalita ng mahinahon
"Mamaya na, malapit na rin naman si Dark. Hinahanap lang niya yung ka date niya" nakangiting sabi niya pero pilit lang iyon.
Hindi kayang gawin ni Bright ang mga ganito, imbes na nagsasaya siya sa bar, heto siya at nasa mall dahil sa fiancée niyang walang ibang ginawa kundi ang magreklamo. Kung hindi lang niya kailangan ang kompanya kanina pa niya inalisan si Katrina.
Wala naman siyang problema sa kompanya dahil wala siyang kaagaw doon. Kung si Dark man, alam niyang hindi iyon pag-iinteresan ng kambal niya dahil may sarili na itong kompanya.
Wala na talaga siyang problema pero simula ng lumapit itong babaeng ito sa nanay niya at sinabing may nangyari sa kanilang dalawa. Sa simbahan ang bagsak niya, pero dahil mautak siya nirason niya pa sa nanay niya na sa susunod na taon na lang sila magpapakasal ni Katrina dahil eenjoyin pa nila yung buhay na mag fiancée sila kahit pa alam niyang tutol doon si Katrina.
Habang palinga-linga siya may isang babae ang nakaagaw pansin sa paningin niya "Wait me here babe, I have to go to the restroom" hindi na niya hinintay yung sasabihin ni Katrina dahil narinig naman na niya yung boses ni Dark kaya alam niyang wala siyang problema.
Nang makapasok siya sa loob hindi na niya nakita pang muli yung babaeng nakita niya kanina habang nasa labas siya.
5 years but I still can't forget
"f**k!" reklamo niya bago pumunta sa national book store